Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabubuting bagay mula sa kanyang mabuting kayamanan. Mateo 12:35. LBD 100.1
Pinagbubuklod ng tunay na pagpapakabanal ang mga mananampalataya Ini Cristo sa isa’t isa sa mga bigkis ng maawaing simpatya. Nagbubunga ang pagbubuklod na ito ng patuloy na pagdaloy sa puso ng saganang agos ng pag-ibig ni Cristo, na muling dumadaloy sa pag-ibig para sa isa’t isa. LBD 100.2
Ang mga katangiang kailangang angkinin ng lahat ay ang mga namarkahan ng kabuuang katangian ni Cristo,—ang Kanyang pag-ibig, ang Kanyang pasensya, ang Kanyang pagiging di-makasarili, at ang Kanyang kabutihan. Nakukuha ang mga katangiang ito sa pamamagitan ng paggawa ng mabuting gawain na may mabait na puso. . . . Mahal ng mga Cristiano ang mga nakapaligid sa kanila bilang mahahalagang kaluluwang dahilan ng kamatayan ni Cristo. Walang Cristianong walang pag-ibig; sapagkat “ang pagibig ay sa Diyos.” . . . “Ito ang aking utos, na kayo’y magmahalan sa isa’t isa, gaya ng pagmamahal ko sa inyo.” Ito ang bungang dapat ibabalik sa Diyos.— Ellen G. White Manuscript 133, 1899. LBD 100.3
Tutulungan ng Panginoon ang bawat isa sa atin kung saan lubhang kailangan natin ang tulong sa dakilang gawain ng pagdaig at pagtatagumpay laban sa sarili. Hayaang ang kautusan ng kabutihan ang nasa iyong mga labi at ang langis ng biyaya sa iyong puso. Magbubunga ito ng mga kahanga-hangang resulta. Ikaw ay magiging magiliw, maawain, at magalang. Kailangan mo ang lahat ng mga biyayang ito. Kailangang tanggapin ang Banal na Espiritu at makita sa iyong pagkatao; kung magkagayon ay magiging isang banal na apoy ito, na magiging insensong pataas sa Diyos, hindi mula sa mga labing humahatol, kundi bilang tagapagpagaling ng mga kaluluwa ng mga tao. Ihahayag ng iyong mukha ang larawan ng banal. . . . Hinihingi ng Diyos sa bawat kaluluwang nasa Kanyang gawain na sindihan ang kanilang mga insensaryo mula sa mga uling ng banal na apoy. Ang mga hindi mahalaga, masasakit, at mababagsik na salitang mabilis nagmumula sa iyong mga labi ay dapat pigilan, at ang Espiritu ng Diyos ay magsasalita sa pamamagitan ng tao. Sa pagtingin sa karakter ni Cristo ay mababago ka tungo sa Kanyang wangis. Ang biyaya ni Cristo lamang ang may kakayahang baguhin ang iyong puso at pagkatapos nito ay makikita sa iyo ang larawan ng Panginoong Jesus. Tinatawag tayo ng Diyos upang maging katulad Niya,—dalisay, banal, at walang dungis. Dapat nating isakabuhayan ang banal na larawan.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, p. 1164. LBD 100.4