Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

PAGLAPIT KAY KRISTO

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Iniibig din tayong ama

    Datapuwa’t hindi ginawa ang dakilang haing ito upang lumikha sa puso ng Ama ng isang pag-ibig sa tao, hindi upang papagnasain Siyang magligtas. Hinding-hindi! “Gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak.” Juan 3:16. Iniibig tayo ng Ama, hindi dahil sa malaking pampalubag-loob, kundi itinaan Niya ang pampalubag-loob dahil sa iniibig Niya tayo. Si Kristo ang naging tagapamagitan upang maibuhos ng Ama ang Kanyang di matingkalang pag-ibig sa isang nasawing sanlibutan. “Na kay Kristo ang Diyos na pinakipagkasundo ang sanlibutan sa Kanya rin.” 2 Corinto 5:19. Nagbata ang Diyos na kasama ng Kaniyang Anak. Sa paghihirap sa Getsemane, sa pagkamatay sa Kalbariyo, ang puso ng Walang-hanggang Pag-ibig ay siyang nagbayad ng halaga ng ating katubusan.PK 16.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents