At lumaki ang bata, lumakas, napuno ng karunungan, at sumasakanya ang biyaya ng Diyos. Lucas 2:40. LBD 138.1
Ang pisikal na kalagayan ni Jesus, pati na rin ang Kanyang espirituwal na pag-unlad, ay sinabi sa atin sa mga salitang ito, “Lumaki ang bata,” at “lumaki sa pangangatawan.” Dapat bigyan ng pansin ang pisikal na pag-unlad sa panahon ng pagkabata at kabataan. Dapat sanayin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga mabuting gawi ng pagkain, paginom, pagbihis, at ehersisyo, upang mailatag ang isang mahusay na pundasyon para sa mabuting kalusugan sa kabilang buhay. Dapat magkaroon ng espesyal na pag-aalaga ang pisikal na organismo, upang hindi lumiit ang mga kapangyarihan ng katawan, kundi lumago sa kabuuan ng mga ito. Inilalagay nito ang mga bata at kabataan sa isang kanais-nais na posisyon, upang, sa tamang pagsasanay pangrelihiyon, sila, gaya ni Cristo, ay maging malakas sa espiritu. . . . LBD 138.2
Inaangkin ng marami na kinakailangan para sa pangangalaga ng pisikal na kalusugan ang magpakasasa sa makasariling paglilibang. Tunay na kinakailangan ang pagbabago para sa pinakamahusay na pag-unlad ng katawan, sapagkat muling napananariwa at pinasisigla ng pagbabago ang isipan at ang katawan; ngunit hindi nakuha ang bagay na ito sa pagpapakasasa sa mga hangal na libangan, sa pagpapabaya ng pang-araw-araw na mga tungkuling dapat gawin ng mga kabataan. Dapat magkaroon ng trabaho ang masiglang isip at mga kamay ng mga kabataan, at kung hindi sila papatnubayan sa mga kapaki-pakinabang na mga gawaing magpapaunlad sa kanila at magpapalugod sa iba, makahahanap sila ng trabahong makagagawa ng pinsala sa kanila sa parehong katawan at isipan.— The Youth’s Instructor, July 27, 1893. LBD 138.3
Habang nagtrabaho si Jesus noong pagkabata at kabataan, umunlad ang kaisipan at katawan. Hindi Niya ginagamit ang Kanyang pisikal na mga kapangyarihan nang walang saysay, ngunit sa paraang magpapanatili sa kanya sa kalusugan, upang magawa Niya ang pinakamahusay na gawain sa lahat ng gawain.— The Desire of Ages, p. 72. LBD 138.4
Pabor sa pag-unlad ng isang mahusay na pangangatawan, at isang matatag at malinis na karakter, ang Kanyang buhay ng natural na kasimplihan.— The Youth’s Instructor, September 1, 1873. LBD 138.5
Sa pisikal, pati na rin sa espirituwal, isa Siyang halimbawa kung ano ang dinisenyo ng Diyos para sa lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos.— The Desire of Ages, pp. 50, 51. LBD 138.6