Salamat sa Diyos dahil sa Kanyang di-mailarawang kaloob. 2 Corinto 9:15. LBD 236.1
Isang kahila-hilakbot na tala ang makatatagpo ng sangkatauhan sa huling araw, yamang tumanggi ang karamihan sa mga tao sa di-matutumbasang handog,—tinanggihan ang pinakamayamang kaloob na maaaring ibigay ng Diyos sa mundo. Sa pamamagitan ng di-masukat na kaloob ni Cristo na darating ang lahat ng ating mga biyaya. Ang buhay, kalusugan, mga kaibigan, pangangatuwiran, kaligayahan, ay sa atin sa pamamagitan ng merito ni Cristo. O upang malaman ng bata at matanda na dumating ang lahat sa kanila sa pamamagitan ng kabutihan ng buhay at kamatayan ni Cristo, at kilalanin ang pagmamay-ari ng Diyos. LBD 236.2
Sinulat ng apostol, “Hindi kayo sa inyo.” Kahit na nasa ilalim tayo ng kontrol ng isang malupit na panginoon, kahit na namuno sa ating mga espiritu ang prinsipe ng kadiliman, binayaran ng Panginoong Jesu-Cristo ang halaga ng pantubos ng Kanyang sariling dugo para sa atin. . . . Ibigay sa Kanya ang kahandaang maglingkod sa puso, at huwag nang nakawan ang Diyos ng mga bagay na sa Kanya. “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang-hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” . . . LBD 236.3
Sa pamamagitan ng Kanyang banal na Salita, ng Kanyang kalinga, at ng mga mensaheng ipinadala sa inyo ng Kanyang mga lingkod, araw-araw na sinasabi ni Jesus sa inyo na, “Makinig ka! Ako’y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang aking tinig at buksan ang pinto, ako’y papasok sa kanya, at kakaing kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Ibinigay ni Jesus ang Kanyang mahalagang buhay para sa inyo, upang maging kabahagi kayo sa banal na kalikasan, na nakatakas sa katiwaliang nasa mundo sa pamamagitan ng pagnanasa. Pagkatapos ay ibigay ang inyong mga sarili sa Kanya bilang isang pangako ng nagpapasalamat na pag-ibig. Kung hindi dahil sa pag-ibig na malayang ibinigay sa atin ni Cristo, wala tayo ngayong pag-asa, sa espirituwal na hatinggabi. Magpasalamat sa Diyos araw-araw na ibinigay Niya sa atin si Jesus.— The Youth’s Instructor, April 26, 1894. LBD 236.4
Ang pag-iisip na namatay si Cristo upang kunin para sa atin ang kaloob na buhay na walang-hanggan, ay sapat na upang tumawag sa ating mga puso ng pinakamatapat at masidhing pasasalamat, at pinakamasigasig na papuri mula sa ating mga labi.— The Review and Herald, September 20, 1881. LBD 236.5