Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

PAGLAPIT KAY KRISTO

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mag-ingat sa pagpapaliban

    Mag-ingat kayo sa pagpapaliban. Huwag ninyong ipagpaibang araw ang pagwawaksi ng inyong mga kasalanan, at paglilinis ng inyong puso, sa pamamagitan ni Jesus. Dito nagkakamali ang libu-libo, pagkakamaling ikinawawaglit nila magpakailan man. Hindi ko na pag-uukulan dito ang kaiklian at di-kapanatagan ng buhay; subali’t may isang kakila-kilabot na kapanganiban—isang kapanganibang hindi ganap na nauunawa—sa pagpapaliban ng pagpapasakop sa mga panawagan ng Banal na Espiritu ng Diyos, at pagpili sa kabuhayang makasalanan; sapagka’t iyan nga ang kinauuwian ng ganiyang pagpapaliban. Ang kasalanan gaano mang liit sa ating palagay, ay maaari lamang pagpasasaan sa ikapapahamak magpakailan man. Ang hindi natin dinadaig ang dadaig sa atin, at siyang sa atin ay magpapahamak.PK 43.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents