Sa halip, yamang banal ang sa inyo’y tumawag, maging banal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay. 1 Pedro 1:15. LBD 178.1
Kung dalisay at pino ang puso, at ginawang angkop para sa paninirahan ng Banal na Espiritu, gagawing sagrado ang dila sa kaluwalhatian ng Diyos. . . . Maaari ninyong palibutan ang inyong mga kaluluwa ng atmosperang magiging tulad ng mga simoy mula sa makalangit na Eden. Buksan ang inyong puso sa Panginoong Jesus. Bantayan ninyo ang inyong dila. Huwag hayaan ang inyong dilang basta manukso at magbiro. Mga palatandaan ito na ang inyong puso ay kailangang linisin mula sa karumihan nito. . . . LBD 178.2
Ang ating mga salita ang sukatan ng kalagayan ng ating puso; at kung nagsasalita nang marami o maliit ang mga tao, ipinahahayag ng kanilang mga salita ang karakter ng kanilang mga iniisip. Maaaring tumpak na masukat ang karakter ng isang tao ayon sa likas ng kanyang pakikipag-uusap. Ang mahusay at matapat na mga salita ay may tamang tunog sa mga ito.— The Youth’s Instructor, June 13, 1895. LBD 178.3
Turuan ang inyong sariling magpakita ng magandang hitsura, at dalhin ang lahat ng lambing at himig na posible sa inyong tinig.— The Adventist Home, p. 432. LBD 178.4
Mga regalo mula sa Diyos ang boses at dila, at kung gamitin nang tama, sila ay isang kapangyarihan para sa Diyos. Lubhang mahalaga ang mga salita. Maaari silang magpahayag ng pag-ibig, debosyon, papuri, himig sa Diyos, o pagkapoot at paghihiganti. Ipinakikita ng mga salita ang damdamin ng puso. Maaari silang maging panukat ng buhay tungo sa buhay o ng kamatayan tungo sa kamatayan. Ang dila ay isang mundo ng pagpapala, o isang daigdig ng kasamaan. LBD 178.5
Nakikita ang ilan na nagmula sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagugnayan sa Diyos na nababalutan ng kaamuhan ni Cristo. Ang kanilang mga salita ay hindi tulad ng isang nangwawasak na yelong ulan, na dinudurog ang lahat ng nababagsakan nito; matamis na lumalabas sila mula sa kanilang mga labi. Itinatanim nila ang mga binhi ng pagmamahal at kabutihan sa kanilang daan, at nang hindi namamalayan, dahil nabubuhay si Cristo sa kanilang puso. Ang kanilang impluwensya ay mas nadarama kaysa nakikita.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, p. 1159. LBD 178.6
Dadaloy mula sa pinabanal na mga puso at labi ang mabait, maamo, at mahabaging mga salita.— Letter 15, 1892. LBD 178.7