Sapagkat si Cristo man ay minsang nagdusa dahil sa mga kasalanan, ang isang matuwid dahil sa mga di-matuwid, upang kayo ay madala niya sa Diyos. Siya ay pinatay sa laman, ngunit binuhay sa espiritu. 1 Pedro 3:18. KDB 61.1
Ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak sa isang buhay ng pagpapakumbaba, pagtanggi sa sarili, kahirapan, kapaguran, pangungutya, at masakit na kamatayan sa krus. Ngunit walang anghel na nagdala ng masayang mensahe, “Tama na; hindi mo kailangang mamatay, aking minamahal na Anak.” Ang mga hukbo ng anghel ay malungkot na naghihintay, umaasa na, gaya ng naging kalagayan ni Isaac, pipigilan ng Diyos sa huling sandali ang kahiya- hiyang kamatayan. Ngunit ang mga anghel ay hindi pinahintulutang magdala ng anumang gayong mensahe sa sinisintang Anak ng Diyos. Ang kahihiyan sa bulwagan ng paghuhukom, at sa daan patungo sa Kalbaryo, ay nagpatuloy. Siya'y kinutya, pinagtawanan, at dinuraan. Tiniis Niya ang mga pangungutya, panunuya, at panlalait ng mga namumuhi sa Kanya, hanggang sa krus iniyuko Niya ang Kanyang ulo at namatay. KDB 61.2
Makapagbibigay ba ang Diyos sa atin ng kahit anumang mas dakilang katibayan ng Kanyang pag-ibig maliban sa pagbibigay sa Kanyang Anak upang dumaan sa pangyayaring ito ng pagdurusa? At dahil ang kaloob ng Diyos sa tao ay isang libreng kaloob, ang Kanyang pag-ibig walang hanggan, kaya't ang Kanyang pag- aangkin sa ating pagtitiwala, ating pagsunod, ating buong puso, at ang yaman ng ating pagmamahal, ay katumbas sa walang hanggan. Hinihingi Niya ang lahat ng posibleng ibigay ng tao. Ang pagpapasakop sa ating parte ay dapat katumbas ng kaloob ng Diyos; kailangang ito'y kumpleto, at hindi nagkukulang. Lahat tayo'y may pagkakautang sa Diyos. Inaangkin Niya ang maagap at maluwag sa kalooban na pagsunod, at anumang mas kaunti pa rito ay hindi Niya tatanggapin. Mayroon tayong pagkakataon ngayon upang masiguro ang pag-ibig at pabor ng Diyos. Ang taong ito'y maaaring ang huling taon ng buhay ng mga ilan sa nagbabasa nito. Mayroon bang kabilang sa mga kabataan na nagbabasa ng panawagang ito, na pipiliin ang kasiyahan ng mundo bago ang kapayapaan na ibinibigay ni Cristo sa masigasig na naghahanap at masayang gumagawa ng Kaniyang kalooban?— Testimonies for the Church, vol. 3, pp. 369, 370. KDB 61.3