O PANGINOON, mapalad ang tao na iyong sinusupil, at tinuturuan ng iyong kautusan. Awit 94:12. KDB 326.1
Sa ating sarili, hindi natin madadala sa pagkakasundo sa kalooban ng Diyos ang ating mga layunin at pagnanasa at hilig; ngunit kung tayo'y “nakahandang gawing nakahanda,” gagawin ito para sa atin ng Tagapagligtas, “ginigiba ang mga pangangatuwiran at bawat palalong hadlang laban sa karunungan ng Diyos, at binibihag ang bawat pag-iisip upang sumunod kay Cristo.” Siyang nagnanais bumuo ng isang malakas at proporsyonal na karakter, siyang nagnanais maging isang matinong Cristiano, ay dapat niyang ibigay ang lahat at gawin ang lahat para kay Cristo; dahil hindi tatanggapin ng Diyos ang hating paglilingkod. Araw-araw niyang dapat na matutunan ang kahulugan ng pagsuko ng sarili. Dapat niyang pag-aralan ang salita ng Diyos, na natututunan ang kahulugan nito at sinusunod ang mga utos nito. . . . Araw-araw na gumagawa ang Diyos sa kanya, na dinadalisay ang karakter na makatatayo sa panahon ng huling pagsubok. At araw-araw na pinagsisikapan ng mananampalataya sa harapan ng mga tao at mga anghel ang isang banal na eksperimento, na ipinakikita kung ano ang magagawa ng ebanghelyo para sa mga nagkasalang tao.— The Acts of the Apostles, pp. 482, 483. KDB 326.2
Ngunit kapag dumating sa atin ang kapighatian, ilan sa atin ang katulad ni Jacob! Iniisip natin na kamay ito ng kaaway; at sa kadiliman ay nakikipagbuno tayong bulag hanggang sa maubos ang ating lakas, at wala na tayong mahanap na aliw o pagliligtas. . . . Hindi itutulot ng Diyos na manatili tayong pinipitpit ng kalumbayan na may namimighati at basag na mga puso. Nais Niyang tumingin tayo sa itaas, at masdan ang mabait Niyang mukha ng pag-ibig. Tumatayo ang mapagpalang Tagapagligtas sa tabi nilang nabubulagan ang mga mata dahil sa mga luha na anupa't hindi sila nakauunawa. Nagnanasa Siyang hawakan ang ating mga kamay, na tayo'y tumingin sa Kanya sa payak na pananampalataya, na pinapahintulutan Siyang gabayan tayo. Bukas ang Kanyang puso sa ating mga pagdadalamhati, ating mga kalumbayan, at ating mga pagsubok.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 11, 12. KDB 326.3