Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; ngunit ngayo’y tinutupad ko ang salita mo. Awit 119:67. LBD 258.1
Tinatantya ng Panginoon na pinakamataas na halaga ang kabanalan ng Kanyang bayan, at pinahihintulutan Niya ang mga kabaligtaran na dumating sa mga indibiduwal, sa mga pamilya, at sa mga iglesia, upang makita ng Kanyang bayan ang kanilang panganib, at ipagpakumbaba ang kanilang mga puso sa harap Niya sa pagsisisi. Ituturing Niyang may pagkagiliw ang mga tao Niya na natisod. Magsasalita Siya ng kapatawaran sa kanila, at bibihisan sila ng mga kasuotan ng katuwiran ni Cristo. Paparangalan Niya sila sa Kanyang presensya. LBD 258.2
Dito, sa dakilang araw ng pagbabayad-sala, tungkulin nating aminin ang ating mga kasalanan at kilalanin ang awa at pag-ibig ng Diyos sa pagpapatawad sa ating mga pagkakasala. Pasalamatan natin ang Panginoon sa mga babalang ibinigay Niya upang mailigtas tayo sa ating mga maling paraan. Saksihan natin ang Kanyang kabutihan sa pamamagitan ng paglalahad ng pagbabago sa ating buhay. Kung ang mga sinaway ng Panginoon, na binabalaan silang hindi sila lumalakad sa Kanyang paraan, ay magsisisi, at umamin na may pagpapakumbaba at pagsisising puso, tiyak na muling tatanggapin sila ng Panginoon sa Kanyang panig. . . . LBD 258.3
Isang panahon ng malaking pagsubok ang nasa harapan natin. Nasa atin na ngayon kung ating gagamitin ang lahat ng ating mga kakayahan at mga kaloob sa pagsulong ng gawain ng Diyos. Dapat gamitin ang mga kapangyarihang binigay sa atin ng Panginoon upang magpalakas, hindi upang magpahina ng loob at magpabagsak. . . . Sa lahat ng panahon ng iglesia, inilantad ng hinirang na mga mensahero ng Diyos ang kanilang mga sarili sa kahihiyan at pag-uusig para sa katotohanan. Ngunit kahit saan piliting pumunta ang bayan ng Diyos, kahit na, tulad ng minamahal na alagad, itinaboy sila sa mga disyertong kapuluan, malalaman ni Cristo kung nasaan sila, at palalakasin at pagpapalain sila, na pinupuno sila ng kapayapaan at kagalakan. . . . LBD 258.4
Lilinisin Niya ang Kanyang iglesia kapareho ng Kanyang paglinis sa templo noong pasimula at pagtatapos ng Kanyang ministeryo sa mundo. Ang lahat nang dinadala niya sa pagsusulit at pagsubok sa iglesia ay dumarating upang maaaring makakuha ang Kanyang bayan ng mas malalim na kabanalan at higit na lakas upang dalhin ang mga tagumpay ng krus sa lahat ng bahagi ng mundo. Mayroon siyang gawaing dapat gawin ng lahat.— The General Conference Bulletin, July 1, 1900. LBD 258.5