At marami sa mga Samaritano sa lunsod na iyon ang sumampalataya sa kanya dahil sa sinabi ng babae, na nagpatotoo, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa,” Kaya nang dumating sa kanya ang mga Samaritano, nakiusap sila sa kanya na manatili sa kanila; at siya'y nanatili roon ng dalawang araw, At marami pang sumampalataya sa kanya dahil sa kanyang salita, Sinabi nila sa babae, “Ngayo'y sumampalataya kami, hindi dahil sa iyong sinabi, sapagkat kami mismo ay nakarinig at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanlibutan,” Juan 4:39-42, TKK 216.1
Maaaring makagawa ang mga kababaihan ng mabubuting gawain para sa Diyos, kung kanilang matututuhan muna ang mahalaga, o pinakamahalaga sa lahat na aral ng kapakumbabaan sa paaralan ni Cristo. Magagawang pakinabangin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapakita nila ng kasapatan ni Cristo. Kapag naunawaan ng buong iglesya ang responsibilidad ng bawat indibidwal, kapag mapagkumbaba niyang pinasan ang gawain na nagpapakita ng sarili nito sa kanya, magpapatuloy sa tagumpay ang gawain. Ibinigay ng Diyos sa bawat tao ang gawain ayon sa ilan niyang kakayahan. TKK 216.2
Hindi madaling trabaho na gumawa para sa Panginoon sa panahong ito. Ngunit gaano kalaking kaguluhan ang maiiwasan kung magtitiwala ang mga manggagawa sa Diyos, at isiping nararapat ang mga utos na ibinigay ng Diyos. Kanyang sinabi, “Tayo ay may mga kaloob na magkakaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin: kung propesiya ay gamitin ito ayon sa sukat ng pananampalataya; kung paglilingkod ay sa paglilingkod, o ang nagtuturo ay sa pagtuturo; o ang nangangaral ay sa pangangaral; ang nagbibigay ay magbigay na may magandang-loob; ang namumuno ay may pagsisikap; ang mahabagin ay may kasiglahan” (Roma 12:6-8). TKK 216.3
Isang paksa ito na humihingi ng malapit at kritikal na pag-aaral. Maraming pagkakamali ang nagawa dahil hindi sinunod ng mga tao ang tagubiling ito. Maraming pinagkatiwalaan ng ilang mababang trabaho upang gawin para sa Panginoon ay maagang hindi nasiyahan, at iniisip na dapat silang maging mga guro at mga tagapamuno. Nais nilang iwan ang mababa nilang paglilingkod, na kasing-halaga nito ang malalaking mga responsibilidad. Yaong mga inilagay sa pagbisita, hindi nagtagal ay nakapag-isip na magagawa ng lahat ang trabahong iyon, na magagawa ng lahat ang magsalita na may pakikiramay at pagpapalakas, at makapag-aakay sa mga tao sa mapagkumbaba at tahimik na paraan tungo sa tamang pagkaunawa ng mga Kasulatan. Ngunit iyon ay gawaing nangangailangan ng higit na biyaya, higit na pagtitiis, at naipong karunungang patuloy na lumalago.— MANUSCRIPT RELEASES, vol. 11, pp. 278,279 . TKK 216.4