Sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating Mo sa Iyong kaharian. Lucas 23:42. LBD 248.1
Sa huli ng Kanyang gawain, si Cristo ay nagpapatawad ng kasalanan. Sa pinakamalalim na hatinggabi, habang malapit nang mawalan ng malay ang Bituin ng Betlehem, narito, nagniningning sa gitna ng moral na kadiliman na may natatanging liwanag ng pananampalataya ng isang namamatay na makasalanan habang umaasa sa isang namamatay na Tagapagligtas. LBD 248.2
Maaaring katawanin ang ganitong pananampalataya ng mga mangagawang tumanggap sa huling sandali na nakatanggap ng gantimpala na katulad ng mga mangagawang nagtrabaho ng maraming oras. Humingi ang magnanakaw na may pananampalataya, pagsisisi, at paghihinayang. Nagtanong siyang may pagniningas, na para bang lubos niyang napagtantong maililigtas siya ni Jesus kung gugustuhin Niya. At ang pag-asa sa kanyang tinig ay sinamahan ng paghihirap nang mapagtanto niyang, kung hindi Niya ito gagawin, mawawala siya, mawawala magpakailan man. Ipinukol niya ang kanyang walang pag-asa, namamatay na kaluluwa at katawan kay Jesu-Cristo.— Manuscript 52, 1897. LBD 248.3
Narinig Niyang ipinahayag ni Pilato na, “Wala akong nakitang anumang kasalanan sa kanya.” Juan 19:4. Minarkahan Niya ang Kanyang tulad ng diyos na tindig, at ang Kanyang may awang pagpapatawad sa mga nagpapahirap sa Kanya. . . . Naririnig niya sa mga dumadaan ang maraming nagtatanggol kay Jesus. Naririnig niya silang inuulit ang Kanyang mga salita, at sinasabi ang tungkol sa Kanyang mga gawa. Dumarating ang kombiksyon . . . sa kanya na ito ang Cristo. . . . Nang nahatulan dahil sa kanyang krimen, nawalan ng pag-asa at nagkaroon ng desperasyon ang magnanakaw; ngunit kakaiba, malambot na mga saloobin ang tumayo ngayon. Naalala niya ang lahat ng narinig niya tungkol kay Jesus. . . . Narinig niya ang mga salita ng mga naniniwala kay Jesus at umiiyak na sumunod sa Kanya. . . . Nagpapaliwanag ang Banal na Espiritu sa kanyang isip, at unti-unting nagkasama-sama ang mga ebidensya. Kay Jesus, na binugbog, pinagtawanan, at ibinitin sa krus, nakita niya ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng mundo. Nahaluan ang pag-asa ng pagdadalamhati sa kanyang tinig na nawalan ng pag-asa, ipinukol ng naghihingalong kaluluwa ang sarili niya sa naghihingalong Tagapagligtas. . . . Mabilis siyang sinagot. Malambot at malambing na tono, puno ng pag-ibig, pakikiramay, at kapangyarihan ang mga salitang: Katotohanang sinasabi Ko sa iyo ngayon, Ikaw ay makakasama Ko sa Paraiso. . . . Dumating sa nagsisising magnanakaw ang perpektong kapayapaan ng pagtanggap sa Diyos.— The Desire of Ages, pp. 749, 751. LBD 248.4