Ang paglilingkod sa mga iba na walang diwang makasarili ay siyang nagpapalalim, nagpapatibay, at nagpapaganda ng likas na gaya ng sa kay Kristo, at nagbibigay ng kapayapaan at katuwaan sa mayroon nito. Marangal ang mga hangarin. Walang kalagayan ang katamaran o kasakiman. Ang nagsisigamit ng mga biyayang Kristiyano sa ganyang paraan ay magsisilaki at lalakas upang gumawa para sa Diyos. Magkakaroon sila ng malinaw na pag-unawang ukol sa espiritu, isang matatag at umuunlad na pananampalataya, at malaking kapangyarihan sa pananalangin. Ang Espiritu ng Diyos, na kumikilos sa kanilang diwa, ay tumatawag sa banal na pakikitugma ng kaluluwa bilang tugon sa banal na pagsagid ng Panginoon. Yaong, sa ganyang paraan ay nangagtatalaga ng kanilang sarili sa isang paglilingkod na walang halong pag-iimbot para sa ikabubuti ng mga iba, ay tiyak na gumagawa sa kanilang ikaliligtas. PK 110.2