Ayon sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa akin, na tulad sa isang matalinong tagapagtayo, inilagay ko ang pinagsasaligan, at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Dapat ingatan ng bawat tao ang pagtatayo niya sa ibabaw nito. Sapagkat sinuman ay hindi makapaglalagay ng ibang saligan, maliban sa nakalagay na, na ito'y si Cristo Jesus. 1 Corinto 3:10, 11. KDB 36.1
Yaong mga sinanay ang isipan na masiyahan sa mga espirituwal na mga gawain, ay ang maaaring madala at hindi malulunod sa kadalisayan at matinding kaluwalhatian ng Langit. Maaaring ikaw ay mayroong karunungan sa sining, maaaring may kasanayan ka sa siyensya, maaaring nangingibabaw ka sa musika at pagsusulat, ang iyong pag-uugali ay maaaring nakapagbigay kasiyahan sa iyong mga kasamahan, ngunit anong magagawa nito sa paghahanda para sa langit? Anong kinalaman ng mga ito upang maihanda ka sa hukuman ng Diyos? KDB 36.2
Huwag kayong padaya. Ang Diyos ay hindi napabibiro. Walang anuman liban sa kabanalan ang maghahanda sa iyo para sa Langit. Isang taos-puso, naranasang kabanalan lamang ang makapagbibigay sa iyo ng isang malinis, mataas na karakter, at magbibigay kakayahan sa iyo na makapasok sa presensya ng Diyos, na nananahan sa liwanag na hindi malapitan. Ang makalangit na karakter ay dapat makamit dito sa lupa, o hindi na ito makukuha pa. Sa gayon ay agad na magpasimula. Huwag bolahin ang sarili na darating ang panahon kung saan makagagawa ka ng pagsisikap na mas madali kaysa ngayon. Bawat araw ay lumalaki ang iyong distansya mula sa Diyos. KDB 36.3
Maghanda para sa kawalang-hanggan ng pagsisikap na hindi mo pa naipakita. Turuan mo ang iyong sariling mahalin ang Biblia, na mahalin ang mga pulong panalangin, na mahalin ang oras ng pagmumuni-muni, at higit sa lahat, ang oras na kung saan ang kaluluwa ay nakikipag-ugnayan sa Diyos. Maging makalangit sa pag-iisip kung ikaw ay makikipag-isa sa makalangit na koro sa mga mansiyon sa langit.— Testimonies for the Church, vol. 2, pp. 267, 268. KDB 36.4