At ang anak ng tao upang siya'y iyong kalingain? Awit 8:3, 4. KDB 352.1
Labis na pinababa ng kasalanan ang tao na anupa't naging imposible para sa kanya, sa sarili niyang kalakasan, na pumasok sa pakikipagkasundo sa Kanya na may likas ng kadalisayan at kabutihan. Ngunit si Cristo, pagkatapos na matubos ang tao mula sa paghatol ng kautusan, ay makapagbibigay ng banal na kapangyarihan, upang makiisa sa pagsisikap ng tao. Sa gayon . . . maaari muling maging mga “anak ng Diyos” ang nagkasalang mga anak ni Adan.— Patriarchs and Prophets, p. 64. KDB 352.2
Nagpapatotoo ang kalikasan sa Diyos. Ang isipang madaling tumanggap, na naugnay sa himala at hiwaga ng sansinukob, ay walang magagawa kundi kilalanin ang paggawa ng walang-hanggang kapangyarihan. Hindi sa pamamagitan ng sariling likas na kalakasan na ang lupa'y nagbubunga ng mga yaman nito, at sa bawat taon ay nagpapatuloy sa pagkilos nito sa palibot ng araw. Isang hindi nakikitang kamay ang gumagabay sa mga planeta sa kanilang pagkilos sa mga kalangitan. May mahiwagang buhay na laganap sa buong kalikasan—buhay na nagtataguyod sa hindi mabilang na mga mundo sa buong kalakhan; na nasa atom ng insektong lumulutang sa hangin sa tag-araw; na nagbibigay lakas sa paglipad ng layang- layang, at nagpapakain sa mga batang uwak na umiiyak; na nagsasanhi sa ubod na mamulaklak, at nagpapabunga sa bulaklak.— EDUCATION, p. 99. KDB 352.3
Sa mga oras na dumarating sa lahat, kapag nanghihina ang puso, at labis ang panggigipit ng tukso; . . . saan, kung gayon, matatagpuan ang gayong tapang at katatagan katulad sa aral na iniutos ng Diyos na matutunan natin mula sa mga bituin sa kanilang hindi nagagambalang landas?— Ibid., p. 115. KDB 352.4
Kapag pinagmamasdan ko ang iyong kalangitan, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inilagay; ano ang tao upang siya'y iyong alalahanin? KDB 352.5