Sapagkat ang anumang mga bagay na isinulat noong una ay isinulat upang tayo ay matuto, upang sa pamamagitan ng pagtitiyaga at sa pagpapasigla sa ng mga kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. Roma 15:4. LBD 188.1
Numpay ang Banal na Aklat na ito sa mga atake ni Satanas, na nakipagkaisa sa masasamang tao upang mabalutan ng mga ulap at kadiliman ang lahat ng banal na karakter. Ngunit iningatan ng Panginoon ang Banal na aklat sa pamamagitan ng Kanyang kamangha-manghang kapangyarihan sa kasalukuyang hugis nito,—isang tsart o gabay na aklat sa sambahayan ng sangkatauhan upang ipakita sa kanila ang daan tungo sa langit. . . . Ang Salitang ito . . . ay ang gabay na aklat sa mga nananahan sa nagkasalang sanlibutan, iniwan sa kanila, upang sa pamamagitan ng pagaaral at pagsunod sa kanyang mga panuntunan, wala ni isang kaluluwa ang maliligaw.— The Testimony of Jesus, pp. 11, 13. LBD 188.2
Walang nang ibang panahon kung saan napakahalagang mag-aral ang mga tagasunod ni Cristo kaysa ngayon. Nasa lahat ng dako ang mapanlinlang na mga impluwensya, at mahalagang humingi ng payo kay Jesus, na Siyang matalik ninyong kaibigan. . . . Ipinahayag ni David na, “Iniingatan ko ang iyong salita sa aking puso, upang huwag akong magkasala laban sa Iyo.” Ilan na ang nalinlang sa pagkakasala, sapagkat hindi nila, sa mapanalangining pag-aaral ng Salita ng Diyos, napagtanto ang kasamaan ng kasalanan, at di-nalaman kung paano ito paglalabanan. Kapag dumating sa kanila ang tukso, nadaratnan silang di-handa, at walang alam sa pamamaraan ng kaaway. Nabubuhay tayo sa mapanganib na mga panahon, at habang nalalapit ang katapusan ng kasaysayan ng sanlibutan, walang magiging kaligtasan para sa mga di-naging pamilyar sa Salita ng Diyos. . . . Lahat ng maaaring ligligin, ay liligligin. . . . Narating na ng mga anak ng Diyos ang pinakadelikadong yugto ng kanilang paglalakbay; sapagkat nangasa lahat na ng dako ang mga lambat at patibong ng kaaway. Subalit sa paggabay ng Panginoon, sa maliwanag na naihayag sa Kanyang mga Salita, makalalakad tayo ng panatag at hindi matitisod. . . . Isang tinig mula sa Langit ang nagsasalita sa atin sa mga pahina nito.— The Youth’s Instructor, May 18, 1893. LBD 188.3
Ang pagsunod lang sa Salita ng Diyos ang tangi nating kalasag laban sa mga kasamaang patuloy na nagdadala sa sanlibutan sa kapahamakan.— Child Guidance, p. 556. LBD 188.4