Hindi ipinalalagay ng Diyos na magkakasimbigat ang lahat ng kasalanan; sa Kanyang palagay, na gaya ng sa tao, ay may iba’t-ibang timbang ang kasalanan, nguni’t maging gaano man kaliit ang kamaliang ito at ang kamalian iyon sa pan ingin ng mga tao, ay walang kasalanang maliit sa paningin ng Diyos. Ang hatol ng tao ay may kinikilingan at hindi ganap; subali’t ibinibilang ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa tunay nilang kalagayan. Hinahamak ng tao ang manglalasing, at pinagsasabihan na ang kasalanan niya ang sa kanya’y maglalabas sa langit; samantalang ang kapalaluan, kasakiman, at pag-iimbot ay madalas na pinababayaang hindi sinasaway. Datapuwa’t iyan ang mga kasalanang labang-laban sa Diyos; sapagka’t mga kaaway ng kanyang likas na magandang loob, ng pagibig na di mapag-imbot, na siyang malayang pinaiiral sa sandaigdigang hindi nagkasala. Siyang nahuhulog sa nakahihiyang kasalanan ay maaaring makaramdam ng kahihiyan at karalitaan at ng pagkukulang niya sa biyaya ni Kristo; subali’t ang kapalaluan ay hindi nakakaramdam ng anumang pangangailangan, kaya’t ipininid nito ang kanyang puso upang huwag makapasok si Kristo, at ang walang katumbas na mga pagpapalang ipinarito Niya upang ibigay. PK 39.1
Vaong kaawa-awang maniningil ng buwis na dumalangin, “Diyos, Ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan” (Lukas 18:13), ay nagpalagay na ang kanyang sarili ay napakasamang tao, at gayon din ang palagay sa kanyang pangangailangan, at pasan ang kanyang kasalanan at kahihiyan ay humarap siya sa Diyos, at humingi ng awa. Bukas ang kanyang puso upang magawa ng Espiritu ng Diyos ang mabiyayang gawa, at mapalaya siya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Yaong palalo at mapag-aring matuwid na panalangin ng Pariseo ay nagpakilalang napipinid ang kanyang puso laban sa impluensiya ng Banal na Espiritu. Dahil sa kalayuan niya sa Diyos, ay hindi niya nakilala ang kanyang karumihan, na katuwas ng wagas na kabanalan ng Diyos. Wala siyang naramdamang anumang pangangailangan, at wala siyang tinanggap na anuman. PK 41.1