Lalo pang maraming mananampalatayang lalaki at babae ang naidagdag sa Panginoon, kaya't dinala nila sa mga lansangan ang mga maysakit, at inilagay sa mga higaan at mga banig upang sa pagdaan ni Pedro ay madaanan man lamang ng anino niya ang ilan sa kanila, Mga Gawa 5:14,15. TKK 322.1
Ang huling mga salita ni Cristo sa Kanyang mga alagad ay “Humayo kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha” (Mareos 16:15). At habang nakaunat ang Kanyang kamay sa itaas nila sa panalangin, umakyat Siya sa langit, na napapalibutan ng napakaraming mga anghel ng langit na dumating upang samahan Siya sa daan tungo sa pintuan ng Diyos. Ang huli Niyang komisyon sa mga alagad ay ginawa silang ahente kung saan ang ebanghelyo ng mabuting balita ay dadalhin sa lahat ng mga bansa. Ito ang huling habilin ni Cristo sa Kanyang mga tagasunod na lumakad kasama Niya noong mga panahon ng Kanyang paglilingkod sa sanlibutan, at doon sa mga mananampalataya sa Kanya sa pamamagitan ng kanilang salita. Ang una Niyang gawain sa langit ay may pagkakaisa sa Kanyang huling komisyon sa lupa; sapagkat Kanyang sinugo ang pangako ng Ama sa kanila. Nang araw ng Penteeostes ibinuhos ang Banal na Espiritu sa mga nananalanging mga alagad at nagpatotoo sila sa pinagmulan nito sa lahat, saanman sila mapunta. TKK 322.2
Ibinuhos na walang limitasyon ang pangmisyong espiritu, at nagpatotoo ang mga alagad sa muling nabuhay na Tagapagligtas, at sinumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulang darating. Kanilang ginawa ayon sa kung paanong sinabi sa kanila ng nagbangong Tagapagligtas na kanilang gawin, at nag-umpisa sa Jerusalem ang paglathala ng ebanghelyo, sa mismong lugar na may pinakamalalim na maling opinyon na mayroon, at kung saan nangingibabaw ang mga pinakanakalilitong mga ideya tungkol sa Kanya na ipinako bilang salarin. Tatlong libo ang tumanggap ng mensahe, at nabago. Hindi sila natakot sa pangmamalupit, pagkakulong, at kamatayan; sa halip ay nagpatuloy silang magsalita ng katotohanan na may katapangan, na inilalagay sa harapan ng mga Judio ang gawain at misyon at paglilingkod ni Cristo, ang Kanyang pagkapako, pagkabuhay na maguli, at pag-akyat sa langit; at ang mga mananampalataya ay idinaragdag araw-araw sa Panginoon, mga lalaki at mga babae pareho.— REVIEW AND HERALD, November 6,1894 . TKK 322.3