Go to full page →

Hingin ang tulong ng diyos PK 36

Kayong may pusong nauuhaw sa bagay na lalong mabuti kay sa maibibigay ng sanlibutang ito ay kilalanin ninyo na ang kauhawang ito ay siyang tinig ng Diyos na nagsasalita sa inyong kaluluwa. Hingin ninyo sa Kanyang bigyan kayo ng pagsisisi, at ipakita sa inyo si Kristo sa hindi matingkalang pag-ibig, at sa sakdal na kadalisayan Niya. Sa kabuhayan ng Tagapagligtas ang mga simulain ng kautusan ng Diyos—ang pag-ibig sa Diyos at sa tao—ay ganap na nahayag ang kagandahang-loob at mapagbigay na pag-ibig na siyang buhay ng Kanyang kaluluwa. Sa pagtingin natin sa Tagapagligtas, at pagtama sa atin ng liwanag na nagbubuhat sa Kanya, ay nakikita natin ang kasamaan ng ating mga puso. PK 36.1