Kaya't kailangang Siya ay maging kagaya ng Kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang Siya ay maging isang maawain at tapat na Pinakapunong Pari sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang gumawa ng handog na pantubos sa mga kasalanan ng mga tao. Hebreo 2:17. PnL
Binihisan ni Jesus ng pagiging tao ang Kanyang pagka-Diyos upang maabot ang sangkatauhan. Ang Apostol ay nagwika, “Kaya, yamang ang mga anak ay nakibahagi sa laman at dugo, at siya man ay nakibahagi rin sa mga bagay na ito. . . . Sapagkat maliwanag na hindi ang likas ng mga anghel ang kanyang kinuha, kundi ang kabilang sa binhi ni Abraham. Kaya’t kailangang Siya ay maging kagaya ng Kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang Siya ay maging isang maawain at tapat na pinakapunong pari sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang gumawa ng pakikipagkasundo para sa kasalanan ng mga tao. Palibhasa’y nagtiis siya sa pagkatukso, siya’y makasasaklolo sa mga tinutukso.” Si Jesus lang ang nag-iisang lumakad sa laman na makahahatol ng matuwid. Sa pagtingin sa mga panlabas na kilos, ang mga tao ay maaaring hatulan ang kanilang inaakalang mga damo; na maging malaking pagkakamali nila. Ang mga ministro, maging ang mga karaniwang tao ng iglesya ay dapat na maging mag-aaral ng Biblia, at ng maunawaan nila kung paano kumilos patungkol sa mga pagkakamali. Hindi dapat sila kumilos ng padalus-dalos, na kumilos ng may pagtatangi o may pagpanig, na maging handa na may matigas na puso, na magtaas ng isa at magbaba ng iba; sapagkat ito ang pinakasolemneng gawain. Sa pagpuna at pagkondena sa kanilang mga kapatid, kanilang sinusugatan at sinasaktan ang mga kaluluwa na para sa kanila ay namatay si Cristo. Sila’y binili ni Cristo ng Kanyang sariling dugo; at bagaman sa iba, ang paghuhusga sa panlabas na anyo, ang pagsasabi ng mga salita laban sa kanila, ang hatol sa bulwagan ng langit ay mas kanais-nais kaysa mga nag-aakusa sa kanila. Bago kayo magsalita ng laban sa ibang mananampalataya, o magpasya na sila’y alisin sa samahan ng iglesya, inyo munang sundin ang utos ng apostol: “Siyasatin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo’y nasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong mga sarili. Hindi ba ninyo nalalaman na si Jesu-Cristo ay nasa inyo? malibang kayo’y nabigo sa pagsubok.” PnL
Hayaang ang lahat ng nagtatakwil sa kanilang mga kapatid, na tingnan nang mabuti ang likas ng kanilang sariling saloobin, ang kanilang motibo, mga dahilan at gawa. . . . Kung sa maingat at pinanalanging pagsusuri ng ating sarili, ating natuklasang hindi natin kayang madala ang pagsubok ng pagsisiyasat ng tao, paano pa natin mapananagumpayan ang pagsubok sa tingin ng Diyos, kung itinatayo natin ang ating mga sarili bilang hukom ng ibang tao? PnL
Bago hatulan ang iba, ang una nating gawin ay maging handa at manalangin, upang magtatag ng digmaan laban sa kasamaan ng ating sariling puso sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo.— Review And Herald , January 3, 1893. PnL