Ang langis at pabango sa puso’y nagpapasaya, gayon katamis ang payo ng isang tao sa kaibigan niya. Kawikaan 27:9. LBD 159.1
Maraming mali ang mangyayari sa bawat isa; pinapabigat ang kalungkutan at panghihina ang loob ng bawat kaluluwa; pagkatapos ang isang personal na presensya, isang kaibigang mang-aaliw at magbibigay ng lakas, ang magbabaliktad ng mga palaso ng kaaway na naglalayong sirain ka. Halos di-kalahati ang dami kaysa nararapat ang mga Cristianong kaibigan. Sa mga oras ng panunukso, sa isang krisis, mahalaga ang tunay na kaibigan! Sa panahong iyon, nagpapadala Si Satanas ng kanyang mga anghel upang madapa ang mga nanginginig na mga binti; ngunit ang mga tunay na kaibigang magpapayo, magbibigay ng nakaaakit na pag-asa, ang nagpapatahimik na pananampalatayang nagpapalakas ng kaluluwa,—oh, mas mahalaga pa kaysa mahalagang mga perlas ang tulong na tulad nito.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, p. 1163. LBD 159.2
Isang buhay ng kabanalan at debosyon ang buhay ni Samuel mula sa pagkabata. Ipinagkatiwala Siya sa pangangalaga ni Eli sa kanyang kabataan, at nakuha ang kagandahan ng kanyang pagkatao sang mainit na pagmamahal ng matatandang saserdote. Mabait, mapagbigay, masigasig, masunurin, at may paggalang Siya. . . . Hindi pangkaraniwan na ang isang mainit na pagkakaibigan ang umiiral sa pagitan ni Eli, ang punong mahistrado ng bansa, at ng isang simpleng bata. Matulungin at mapagmahal si Samuel, at walang ama ang higit na nagmahal sa kanyang anak nang higit na maingat tulad ng ginawa ni Eli sa kabataang ito. . . . LBD 159.3
Sobrang nakatutuwang makita ang kabataan at katandaang umaasa sa isa’t isa, ang mga kabataan na umaasa sa matatanda para sa payo at karunungan, ang mga may edad na umaasa sa kabataan para sa tulong at pakikiramay. Ito ang nararapat. Gusto ng Diyos na magkaroon ang mga kabataan ng katangian ng karakter na makasusumpong sila ng kasiyahan sa pakikipagkaibigan sa matatanda, upang magkaisa sila sa mapagmahal na mga tali ng pagmamahal para sa mga taong nalalapit na sa libingan.— The Signs Of the Times, October 19, 1888. LBD 159.4
Mas mahalaga kaysa ginto at pilak ang malakas at matulunging hawak ng kamay ng tunay na kaibigan.— Letter 16, 1886. LBD 159.5