Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa; ang pag-ibig ang siyang katuparan ng kautusan. Roma 13:10. LBD 47.1
Ilan ang nagkukulang sa pag-ibig! O, nawa ang pag-bibig ay magtanggal sa puso ng pagkamuhi, pagtutunggali, at pakikipaglaban, at ng ugat ng kapaitan, kung saan narumihan ang marami. Hindi kailan man matatanggap ang pag-ibig ni Jesus at sisilay sa puso hangga’t hindi pa naaalis ang mga mapag-imbot na damdamin, pagkamuhi, mga paninibugho at masasamang pag-iisip. . . . LBD 47.2
Marami ang dumadaya sa kanilang sarili; dahil hindi nananahan ang prinsipyo ng pag-ibig sa kanilang mga puso. Maaari nilang takpan ang kanilang mga mata sa sarili nilang mga pagkakamali at kahinaan; ngunit hindi nila madadaya ang Diyos. Kailangang ng pagbabago. Ang araro ng katotohanan ay dapat mag-araro ng malalim na mga tudling sa ating mga mapagmataas na mga puso, at magdurog sa lupa ng ating mga makasalanang likas upang maitanim sa ating mga puso ang Espiritu at pag-ibig ni Jesus. Nagtutumulin ang oras, at dadalhin ang bawat paggawa sa kahatulan, at maaaring ang ating mga kasalanan o ang ating mga pangalan ang mabubura mula sa Aklat ng Buhay. . . . LBD 47.3
Payak ang dalisay na pag-ibig sa mga operasyon nito, at hiwalay sa bawat kakaibang prinsipyo ng pagkilos. Kapag inihalo sa bawat makalupang layunin at makasariling interes, tumitigil ito sa pagiging dalisay. Mas pinahahalagahan ng Diyos kung gaano karaming pag-ibig ang ating ginagamit sa paggawa, kaysa dami ng ating nagawa. Makalangit na katangian ang pag-ibig. Hindi ito maaaring magmula sa natural na puso. Lumalago lamang ang makalangit na halamang ito kung saan naghahari si Cristo. Kung saan naroon ang pag-ibig, naroon ang kapangyarihan at katotohanan sa buhay. Gumagawa ang pag-ibig ng kabutihan, at kabutihan lamang. Nagbubunga tungo sa kabanalan silang may pag-ibig, at sa buhay na walang-hanggan sa huli.— The Youth’s Instructor, January 13, 1898. LBD 47.4
Si Jesus din na nag-utos na pag-ibig ang dapat na mangibabawaw na prinsipyo sa panahon ng lumang tipan, ang Siya ring nag-utos na pag-ibig ang dapat na mangibabaw na prinsipyo sa mga puso ng Kanyang mga tagasunod sa Bagong Tipan. Tunay na pagpapakabanal ang paggawa ng prinsipyo ng pag-ibig.— The Youth’s Instructor, November 8, 1894. LBD 47.5