Go to full page →

Kailangan natin ang lumago PK 157

Pinapayuhan ni Pedro ang kanyang mga kapatid na “magsilago sa biyaya, at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Kristo.” 2 Pedro 3: 18. Pagka lumalago sa biyaya ang bayan ng Diyos, ay patuloy silang tatanggap ng lalo at lalong malinaw na pagkaunawa sa Kanyang salita. Makakakita sila ng bagong liwanag at kagandahan sa mga banal na katotohanan nito. Ito’y nagkatotoo na sa kasaysayan ng iglesiya sa buong panahon at magpapatuloy pa ito hanggang sa wakas. “Ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang higit at higit sa sakdal na araw.” Kawikaan 4:18. PK 157.1