Ang lahat ng naging katayuan ni Kristo sa unang mga alagad, ay nais Niyang siyang maging katayuan Niya sa mga anak Niya ngayon; sapagka’t doon sa kahuli-hulihang pananalanging kasama ng munting pulutong ng mga alagad na nagkatipon sa palibot Niya ay ganito ang Kanyang sinabi: “Hindi lamang sila ang idinadalangin Ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa Akin sa pamamagitan ng kanilang salita.” Juan 17:20. PK 103.1
Tayo’y idinalangin ni Jesus, at hiningi Niyang tayo’y makaisa Niya, gaya naman Niyang kaisa ng Ama. Kay inam na pagkakaisa! Tungkol sa Kanyang sarili, ay ganito ang sinabi ng Tagapagligtas: “Hindi makagagawa ang Ama ng anuman sa Kanyang sarili;” “ang Ama na tumatahan sa Akin ay siyang gumagawa ng mga gawa.” Juan 5:19; 14:10. Kaya kung si Kristo ang tumatahan sa ating mga puso, ay gagawa Siya sa atin sa ldquo;pagnanasa at sa paggawa, ayon sa Kaniyang mabuting kalooban.” Filipos 2:13. Tayo’y gagawa na gaya ng paggawa Niya; tayo’y magpapakita ng gayon (ling diwa. Anupa’t sa pag-ibig, at pananatili sa Kanya tayo’y “mangagsisilaki sa lahat ng mga bagay sa Kanya, na Siyang pangulo, samakatuwid baga’y si Kristo.” Efeso 4:15. PK 103.2