Purihin ninyo siya, kayong mga langit ng mga langit, at ninyong mga tubig na nasa itaas ng mga langit. Ang pangalan ng PANGINOON ay purihin nila, sapagkat siya'y nag-utos, at sila'y nalikha. Awit 148:4, 5. KDB 354.1
Ang araw, buwan, mga bituin, mga matitigas na bato, ang dumadaloy na ilog, ang malawak, ang maalong dagat ay nagtuturo ng mga aralin na makabubuti sa lahat na tuparin.— Counsels to Parents, Teachers, and students, p. 190. KDB 354.2
Puno ang kalikasan ng mga aral tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Kung mauunawaan nang tama, umaakay tungo sa Maylalang ang mga aral na ito. Nakaturo sila mula sa kalikasan tungo sa Diyos ng kalikasan, na nagtuturo ng mga payak at banal na katotohanan na lumilinis sa pag-iisip at dinadala ito sa malapit na pakikipag-ugnayan sa Diyos. KDB 354.3
Tinatawag ng dakilang Guro ang kalikasan upang isalamin ang liwanag na umaapaw sa pintuan ng kalangitan, upang akayin ang mga lalaki at babae na sundin ang Kanyang Salita. At sinusunod ng kalikasan ang utos ng Maylalang. Sa pusong pinalambot ng biyaya ng Diyos, binibigkas ng araw, buwan, mga bituin, mga matataas na puno, mga bulaklak sa parang ang kanilang mga salita ng turo at payo. Dinadala ng paghahasik ng binhi ang pag-iisip sa espirituwal na paghahasik ng binhi. Nakatayo ang puno na ipinahahayag na hindi maaaring magbunga ng masamang bunga ang mabuting puno, at hindi rin magkakaroon ng mabuting bunga ang masamang puno. . . . Habang sinasabi sa atin ni Cristo ang kahulugan ng mga bagay sa kalikasan, nagliliwanag ang siyensya ng tunay na relihiyon, na ipinaliliwanag ang ugnayan ng kautusan ng Diyos sa natural at espirituwal na mundo. KDB 354.4
Namamasdan ng layang-layang at ng tipol ang pagbabago ng mga panahon. Lumilipat sila mula sa isang bansa tungo sa isa pa upang makahanap ng klimang angkop sa kanilang kaalwanan at kaligayahan, sa kung paano sila idinesenyo ng Panginoon. Masunurin sila sa mga kautusan na nangingibabaw sa kanilang buhay. Ngunit ang mga nilalang na ginawa sang-ayon sa wangis ng Diyos ay nabibigong magbigay karangalan sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas ng kalikasan.— Ibid., pp. 188, 189. KDB 354.5