Na mapuspos ng mga bunga ng katuwiran, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, sa kaluwalhatian at kapurihan ng Diyos. Filipos 1:11. KDB 190.1
Hindi umuusbong, lumalaki, o nagbubunga ang halaman para sa sarili nito, kundi “nagbibigay ng binhi sa maghahasik at pagkain sa kumakain.” Gayundin hindi nabubuhay para sa kanyang sarili ang sinuman. Nasa sanlibutan ang Cristiano bilang kinatawan ni Cristo, para sa kaligtasan ng ibang mga kaluluwa. KDB 190.2
Hindi magkakaroon ng paglago o pamumunga ang buhay na nakasentro sa sarili. Kung tinanggap mo si Cristo bilang personal na Tagapagligtas, kailangan mong kalimutan ang iyong sarili, at subukang tulungan ang iba. Pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig ni Cristo, sabihin mo ang tungkol sa Kanyang kabutihan. Gampanan mo ang bawat tungkuling nahaharap sa iyo. Dalhin mo ang pasanin para sa mga kaluluwa sa iyong puso, at sa pamamagitan ng lahat ng magagawa mo, sikaping magligtas ng mga nawawaglit. Habang tinatanggap mo ang Espiritu ni Cristo—ang espiritu ng hindi makasariling pag-ibig at paggawa para sa iba—lalago ka at mamumunga. Mahihinog sa iyong karakter ang mga biyaya ng Espiritu. Madadagdagan ang iyong pananampalataya, lalalim ang iyong pananalig, magiging dalisay ang iyong pag-ibig. Lalo mong ipaaaninag ang wangis ni Cristo sa lahat ng dalisay, marangal, at nakalulugod.— Christ’s Object Lessons, pp. 67, 68. KDB 190.3
Ito'y panukala Niya na gawin ang Kanyang mga tagasunod na naaayon sa wangis ni Cristo, sa pamamagitan ng paggawa sa kanila bilang mga kabahagi ng banal na likas, na dahilan para sila'y mamunga nang sagana. KDB 190.4
Ninanasa Niya na, sa pamamagitan ng aktuwal na karanasan sa katotohanan ng ebanghelyo, ang Kanyang bayan ay maging tunay, matibay, mapagkakatiwalaan, at may karanasang misyonero. Nais Niyang maipakita nila ang mga bungang higit na mataas, banal, at higit na tiyak kaysa sa nahayag sa ating kapanahunan.— Testimonies for the Church, vol. 8, p. 186. KDB 190.5