Ngunit nang dumating si Cristo na Pinakapunong Pari ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong dakila at lalong sakdal na tabernakulo na hindi gawa ng mga kamay ng tao, samakatuwid ay hindi sa sangnilikhang ito. Hebreo 9:11. PnL
Ang tamang pagkaunawa ng paglilingkod sa makalangit na santuwaryo ay pundasyon ng ating pananampalataya.— EVANGELISM , p. 221. PnL
Ang santuwaryo sa lupa ay itinayo ni Moses ayon sa anyong ipinakita sa kanya sa bundok. Ito’y “isang sagisag ng panahong kasalukuyan, na sa panahong iyon ang mga kaloob at ang mga alay na inihahandog;” ang dalawang banal na dako nito’y “mga sinipi mula sa mga bagay sa kalangitan;” Si Cristo, ang dakilang Punong Saserdote, ay “isang ministro sa santuwaryo at sa tunay na tabernakulo na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.” (Hebreo 9:9, 23; 8:2.) Sa pangitain nga ay nabigyan si Apostol Juan ng pagkakataong makita ang templo ng Panginoon sa langit, nakita niya ang “pitong nagniningas na sulo ng apoy sa harapan ng luklukan.”. . . Dito pinahintulutan ang propeta na mamasdan ang unang silid ng santuwaryo sa Langit: at nakita niya roon ang “pitong sulo ng apoy” at ang “gintong dambana” na inilalarawan ng gintong ilawan at ang dambana ng insenso sa santuwaryo sa lupa. Muli, “nabuksan ang templo ng Diyos” (Apocalipsis 11:19), at siya’y tumingin sa loob ng tabing, sa banal ng mga banal. Dito ay nasilayan niya “ang kaban ng Kanyang tipan” (Apocalipsis 11:19), na kinakatawanan ng sagradong kaban na ginawa ni Moses na naglalaman ng kautusan ng Diyos. . . . PnL
Sinabi ni Juan na nakita niya ang santuwaryo sa langit. Ang santuwaryo kung saan naglilingkod si Jesus para sa atin, ay ang dakilang orihinal, na tinularan ng santuwaryong itinayo ni Moses. PnL
Ang makalangit na templo, ang tinatahanang dako ng Hari ng mga hari, kung saan “libu-libo ang naglilingkod sa kanya, at laksa-laksa ang nakatayo sa harapan niya” (Daniel 7:10), ang templong iyon na puno ng kaluwalhatian ng walang hanggang luklukan, kung saan ang mga serafin, ang nagniningning na mga bantay nito, ay itinatago ang kanilang mukha sa pagsamba— walang anumang kayarian sa lupa ang makapaglalarawan sa kalakhan at kaluwalhatian nito. Ngunit ang mga mahahalagang katotohanan tungkol sa makalangit na santuwaryo at ang dakilang gawaing ipinagpapatuloy para sa ating pagtubos ay dapat maituro sa pamamagitan ng santuwaryo sa lupa at sa mga serbisyo nito. PnL
Matapos ang Kanyang pag-akyat sa langit, kailangang simulan ng ating Manunubos ang Kanyang gawain bilang ating Punong Saserdote. Sinasabi ni Pablo, “Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa santuwaryo na ginawa ng mga kamay ng tao na mga kahalintulad lamang ng mga tunay na bagay, kundi sa mismong langit, upang dumulog ngayon sa harapan ng Diyos para sa atin.” (Hebreo 9:24.)— Patriarchs And Prophets, pp. 356, 357. PnL