Kaya't ipahayag ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa. Santiago 5:16. KDB 226.1
Kung nakagawa ka ng pagkakasala sa iyong kaibigan o kapwa, kailangan mong kilalanin ang iyong pagkakamali, at tungkulin niyang malayang patawarin ka. Pagkatapos ay dapat kang humingi ng kapatawaran ng Diyos, sapagkat ang kapatid na iyong sinaktan ay pag-aari ng Diyos, at sa pananakit sa kanya ay nagkasala ka laban sa kanyang Manlilikha at Manunubos. Ang kaso ay hindi dinadala sa harap ng pari, ngunit sa harap ng nag-iisang tunay na tagapamagitan, ang ating Dakilang Saserdote, na “tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin, gayunma'y walang kasalanan,” at Siyang “marunong makiramay sa ating mga kahinaan,” at may kakayahang maglinis mula sa bawat dungis ng kasamaan. . . . KDB 226.2
Ang totoong pagtatapat ay palaging may isang tiyak na katangian, at kinikilala ang mga partikular na kasalanan. Maaari silang may isang likas na katangian na dinala lamang sa harapan ng Diyos; maaaring ang mga ito ay pagkakamaling dapat ipagtapat sa harap ng mga taong nagdusa ng pinsala dahil sa kanila; o maaaring isang pangkalahatang uri na dapat ipabatid sa kongregasyon ng mga tao. Ngunit ang lahat ng pagtatapat ay dapat maging tiyak, at direkta, kinikilala ang mismong mga kasalanan na iyong nagawa. . . . KDB 226.3
Ang pagtatapat ay hindi magiging katanggap-tanggap sa Diyos kung walang taos-pusong pagsisisi at pagbabago. Dapat magkaroon ng desididong mga pagbabago sa buhay; lahat ng hindi kalugod-lugod sa Diyos ay dapat iwaksi. Ito ang magiging resulta ng tunay na kalungkutan dahil sa kasalanan.— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 639, 640. KDB 226.4