Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya. 1 Corinto 2:9. KDB 375.1
At sa lahat ng mga tapat na nakikipagpunyagi laban sa kasamaan, narinig ni Juan na ibinigay ang mga pangako: “Ang magtagumpay ay siya Kong pakakainin sa punungkahoy ng buhay na nasa paraiso ng Diyos.” . . . Nakita ni Juan ang habag, pagkamagiliw, at pagmamahal ng Diyos na nahahalo sa Kanyang kabanalan, katarungan, at kapangyarihan. Nakita niya ang mga makasalanan na nakahahanap ng isang Ama sa Kanya na kanilang kinatakutan dahil sa kanilang mga kasalanan. At tumitingin sa pagtatapos ng malaking tunggalian, nakita niya sa Zion “ang mga dumaig . . . na nakatayo sa tabi ng dagat na kristal at may hawak na mga alpa ng Diyos,” at inaawit ang awit ni Moises at ng Kordero.— The Acts of the Apostles, pp. 588, 589. KDB 375.2
Isang pangambang gawing tila labis na materyal ang mana sa hinaharap ay dinala ang ilan na gawing espirituwal ang mga pinaka-katotohanang nagdadala sa atin na tingnan ito bilang ating tahanan. Tiniyak ni Cristo sa Kanyang mga alagad na umalis Siya upang maghanda ng mga tirahan para sa kanila sa tahanan ng Ama. Silang tumatanggap sa mga turo ng Salita ng Diyos ay hindi magiging lubusang walang alam tungkol sa makalangit na tahanan. Ngunit, “Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa Kanya.” Hindi sapat ang wika ng tao upang ilarawan ang gantimpala ng mga matuwid. Malalaman lamang ito nilang makakikita rito.— The Great Controversy, p. 675. KDB 375.3
Ang langit ay isang paaralan: ang larangan ng pag-aaral, ang sansinukob; ang guro, Siyang Walang hanggan. Itinayo sa Eden ang isang sangay ng paaralang ito; at, sa pagkaganap sa panukala ng pagtubos, muling ipagpapatuloy ang edukasyon sa paaralan sa Eden.— EDUCATION, p. 301. KDB 375.4