Yamang tayo'y mayroong isang marangal at Pinakapunong Pari na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Diyos, ay hawakan nating matatag ang ating ipinahahayag. Hebreo 4:14. PnL
Dapat nating ibigay ang ating sarili sa espiritung nasa kay Cristo. Si Cristo ay gumagawa para sa atin; handa rin ba tayong gumawa para sa Kanya? Mga anak, linangin ang pasensya, pananampalataya at pag-asa. Nawa ay dagdagan ng Panginoon ang ating kagalakan ng pananampalataya sa ating walang hanggang buhay na Tagapamagitan. Subukan mong walang araw na dadaan na hindi mo mapagtatanto ang iyong pananagutan sa Diyos sa pamamagitan ng handog ng Kanyang bugtong na Anak. Hindi tumatanggap ng kaluwalhatian si Jesus sa sinumang mapang-akusa ng mga kapatid. Wala nawang araw ang lumipas na tayo’y hindi nagpapagaling at nagpapanumbalik ng mga dating sugat. Linangin ang pag-ibig, at huwag hayaang makatakas sa ating labi ang mga masasamang salita. Mabilis na isara ang pintong ito, at panatilihin itong sarado; buksan ang pinto na kung saan namumuno si Cristo, at panatilihin itong bukas, sapagkat nalalaman natin ang halaga ng handog ni Cristo at Kanyang di-mababagong pag-ibig. Uminom ng lubos na nakagiginhawang tubig ng buhay mula sa balon ng Lebanon, ngunit tanggihan ang malabong tubig na nagmumula sa lambak—ang madilim at kahina-hinalang damdamin. Tunay na maraming katotohanan doon, ngunit atin bang ipapasira ang samyo ng espiritu nang dahil ang iba ang nagdadamit ng kapighatian? Ang Diyos ay nagbabawal. Walang isang ikapu ng mga haka-haka ng kasamaan na nagkakahalaga ng oras na ibinibigay natin upang isaalangalang o ulitin ito. Alisin sa ating pananalita ang kabagsikan; magiliw na makipag-usap; at manindigan sa ating tiwala kay Jesus. PnL
Mayroon tayong buhay na Tagapamagitan na Siyang namamagitan para sa atin. Kaya tayo’y maging tagapamagitan din naman sa prinsipyo para sa mga nagkamali. “At ang pagkakaroon ng dakilang saserdote sa tahanan ng Diyos [dito ay Siya’y namamagitan para sa atin]; tayo’y lumapit na may tapat na puso sa lubos na katiyakan ng pananampalataya, na ang mga puso ay winisikang malinis mula sa isang masamang budhi at nahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig. Panghawakan nating matatag ang pagpapahayag ng ating pag-asa nang walang pag-aalinlangan, sapagkat siyang nangako ay tapat.” Siya ay “tapat na pinakapunong pari sa mga bagay na nauukol sa Diyos.” (Hebreo 10:22, 23; 2:17.) PnL
Kung gayo’y habang Siya’y gumagawa para sa atin, masigasig at maging interesado tayong magsikap na itaguyod ang pagkakaisa ng isa’t isa. Si Jesus ay dumadalangin na tayo’y magkaroon ng parehong likas at pagkakaisa na gaya ng umiiral sa pagitan Niya at ng Kanyang Ama. Ating pagsumikapan na sa lahat ay maingatan natin ang tiwala at pagibig para sa isa’t isa, at sa gayo’y ang dalangin ni Jesus ay mabigyan natin ng kasagutan. . . . Manatiling malapit kay Cristo, at alalahanin natin ang mayayamang panghihikayat na ibinigay Niya sa atin, upang tayo’y makapagbigay din naman sa iba.— Lift Him Up, p. 321. PnL