May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng iglesya, at kanilang ipanalangin siya, at siya'y pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon, Ang panalangin na may pananampalataya ay magliligtas sa maysakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung siya ay nagkasala, siya ay patatawarin, Santiago 5:14,15, TKK 202.1
Ang kapangyarihan ni Cristo na alisin ang karamdaman ay nahayag noon sa pambihirang paraan. Bago pa tayo pinagpala ng mga institusyon kung saan ang may sakit ay makakakuha ng tulong mula sa pagdurusa, sa pamamagitan ng masikap na paggagamot at taimtim na panalangin sa pananampalataya sa Diyos, matagumpay nating nailalalapit ang mga kalagayang parang pinakawala nang pag-asa. Ngayon ang Panginoon ay nag-iimbita sa mga nagdurusa na manampalataya sa Kanya. Ang pangangailangan ng tao ay oportunidad para sa Diyos. TKK 202.2
“Umalis siya roon at pumunta sa kanyang sariling bayan at sumunod sa kanya ang kanyang mga alagad. Nang sumapit ang Sabbath, nagpasimula siyang magturo sa sinagoga at marami sa mga nakinig sa kanya ay namangha na sinasabi, ‘Saan kinuha ng taong ito ang lahat ng ito? Anong karunungan ito na ibinigay sa kanya? Anong mga makapangyarihang gawa ang ginagawa ng kanyang mga kamay! Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Hindi ba naritong kasama natin ang kanyang mga kapatid na babae?’ At sila'y natisod sa kanya. Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, ‘Ang propeta ay hindi mawawalan ng karangalan, maliban sa kanyang sariling bayan, sa kanyang sariling mga kamag-anak, at sa kanyang sariling bahay’ Hindi siya nakagawa roon ng anumang makapangyarihang gawa, maliban sa ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa ilang mga maysakit at pinagaling sila” (Marcos 6:1-6). TKK 202.3
Taglay ang lahat ng lunas na mayroon tayo at ibinibigay sa maysakit, ang simpleng taimtim na panalangin ay dapat nating ihandog para sa pagpapala ng pagpapagaling. Dapat nating ituro ang maysakit sa mahabaging Tagapagligtas, at sa Kanyang kapangyarihang magpatawad at magpagaling. Sa pamamagitan ng Kanyang mapagbiyayang tulong ay maaari silang mapanauli. Ituro ang mga nagdurusa sa kanilang Manananggol sa makalangit na hukuman. Sabihin sa kanilang pagagalingin ni Cristo ang mga maysakit, kung sila'y magsisisi at hihinto sa paglabag ng mga kautusan ng Diyos. May isang Tagapagligtas na maghahayag ng Kanyang sarili sa ating mga pagamutan para iligtas iyong mga nagpasakop ng kanilang sarili sa Kanya. Ang mga nagdurusa ay maaaring makipagkaisa sa atin sa pananalangin, na nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan, at tumatanggap ng kapatawaran.— MANUSCRIPT RELEASES, vol. 8, pp. 267,268. TKK 202.4