Huwag magkaroon ng pagkakagulo sa katawan, kundi ang mga bahagi ay magkaroon ng magkatulad na malasakit sa isa't isa. 1 Corinto 12:25. PnL
Ang pagsasama-sama ay kalakasan; ang pagkakahati-hati ay kahinaan. Kapag ang mga naniniwala sa katotohanan ay nagkakaisa, nagbibigay sila ng impluwensya. Maigi itong nauunawaan ni Satanas. Hindi kailanman siya mas determinado kaysa ngayon na pawalang bisain ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng pagdudulot ng kapaitan at pagkakagulo sa bayan ng Panginoon. PnL
Ang mundo ay laban sa atin, ang mga tanyag na mga iglesya ay laban sa atin, ang mga batas ng lupain ay nalalapit ng maging salungat sa atin. Kung mayroong pagkakataon na ang bayan ng Diyos ay dapat sumulong nang magkakasama, ito’y ngayon na. Ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang mga natatanging katotohanan para sa panahong ito upang ipakilala sa mundo. Ang huling pabalita ng awa ay lalabas na. Nakikitungo tayo sa mga kalalakihan at kababaihan na nakatakda para sa paghatol. Gaano nga ba dapat tayo maging maingat sa bawat salita at kilos sa pagsunod sa ating Tularan, na ang ating halimbawa ay maglapit sa mga tao kay Cristo. Anong pag-iingat ang dapat nating hangarin upang maipakita ang katotohanan, na ang iba, sa pamamagitan ng pagtingin sa kagandahan at pagiging simple, ay maaaring madala upang matanggap ito. Kung ang ating mga karakter ay nagpapatotoo tungkol sa nagpapabanal na kapangyarihan nito, tayo’y magiging patuloy na ilaw sa iba—mga buhay na sulat, kilala at nababasa ng lahat ng tao. Hindi natin magagawang magbigay ngayon ng lugar kay Satanas sa pamamagitan ng pagtatangi ng pagkabigo, pagtatalo, at alitan. PnL
Ang pag-iisa at pag-ibig na iyon na maaaring umiral sa Kanyang mga alagad ay ang pasanin ng huling panalangin ng ating Tagapagligtas para sa kanila bago ang Kanyang pagpapako sa krus. Sa paghihirap sa krus sa harap Niya, ang Kanyang inaalala ay hindi para sa Kanya, kundi para sa mga kailangan Niyang iwan upang isulong ang Kanyang gawain sa mundo. Ang pinakamatinding pagsubok ay naghihintay sa kanila, ngunit nakita ni Jesus na ang kanilang pinakamalaking panganib ay mula sa diwa ng kasakitan at pagkakabahagi. . . . PnL
Ang lahat na nakinabang sa mga gawain ng mga lingkod ng Diyos ay dapat, alinsunod sa kanilang kakayahan, makiisa sa kanila sa paggawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Ito ang gawain ng lahat ng mga tunay na mananampalataya, ministro at tao. Dapat nilang panatilihin ang pangunahing bagay na nakikita, lahat ay naghahanap upang punan ang kanilang angkop na posisyon sa iglesya, at lahat ay nagtutulungan sa kaayusan, pagkakasundo, at pag-ibig. PnL
Hindi nila pababayaan ang paggawa para sa lakas at pagkakaisa ng iglesya. Maingat nilang paghahandaan ang mga oportunidad na magbibigay daan para sa pagkakaibaiba at pagkakahati-hati.— Testimonies For The Church, vol. 5, pp. 236, 238. PnL