Lilinisin ko sila sa lahat ng kanilang kasamaan na sa pamamagitan nito'y nagkasala sila laban sa akin; at aking patatawarin ang lahat ng kasamaan na sa pamamagitan nito'y naghimagsik sila laban sa akin.Jeremias 33:8. KDB 78.1
Ang lahat ng mga gawa ng tao ay dadaan sa pagsusuri ng Diyos, at naitatala na katapatan o kaya kawalang-katapatan. Sa kabila ng bawat pangalan sa mga aklat ng langit ay naitatala, na may kakilakilabot na kawastuhan, bawat maling salita, bawat makasariling kilos, bawat tungkuling hindi ginawa, at bawat lihim na kasalanan, kasama ang bawat mapandayang pagkukunwari. Ang mga ipinadala ng langit na mga babala at mga saway na winalang bahala, nasayang na mga pagkakataon, hindi napaunlad na mga pagkakataon, ang isinagawang impluwensiya para sa mabuti o para sa masama, kasama ang malawakang mga resulta, lahat ay itinala ng nagtatalang anghel. Ang kautusan ng Diyos ang siyang pamantayan kung saan ang mga karakter at ang buhay ng mga tao ay susubukin sa panahon ng paghuhukom. . . . Sa pagbubukas ng mga aklat ng talaan sa paghuhukom, ang buhay ng lahat ng mga nanampalataya kay Jesus ay susuriin sa harapan ng Diyos. Simula roon sa lahat ng mga unang nabuhay sa lupa, ang ating Tagapagtanggol ay ipinakikita ang lahat ng kaso ng lahat ng mga sunod-sunod na henerasyon, at nagtatapos sa mga buhay. Ang bawat pangalan ay nabanggit, at lahat ng kaso ay maingat na sinuri. Tinanggap ang mga pangalan, at tinanggihan ang iba. Kapag ang sinuman ay may kasalanang natitira roon sa mga aklat ng talaan, mga hindi pinagsisihan at hindi napatawad, ang kanilang mga pangalan ay papawiin sa aklat ng buhay, at ang tala ng kanilang mga mabubuting gawa ay buburahin sa aklat ng alaala ng Diyos Ang lahat ng totoong nagsisi sa kasalanan . . . ay may nakalagay na pinatawad sa tapat ng mga pangalan sa aklat ng langit; at habang sila'y naging kabahagi ng katuwiran ni Cristo, at ang kanilang mga karakter ay nasumpungang ayon sa kautusan ng Diyos, ang kanilang mga kasalanan ay papawiin, at sila ay ibibilang na karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.— The Great Controversy, pp. 482, 483. KDB 78.2