Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito'y matuwid. Efeso 6:1. PnL
Ang pinakamabuting paraan upang maturuan ang mga anak na gumalang sa kanilang ama at ina, ay bigyan sila ng pagkakataon na makita ang ama na nagbibigay ng mabubuting pagpansin sa ina, at ang ina na nagbibigay ng paggalang at pagrespeto sa ama. Sa pamamagitan ng pagtingin sa pag-ibig sa kanilang mga magulang, naihahatid ang mga anak na sumunod sa ikalimang utos at makinig sa atas na, “Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito’y matuwid. Igalang ninyo ang inyong ama at ina, na unang utos na may pangako; upang ito’y makabuti sa iyo, at upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupain.” PnL
Kapag ang mga anak ay may mga di-nananampalatayang magulang, at ang kanilang mga pinag-uutos ay sumasalungat sa mga hinihiling ni Cristo, kung gayon, magiging masakit man ito, kailangan nilang sundin ang Diyos at ipagkatiwala ang mga resulta nito sa Kanya. Malinaw na itinatagubilin ng Diyos ang tungkulin sa mga anak sa paggalang sa kanilang mga ama at ina. Samantalang mayroon silang pagkakataon at kakayahan, dapat nilang magiliw na alagaan ang kanilang mga magulang. Ang mga utos na ito sa mga anak ay tumatayo sa unahan ng huling anim na tuntunin na nagpapakita ng ating tungkulin sa iba. Ngunit bagaman inatasan ang mga anak na sumunod sa kanilang mga magulang, ang mga magulang ay tinuruan ding gamitin ang kanilang awtoridad na may karunungan. Sinulat ni Pablo, “At mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, kundi akayin ninyo sila sa pagsasanay at pangaral ng Panginoon.” Malaking pag-iingat ang dapat gawin ng mga magulang upang hindi nila matrato ang kanilang mga anak sa paraan na magbubunsod sa katigasan ng ulo, pagsuway, at paghihimagsik. Itinutuwid nila sila sa espiritu ng galit, at lalo pang kinukumpirma sila sa kanilang masasamang gawain at mapanlaban na espiritu, kaysa impluwensyahan sila sa tamang daan. Sa pamamagitan ng kanilang di-makatuwirang espiritu, itinutulak nila ang kanilang mga anak sa ilalim ng mga impluwensya ni Satanas, sa halip na iligtas mula sa mga silo ni Satanas sa pamamagitan ng kahinahunan at pag-ibig. Gaano kalungkot na maraming mga magulang na nag-aangking mga Cristiano, ang hindi kumbertido. Hindi nananatili si Cristo sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya. Habang nagpapakilalang mga tagasunod ni Jesus, kinasusuklaman nila ang kanilang mga anak, at, sa kanilang marahas, di-nagpapatawad na ugali, ay ginagawa silang salungat sa lahat ng relihiyon. Hindi kataka-takang ang mga anak ay nagiging malamig at mapanghimagsik sa mga magulang. Gayunman ay hindi pagpapaumanhinan ang mga anak sa pagkamasuwayin dahil sa di-nagpapabanal na mga paraan ng mga magulang. PnL
Ang bawat pamilya nawang nagpapahayag na mga natatalaga sa Diyos, ay maging gayon sa gawa at sa katotohanan!— Review And Herald, November 15, 1092. PnL