Sapagkat ang kahangalan ng Diyos ay higit na matalino kaysa mga tao, at ang kahinaan ng Diyos ay higit na malakas kaysa mga tao, 1 Corinto 1:25, TKK 155.1
Kikilos ang Diyos sa mga taong nasa mapagpakumbabang kalagayan sa lipunan, mga lalaking hindi naging manhid sa mga maningning na sinag ng liwanag sa pamamagitan ng matagal na pagninilay-nilay sa liwanag ng katotohanan, at pagtangging gumawa ng pagpapabuti o pagsulong doon. Marami ang makikitang nagmamadali paroo't parito, na inuudyukan ng Espiritu ng Diyos upang magdala ng liwanag sa iba. Katulad ng apoy sa kanilang mga buto ang katotohanan, ang salita ng Diyos, na pinupuno sila ng maalab na pagnanasa na liwanagan silang nakaupo sa kadiliman. TKK 155.2
Marami, maging sa mga walang pinag-aralan, ang ngayo'y nagpapahayag ng mga salita ng Panginoon. Itinutulak sila ng Espiritu upang humayo at ipahayag ang mensahe mula sa langit. Ibinubuhos ang Espiritu sa lahat ng magpapasakop sa pag-udyok nito, at isinasantabi ang lahat ng instrumento ng tao, ang kanyang mga panuntunang gumagapos at maiingat na mga pamamaraan, kanilang ipapahayag ang katotohanan na may kalakasan ng Espiritu. Tatanggapin ng karamihan ang pananampalataya at sasanib sa hukbo ng Panginoon. TKK 155.3
Marami sa kanilang nag-aangkin ng pagiging tagasunod ng Panginoon sa kasalukuyan ay hindi isinusuko ang kanilang mga sarili sa gabay ng Kanyang Espiritu, kundi nagsisikap na rendahan ang Banal na Espiritu, at patakbuhin ito sa kanilang landas. Kailangang iwanan ng lahat ng ganito ang kanilang pagtitiwala sa sarili, at ipasakop ang kanilang sarili nang walang itinatago sa Panginoon, upang magawa Niya ang Kanyang mabuting kalooban sa loob nila at sa pamamagitan nila. TKK 155.4
Bababa na ang huling pitong salot sa mga masuwayin. Marami ang nagpabaya sa paanyaya ng ebanghelyo; sinubok sila; ngunit tila naghambalang ang mga gabundok na hadlang sa kanilang harapan, na hinahadlangan ang kanilang pasulong na martsa. Sa pamamagitan ng pananampalataya, pagtitiyaga, at tapang, marami ang makakalagpas sa mga hadlang na ito at lalakad sa maluwalhating kaliwanagan. Halos hindi namamalayan naitayo ang mga hadlang sa makitid at makipot na daan; nailagay ang mga batong katitisuran sa landas; igugulong palayo ang mga ito. Iyong mga pansanggalang na inilagay ng mga bulaang pastol sa mga leeg ng kanilang mga tupa ay mababalewala; libu-libo ang hahakbang palabas sa liwanag, at gagawa upang ikalat ang liwanag.— REVIEW AND HERALD, July 23,1895 . TKK 155.5