Ang takot sa panginoon ang pasimula ng karunungan, at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. Kawikaan 9:10. PnL
Gaya ng ating Tagapagligtas, tayo’y nasa sanlibutang ito para maglingkod sa Diyos. Narito tayo para maging gaya ng Diyos sa karakter, at sa pamamagitan ng buhay ng paglilingkod ay ipinakikilala natin Siya sa sanlibutan. Para maging kamanggagawa ng Diyos, para maging kagaya niya at para maipahayag ang Kanyang karakter, dapat nating makilala Siya nang tama. Dapat nating makilala Siya ayon sa Kanyang sariling pagpapakilala. PnL
Ang pagkakilala sa Diyos ang pundasyon ng lahat ng tunay na edukasyon at ng lahat ng totoong paglilingkod. Ito lang ang tanging proteksyon laban sa tukso. Ito lang ang siyang tanging makagagawa upang gawin tayong kagaya ng Diyos sa karakter. Ito ang kaalamang kinakailangan ng lahat na gumagawa para palakasin ang iba. Ang pagbabago ng karakter, kadalisayan ng buhay, husay sa paglilingkod, pagsunod sa tamang mga prinsipyo, lahat ay nakadepende sa tamang pagkakilala sa Diyos. Ang karunungang ito’y mahalaga sa paghahanda para sa buhay na ito at sa buhay na darating. . . . PnL
Ang mga bagay ng kalikasan na ating nakikita ngayon ay nagbibigay ng kakaunting kaunawaan ng kaluwalhatian ng Eden. Dinungisan ng kasalanan ang kagandahan ng sanlibutan; sa lahat ng mga bagay ay makikita ang gawa ng kasamaan. Gayunman maraming maganda ang nananatili. Nagpapatunay ang kalikasan na ang Isang may walang hanggang kapangyarihan, dakila sa kabutihan, kaawaan at pag-ibig, ang lumikha sa mundo, at pinuno ito ng buhay at kagalakan. Kahit sa wasak na kalagayan nito, ang lahat ng bagay ay naghahayag ng kagagawan ng dakilang Panginoong Manlilikha. Saanman tayo lumingon, maririnig natin ang tinig ng Diyos, at makikita ang ebidensya ng Kanyang kabutihan. PnL
Mula sa taimtim na dagundong ng kulog at ng walang tigil na atungal ng matandang karagatan, hanggang sa galak na mga awit na sa kagubatan ay nag-iingay na may himig, ang libong tinig ng kalikasan ay nagsasalita ng papuri sa Kanya. Sa lupa at sa dagat at sa himpapawid, sa kahanga-hangang kulay nito, magkakaiba sa marilag na paghahalo ng kulay na may kapayapaan, nakikita natin ang Kanyang kaluwalhatian. Ang walang hanggang mga burol ay nagsasabi ng Kanyang kapangyarihan. Ang mga punong nagwawagayway ng kanilang berdeng bandila sa sikat ng araw, at ang mga bulaklak sa kanilang maselang kagandahan, ay nagtuturo sa kanilang Manlilikha. Ang berdeng nabubuhay na tumatakip sa kayumangging lupa ay nagsasabi tungkol sa pangangalaga ng Diyos sa hamak Niyang mga nilikha. Ang mga yungib ng dagat at ang kalaliman ng lupa ay nagpapahayag ng Kanyang mga kayamanan. . . . Ang lahat ng liwanag at kagandahan na nagpapaganda sa lupa at nagbibigay liwanag sa kalangitan, ay nagsasalita tungkol sa Diyos.— The Ministry Of Healing, pp. 409, 411, 412. PnL