Kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting lingkod ni Cristo Jesus. 1 Timoteo 4:6. PnL
Ang Banal na Espiritu ay hininga ng espirituwal na buhay sa kaluluwa. Ang pagbabahagi ng Espiritu ay pagbabahagi ng buhay ni Cristo. Nilalangkapan nito ang tumatanggap ng mga likas o katangian ni Cristo. Iyon lamang mga tinuruan nang gayon ng Diyos, iyong mga nag-aangkin ng pusong ginagawan ng Espiritu, at sa kanilang kabuhayan ay nahahayag ang buhay ni Cristo, ay siyang magsisitayo bilang mga taong kinatawan ng Diyos, upang maglingkod sa kapakanan ng iglesya. PnL
“Sinumang inyong patawarin ng mga kasalanan,” wika ni Cristo, “ay pinatatawad; . . . at sinumang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.” Dito’y hindi binibigyan ni Cristo ang sinumang tao ng layang humatol sa iba. Sa Sermon sa Bundok ay ipinagbawal Niya ito. Ito’y karapatan lang ng Diyos. Subalit ibinibigay Niya sa iglesya, sa tatag na kalagayan nito, ang kapanagutan sa bawat isa niyang kaanib. Sa mga nagkakasala, ay may tungkulin ang iglesya, na magbabala o magpaalaala, magturo, at kung maaari ay magpanumbalik. “Sumawata ka, sumaway ka mangaral ka,” wika ng Panginoon, “nang may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.” (2 Timoteo 4:2.) Pakitunguhang may katapatan ang nakagagawa ng pagkakamali. Babalaan ang bawat kaluluwang nasa panganib. Huwag hayaang madaya ang sinuman ng sarili niya. Tawagin ang kasalanan sa sadyang pangalan nito. Ipahayag ang sinabi ng Diyos tungkol sa pagsisinungaling, paglabag sa pangingilin ng Sabbath, pagnanakaw, pagsamba sa diyusdiyosan, at lahat ng iba pang kasamaan. “Ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos.” (Galacia 5:21.) Kung mapilit pa rin sila sa gawang pagkakasala, ang hatol na sinabi ninyo mula sa Salita ng Diyos ay iginagawad sa kanila sa langit. Sa pagpili nila sa kasalanan, ay humihiwalay sila kay Cristo; dapat ipakilala ng iglesyang hindi niya sinasang-ayunan ang kanilang mga ginagawa, kung hindi ay siya na rin ang lumalapastangan sa kanyang Panginoon. Dapat niyang sabihin tungkol sa kasalanan ang sinasabi ng Diyos tungkol dito. Dapat niyang pakitunguhan ito ayon sa itinuturo ng Diyos, at ang kanyang gagawin ay pagtitibayin sa langit. Ang humahamak sa kapangyarihan ng iglesya ay humahamak sa kapangyarihan ni Cristo. PnL
Ngunit may maliwanag na bahagi sa larawan. “Sinumang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad.” Ang isipang ito ang laging isaisip. Sa pagpapagal sa mga nagkakamali, hayaang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Cristo. PnL
Hayaang ang pagsisisi ng makasalanan ay tanggapin ng iglesya nang may buongpusong pasasalamat. Hayaang ang isang nagsisisi ay akaying palabas mula sa kadiliman ng di-paniniwala hanggang sa liwanag ng pananampalataya at katuwiran. Bayaang ilagay niya ang nanginginig niyang kamay sa maibiging kamay ni Jesus. Ang ganitong pagpapatawad ay pinagtitibay sa langit.— The Desire Of Ages, pp. 805, 806. PnL