Tungo sa isang manang hindi nasisira, walang dungis at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo. 1 Pedro 1:4. LBD 186.1
Hindi dapat lumabas ang ating mga petisyon sa Diyos mula sa mga pusong puno ng mga makasariling hangarin. Pinapayuhan tayo ng Diyos na piliin ang mga kaloob na humahantong sa Kanyang kaluwalhatian. Nais Niyang piliin natin ang makalangit kaysa makamundo. Binubuksan Niya sa atin ang mga posibilidad at kabutihan ng isang makalangit na pakikipagkalakalan. Nagbibigay Siya ng pangpalakas-loob sa ating pinakamataas na layunin, at seguridad sa ating pinakapiling kayamanan. Kapag nawala ang makamundong pag-aari, magagalak ang mananampalataya sa kanyang makalangit na kayamanan, ang mga kayamanang hindi maaaring mawala sa pamamagitan ng anumang kalamidad sa lupa.— The Review and Herald, August 16, 1898. LBD 186.2
Gaano ito kalungkot na humiwalay ang tao mula sa imortal na walang maliw na mana, at namuhay para sa kasiyahan ng pagmamataas, para sa pagkamakasarili at pagpapakita, at sa pamamagitan ng pagsuko sa pamamahala ni Satanas, ay nawalan ng pagpapalang maaari sana nilang nakamit sa buhay na ito at sa buhay na darating. Maaari sana silang pumasok sa mga palasyo ng langit, at nakihalubilo ayon sa mga tuntunin ng kalayaan at pagkakapantay-pantay kay Cristo at sa mga anghel sa langit, at sa mga prinsipe ng Diyos, ngunit, kahit parang kahanga-hanga ito, lumayo sila mula sa mga makalangit na atraksyon. . . . LBD 186.3
Nakikipaglaban si Satanas para sa mga kaluluwa ng mga tao. . . . Ayaw niya silang makasulyap sa hinaharap na karangalan, walang-hanggang mga kaluwalhatian, na itinaya para sa mga maninirahan sa langit, o magkaroon ng isang karanasan na nagbibigay ng isang unang tikim sa kaligayahan sa langit. . . . LBD 186.4
Ang mga tumatanggap kay Cristo bilang kanilang Tagapagligtas ay may pangako ng buhay sa ngayon, at sa darating pa. . . . Ang pinakamaliit na alagad ni Cristo ay maaaring maging isang mamamayan ng langit, isang tagapagmana ng Diyos sa isang walang kasiraang pamana, na di-kumukupas. O, upang ang bawat isa ay piliin ang makalangit na kaloob, at maging isang tagapagmana ng Diyos sa mana na ang titulo ay ligtas mula sa anumang maninira, isang mundong walang katapusan! O, huwag piliin ang mundo!— Fundamentals of Christian Education, pp. 234, 235. LBD 186.5