Dinalisay kita, ngunit hindi tulad ng pilak; sinubok kita sa hurno ng kapighatian. Isaias 48:10. PnL
Malaki ang pangangailangan ng paglilinang ng totoong pagpipino sa tahanan. Ito’y isang malakas na saksi na pumapabor sa katotohanan. Sa kaninuman sila maaaring lumitaw, ang kahalayan ng wika at ng pagkilos ay nagpapahiwatig ng isang napasamang puso. Ang katotohanang nagmula sa langit ay hindi kailanman nagpapasama sa tagatanggap, hindi ginagawang magaslaw o magaspang ang isang tao. Ang katotohanan ay nagpapalambot at nagdadalisay sa impluwensya nito. Kapag natanggap sa puso, ginagawa nitong magalang at mapitagan ang mga kabataan. Ang Cristianong pagpipitagan ay natatanggap lang sa ilalim ng paggawa ng Banal na Espiritu. Hindi ito binubuo ng pagkukunwari o artipisyal na pakintab, sa pagyuko at pagngiti. Ito ang uri ng pagpipitagan na tinataglay ng mga nasa sanlibutan, ngunit sila’y dahop sa tunay na Cristianong pagpipitagan. Ang tunay na pagpipitagan, tunay na paggalang, ay nakukuha lang mula sa praktikal na kaalaman sa ebanghelyo ni Cristo. Ang tunay na pagpipitagan, tunay na paggalang, ay isang kabaitang ipinakikita sa lahat, mataas o mababa, mayaman o mahirap. PnL
Ang kakanyahan ng tunay na pagpipitagan ay pagsasaalang-alang sa iba. Ang mahahalaga at matatag na edukasyon ay yaong nagpapalawak ng mga pakikiramay at naghihikayat sa kabutihan sa buong mundo. Ang tinaguriang kultura na hindi nagpapagalang sa kabataan sa kanilang mga magulang, nagpapasalamat sa kanilang mga kahusayan, nagtitiyaga sa kanilang mga depekto, at matulungin sa kanilang mga pangangailangan; na hindi sila ginagawang maunawain at magiliw, mapagbigay at matulungin sa mga bata, matanda, at sa kapus-palad, at magalang sa lahat ay isang kabiguan. PnL
Ang kagandahang-loob ng Cristiano ay ang gintong kawing na nagpapaging-isa sa mga miyembro ng pamilya sa mga bigkis ng pag-ibig, na mas nagpapalapit at mas nagpapalakas araw-araw. PnL
Ang pinakamahalagang tuntunin para sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at pamilya ay matatagpuan sa Biblia. Hindi lang ito ang pinakamahusay at pinakadalisay na pamantayan ng moralidad kundi pinakamahalagang alituntunin ng pagpipitagan. Ang Sermon sa Bundok ng ating Tagapagligtas ay naglalaman ng walang kasinghalagang pagtuturo sa matanda at bata. Dapat itong madalas na basahin sa loob ng pamilya at ang mga mahalagang aral nito’y maipakita sa pang-araw-araw na buhay. Ang gintong panuntunan, “Kaya, anumang bagay na ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayon ang gawin ninyo sa kanila,” gayundin ang atas ng apostol, “Sa pagpaparangal sa iba ay mag-unahan kayo,” ito’y dapat maging batas sa pamilya. Ang mga nagpapahalaga sa espiritu ni Cristo ay magpapakita ng kagandahang-loob sa bahay, isang diwa ng kabutihan kahit sa maliliit na bagay.— The Adventist Home, pp. 422, 423. PnL