Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

PAGLAPIT KAY KRISTO

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "undefined".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagsalita si jesus na may pag-ibig

    Hindi pinigil ni Jesus kahi’t isang salita ng katotohanan, bagkus lagi Niyang binibigkas ito sa pag-ibig. Gumamit Siya ng pinakamalaking katalinuhan, pagkukuro, at mahabaging pagaasikaso, sa Kanyang pakikisama sa mga tao. Kailan man ay hindi Siya nagwalang-pakundangan; hindi Siya nagsalita ng anumang mabigat na pangungusap; hindi Niya sinaktan, nang hindi kailangan ang damdamin ng mararamdaming kaluluwa. Hindi Niya pinagwikaan ang kahinaan ng tao. Sinalita Niya ang katotohanan, nguni’t laging nabibilot ng pag-ibig. Hinamak Niya ang pagpapaimbabaw, kawalan ng pananampalataya, at kasamaan; datapuwa’t may luha ang Kanyang tinig sa pagbigkas Niya ng matatalas na pagsansala. Tinangisan Niya ang Jerusalem, ang bayan Niyang minamahal, na ayaw tumanggap sa Kanya, na siyang Daan, Katotohanan at Buhay. Kanilang tinanggihan Siya na Tagapagligtas, datapuwa’t pinagpakitaan Niya sila ng malumanay na kaawaan. Sa Kanyang kabuhayan ay tinatanggihan ang sarili, at inaalaala ang mga iba. Bawa’t kaluluwa’y mahalaga sa Kanyang paningin. Bagaman laging sumasa Kanya ang banal na karangalan, ay yumukod Siyang may malumanay na pag-ibig sa bawa’t kaanib ng sambahayan ng Diyos. Nakita Niya na ang lahat ng tao ay mga kaluluwang waglit, at gawain Niya ang sila’y iligtas.PK 13.1

    Iyan ang likas ni Kristo alinsunod sa inihayag ng Kanyang kabuhayan. Iyan ang likas ng Diyos. Mula sa puso ng Ama ay bumukal ang mga daloy ng banal na pagmamahal, na nahayag kay Kristo, at umagos sa mga anak ng mga tao. Si Jesus, ang mahabaging Tagapagligtas, ay Diyos na “nahayag sa laman.” 1 Timoteo 3:16.PK 15.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents