Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa santuwaryo na ginawa ng mga kamay ng tao na mga kahalintulad lamang ng mga tunay na bagay; kundi sa mismong langit, upang dumulog ngayon sa harapan ng Diyos para sa atin. Hebreo 9:24. PnL
Sa mga hukuman sa kalangitan, si Cristo ay nakikiusap para sa Kanyang iglesya— nagsusumamo para sa kanila na tinubos ng Kanyang dugo. Mga siglo, mga panahon ay hindi makapagbabawas ng bisa ng Kanyang sakripisyo ng pagtubos. . . . PnL
Ang kasalanan nina Adan at Eva ay nagdulot ng katakut-takot na pagkakabukod sa pagitan ng Diyos at ng tao. At si Cristo ay pumagitna sa pagitan ng mga makasalanan at ng Diyos, at sinabing: “Maaari ka pa ring lumapit sa Ama; mayroong isang planong nilikha kung saan maaaring makipagkasundo ang Diyos sa sangkatauhan, at sangkatauhan sa Diyos; sa pamamagitan ng isang tagapamagitan maaari kang makalapit sa Diyos.” At Siya ngayon ay tumatayo upang mamagitan para sayo. Siya ang dakilang Punong Saserdote na nagsusumamo para sa iyo; na ikaw ay lumapit at ihayag ang iyong kaso sa Ama sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa gayo’y makikita mo ang daan tungo sa Diyos. PnL
Si Cristo Jesus ay kinakatawan bilang patuloy na nakatayo sa dambana, na inihahandog ang sakripisyo para sa mga kasalanan ng mundo. Siya ang ministro ng tunay na tabernakulo na itinatag ng Diyos at hindi ng tao. Ang karaniwang anino ng tabernakulo ng Judio ay hindi na nagtataglay ng kabanalan. Ang pang-araw-araw at pangtaunang pagtubos ay hindi na gagawin, ngunit ang pagtubos sa pamamagitan ng tagapamagitan ay mahalaga dahil sa patuloy na paggawa ng kasalanan. Si Jesus ay namumuno sa presensya ng Diyos, inihahandog ang nabuhos Niyang dugo, na tulad ng pinatay na kordero. . . . PnL
Ang mga relihiyosong serbisyo, pananalangin, papuri, ang masidhing pagtatapat ng kasalanan, ay umaakyat na parang mga insenso mula sa mga tunay na mananampalataya tungo sa makalangit na santuwaryo: ngunit dahil dumadaan ito sa tiwaling sangkatauhan, marumi sila maliban kung malinis ng dugo, sila’y hindi magiging mahalaga sa Diyos. . . . Lahat ng insenso mula sa tabernakulo sa lupa ay kailangang mawisikan ng naglilinis na dugo ni Cristo. Hawak Niya sa Kanyang kamay ang suuban ng Kanyang sariling kabutihan, na kung saan walang bahid ng katiwalian. Kanyang iniipon sa suuban ang mga panalangin, papuri, at mga kumpisal ng Kanyang bayan, at kasama nito inilalagay Niya ang Kanyang sariling katuwiran na walang bahid. Pagkatapos, pinahiran ng kabutihan ng pagpapahayag ni Cristo, ang insenso ay umakyat sa Diyos at naging ganap na katanggap-tanggap. . . . PnL
O, upang makita ng lahat na ang lahat sa pagsunod, pagsisisi, sa papuri at sa pasasalamat ay dapat ilagay sa nagliliwanag na apoy ng katuwiran ni Cristo.— God’s Amazing Grace, pp. 153, 154. PnL