Palawakin mo ang lugar ng iyong tolda, at iladlad mo ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang umurong, habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos. Isaias 54:2. KDB 34.1
Ang bayan ng Diyos ay may dakilang gawain sa harapan nila, isang gawaing dapat patuloy na umaangat sa higit na katanyagan. Ang ating mga pagsisikap sa linya ng pagmimisyonero ay dapat na higit pang maging mas malawak. Ang mas desididong gawain kaysa nagawa na ay dapat maisakatuparan bago ang ikalawang pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. KDB 34.2
Ang bayan ng Diyos ay hindi dapat tumigil sa kanilang mga paggawa hanggang sa kanilang mapangaralan ang buong mundo. Ang ubasan ay kabilang ang buong mundo, at ang bawat bahagi nito ay dapat trabahuin. May mga lugar na ngayon ay moral na kagubatan, at ang mga ito ay dapat maging hardin ng Panginoon. Ang mga wasak na bahagi ng lupa ay dapat na linangin, upang ito ay umusbong at mamukadkad gaya ng rosas. Ang mga bagong teritoryo ay kailangang paglingkuran ng mga taong pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Bagong mga iglesya ay kailangang maitatag. Sa panahong ito dapat ay may kinatawan ng kasalukuyang katotohanan sa bawat siyudad, at sa mga sulok na bahagi ng mundo. Ang buong mundo ay dapat maliwanagan ng kaluwalhatian ng katotohanan ng Diyos. Ang liwanag ay kailangang magningning sa lahat ng mga lupain at mga tao. At mula roon sa mga tumanggap ng liwanag na ito ay dapat na sisinag. Ang tala sa umaga ay suminag sa atin, at dapat nating pasinagin ang liwanag sa daanan ng mga nasa kadiliman. KDB 34.3
Ang krisis ay nasa ating harapan. Dapat natin ngayon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay ipahayag ang dakilang mga katotohanan para sa mga huling araw na ito. Hindi na magtatagal pa bago ang lahat ay makaririnig ng babala at gagawa ng kanyang desisyon. Pagkatapos ay darating ang wakas. Ito ang talagang diwa ng lahat ng tamang pananampalataya na gawin ang tamang bagay sa tamang oras. Ang Diyos ang Dalubhasang-Manggagawa, at sa pamamagitan ng Kanyang pangangalaga, Kanyang inihahanda ang daan para maisakatuparan ang Kanyang gawain.— Testimonies for the Church, vol. 6, pp. 23, 24. KDB 34.4