Sumagot si Nicodemo sa kanya, “Paanong mangyayari ang mga bagay na ito?” Sumagot si Jesus sa kanya, “Ikaw ay isang guro sa Israel at hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito? Katotohanang sinasabi ko sa iyo, kami ay nagsasalita tungkol sa nalalaman namin, at nagpapatotoo sa nakita namin, subalit hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo, Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na makalupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paano ninyong paniniwalaan kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na makalangit?”Juan 3:9-12, TKK 330.1
Sa walang kapantay na halaga ginawa ang probisyon para sa tao para maabot ang kasakdalan ng karakter. Yaong mga naliwanagan ng Banal na Kasulatan bilang salita ng Diyos, at nagnais na sundin ang mga aral nito, ay dapat na matuto araw-araw, tumanggap araw-araw ng espiritwal na alab at kapangyarihan, na ipinagkaloob sa lahat ng mananampalataya sa kaloob ng Banal na Espiritu. TKK 330.2
Ang Banal na Espiritu ay walang bayad, gumagawa, at malayang ahensya. Ginagamit ng Diyos ng langit ang Banal na Espiritu ayon sa loobin Niya: ang mga kaisipan ng tao, paghatol ng tao, ay hindi kailanman makapaglalagy ng limitasyon sa paggawa nito, o maglagay ng daan para gumawa ito, kung paanong hindi nila masasabi sa hangin, “Inuutusan kitang sumimoy sa isang direksyon at gawin ang iyong sarili sa gayon o ganitong paraan.” Kung paanong gumagalaw ang hangin sa puwersa nito, na binabaluktot at pinuputol ang matataas na puno sa daraanan nito, sa gayon ay iniimpluwensiyahan ng Banal na Espiritu ang mga puso ng tao, at walang sinumang tao ang makapagtatakda ng gawain nito. TKK 330.3
Si Nicodemo ay hindi handang tanggapin ang katotohanan nito dahil hindi niya naiintindihan ang lahat ng mga may kaugnayan sa paggawa ng kapangyarihan ng Diyos, gayunman ay tinatanggap niya ang mga katotohanan ng kalikasan, bagamat hindi niya maipaliwanag o kaya ay nauunawaan ito. Gaya ng ibang mga tao ng ibang mga panahon, tumitingin siya sa mga ayos at eksaktong mga seremonyang higit na mahalaga sa relihiyon kaysa malalim na pagkilos ng Banal na Espiritu ng Diyos. . . . TKK 330.4
Dapat maging malinis ang balon ng puso bago maging malinis ang mga batis. Walang kaligtasan para sa isang taglay lamang ay ang ligal na relihiyon, isang anyo ng kabanalan. Ang buhay ng isang Kristiyano ay hindi pagsasaayos o pagpapaganda ng dating buhay, sa halip ay pagbabago ng likas. Mayroong kamatayan sa kasalanan at sa sarili at isang bagong buhay na magkakasama. TKK 330.5
Mangyayari lamang ang pagbabagong ito sa pamamagitan ng epektibong paggawa ng Banal na Espiritu.— Signs OF THE TIMES, March 8,1910. TKK 330.6