Kabanata 22—Si Moises
Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
- Contents- Paunang Salita
- Panimula
- Kabanata 1—Bakit Ipinahintulot ang Kasalanan?
- Kabanata 2—Ang Paglalang
- Kabanata 3—Ang Tukso at ang Pagkahulog
- Kabanata 4—Ang Panukala ng Pagtubos
- Kabanata 5—Si Cain at si Abel ay Sinubok
- Kabanata 6—Si Set at si Enoc
- Kabanata 7—Ang Baha
- Kabanata 8—Pagkalipas ng Baha
- Kabanata 9—Ang Literal na Sanlinggo
- Kabanata 10—Ang Tore ng Babel
- Kabanata 11—Ang Pagkatawag kay Abraham
- Kabanata 12—Si Abraham sa Canaan
- Kabanata 13—Ang Pagsubok ng Pananampalataya
- Kabanata 14—Ang Pagkagunaw ng Sodoma
- Kabanata 15—Ang Pag-aasawa ni Isaac
- Kabanata 16—Si Jacob at si Esau
- Kabanata 17—Ang Pagtakas at Pagiging Distiyero ni Jacob
- Kabanata 18—Ang Gabi ng Pakikipagbuno
- Kabanata 19—Ang Pagbabalik sa Canaan
- Kabanata 20—Si Jose sa Ehipto
- Kabanata 21—Si Jose at ang Kanyang mga Kapatid
- Kabanata 22—Si Moises
- Kabanata 23—Ang Mga Salot sa Ehipto
- Kabanata 24—Ang Paskua
- Kabanata 25—Ang Exodo
- Kabanata 26—Mula sa Pulang Dagat Hanggang sa Sinai
- Kabanata 27—Ang Kautusang Ibinigay sa Israel
- Kabanata 28—Ang Pagsamba sa diyus-diyusan sa Sinai
- Kabanata 29—Ang Galit ni Satanas Laban sa Kautusan
- Kabanata 30—Ang Tabernakulo at ang mga Serbisyo
- Kabanata 31—Ang Kasalanan ni Nadab at ni Abihu
- Kabanata 32—Ang Kautusan at ang mga Tipan
- Kabanata 33—Mula sa Sinai Hanggang sa Cades
- Kabanata 34—Ang Labindalawang Tiktik
- Kabanata 35—Ang Paghihimagsik ni Core
- Kabanata 36—Sa Ilang
- Kabanata 37—Ang Hinampas na Bato
- Kabanata 38—Paglalakbay sa Palibot ng Edom
- Kabanata 39—Ang Pagsakop sa Basan
- Kabanata 40—Balaam
- Kabanata 41—Ang Pagtalikod sa Jordan
- Kabanata 42—Muling Isinaysay ang Kautusan
- Kabanata 43—Ang Pagkamatoy ni Moises
- Kabanata 44—Pagtawid sa Jordan
- Kabanata 45—Ang Pagkaguho ng Jerico
- Kabanata 46—Ang mga Pagpapala at ang mga Sumpa
- Kabanata 47—Ang Pakikilakip sa mga Gabaonita
- Kabanata 48—Ang Pagkakabahagi ng Canaan
- Kabanata 49—Ang Huling mga Salita ni Josue
- Kabanata 50—Ang mga Ikapu at mga Handog
- Kabanata 51—Ang Pangangalaga ng Dios so Mahihirap
- Kabanata 52—Ang Taun-taong mga Kapistahan
- Kabanata 53—Ang Naunang mga Hukom
- Kabanata 54—Samson
- Kabanata 55—Ang Batang si Samuel
- Kabanata 56—Si Eli at ang Kanyang mga Anak
- Kabanata 57—Ang Kaban ay Nakuha ng mga Filisteo
- Kabanata 58—Ang mga Paaralan ng mga Propeta
- Kabanata 59—Ang Unang Hari ng Israel
- Kabanata 60—Ang Kapangahasan ni Saul
- Kabanata 61—Tinanggihan si Saul
- Kabanata 62—Ang Pagpapahid kay David
- Kabanata 63—Si David at si Goliath
- Kabanata 64—Si David Bilang Isang Pugante
- Kabanata 65—Ang Kagandahang-loob ni David
- Kabanata 66—Ang Pagkamatay ni Saul
- Kabanata 67—Ang Sinauna of Makabagong Pang-eengkanto
- Kabanata 68—Si David sa Ziklag
- Kabanata 69—Tinawagan Tungo sa Trono si David
- Kabanata 70—Ang Paghahari ni David
- Kabanata 71—Ang Kasalanan at Pagsisisi ni David
- Kabanata 72—Ang Paghihimagsik ni Absalom
- Kabanata 73—Mga Huling Taon ni David
- Apendiks
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 22—Si Moises
Ang kabanatang ito ay batay sa Exodo 1 hanggang 4.
Ang mga taga Ehipto, upang magkaroon ng pagkain sa panahon ng tag-gutom, ay ipinagbili sa hari ang kanilang mga alagang hayop at mga lupain, hanggang sa huli ay naitali ang kanilang mga sarili sa nagpapatuloy na pagkaalipin. Si Jose ay mahusay na naghanda ng paraan upang sila ay makalaya; ipinahintulot niyang sila'y mangupa- han sa kaharian, hawak ang kanilang mga lupa para sa hari, at nagba- bayad ng taunang buwis na ikalima ng bunga ng kanilang pagpapa- gal.MPMP 285.1
Subalit ang mga anak ni Jacob ay hindi kinakailangang mapailalim sa gano'ng kalagayan. Dahilan sa paglilingkod ni Jose para sa bansa ng mga Ehipcio, hindi lamang sila binigyan ng isang bahagi ng bansa bilang kanilang tahanan, kundi pinalibre pa sa pagbibigay ng buwis, at binigyan ng libreng pagkain sa panahon ng tag-gutom. Inihayag ng hari sa publiko na siya ay naniniwalang sa pamamagitan ng mahabaging pagtulong ng Dios ni Jose ang Ehipto ay nagkaroon ng kasaganaan samantalang ang ibang mga bansa ay nangawala dahil sa tag-gutom. Kanya ring nakita, na sa pamamagitan ng pangangasiwa ni Jose, ang kaharian ay lubhang yumaman, at sa kanyang pagpa- pasalamat ay pinalibutan ang sambahayan ni Jacob ng mga kaloob ng hari.MPMP 285.2
Subalit sa paglipas ng panahon, ang dakilang lalaki na lubos na pinagkakautangan ng Ehipto, at ang lahing pinagpala ng kanyang mga pagpapagal, ay lumipas na sa libingan. At “may bumangon ngang isang bagong hari sa Ehipto, na hindi kilala si Jose.” Hindi dahil sa hindi niya alam ang naging paglilingkod ni Jose sa bansa, subalit ninais niyang kalimutan ang mga iyon, at, hanggat maaari, ay kali- mutan. “At sinabi niya sa kanyang bayan, Narito, ang bayan ng mga anak ni Israel ay higit at lalong malakas kay sa atin: hayo't tayo'y magpakadunong sa kanila; baka sila'y dumami, at mangyari, na, pag- ka nagkadigma, ay makikisanib pati sila sa ating mga kaaway, at lumaban sa atin, at magsilayas sa lupain.”MPMP 285.3
Ang mga Israelita ay lubhang napakarami na; sila'y “kumapal na maigi at dumami, at naging totoong makapangyarihan; at ang lupain ay napuno nila.” Sa ilalim ng pangangalaga ni Jose, at ng mga kaloob ng hari na namumuno noon, sila ay mabilis na kumalat sa lupain. Subalit naingatan nila ang kanilang mga sarili bilang isang bukod na lahi, na walang ano mang pakikipagkaisa sa mga Ehipcio sa kauga- lian man o sa relihiyon; at ang lumalago nilang bilang ay nagbangon ng takot sa hari at sa kanyang bayan, na baka pag nagkadigma sila ay umanib sa mga kalaban ng Ehipto. Gano'n pa man ipinagbabawal ng batas ang sila'y paalisin. Marami sa kanila ay mahuhusay at mauna- waing mga manggagawa, at malaki ang idinadagdag nila sa kayamanan ng bansa; kailangan ng hari ang gano'ng mga manggagawa sa pagpapatayo ng kanyang mga magagandang mga palasyo at mga templo. Dahil doon ay ibinilang niya sila sa mga Ehipciong ipinagbili ang kanilang mga sarili kasama ng kanilang mga ari-arian sa kaharian. Di nagtagal ay naglagay ng tagapagpaatag sa kanila, at ang kanilang pagkaalipin ay naging ganap. “At pinapaglingkod na may kabagsikan ng mga Ehipcio ang mga anak ni Israel: at kanilang pinapamuhay sila ng masaklap sa pamamagitan ng mahirap na paglilingkod, sa gilingan at sa laryo, at sa lahat ng sari-saring paglilingkod sa bukid, at sa lahat ng paglilingkod nila na ipinapaglingkod sa kanila, na may kabagsikan.” “Datapuwat habang dinadalamhati nila sila, ay lalong dumadami at lalong kumakapal.” Ang hari at ang kanyang mga tagapayo ay nagnais lupigin ang mga Israelita sa pamamagitan ng mahirap na gawain, at sa gano'n ay pauntiin ang kanilang bilang at sirain ang kanilang malayang espiritu. Sa pagkabigo ng kanilang layunin, sila ay nagsagawa ng lubhang malupit na hakbang. Inutusan ang mga babae ang tungkulin ay nag- bibigay sa kanila ng pagkakataon upang isakatuparan ang utos, upang patayin ang mga batang Hebreo sa kanilang pagsilang. Si Satanas ang nangunguna sa bagay na ito. Batid niya na isang tagapagligtas ang babangaon mula sa Israelita; at sa pamamagitan ng pag-udyok sa hari na patayin ang kanilang mga anak inaasahan niyang masira ang panukala ng Dios. Subalit ang babae'y may pagkatakot sa Dios, at hindi nangahas upang isakatuparan ang malupit na utos. Ikinalugod ng Dios ang kanilang ginawa at sila'y pinagpala. Ang hari, sa galit sa kabiguan ng panukala ng mas madalian at mas ma- lawakan. Ang buong bansa ay tinawagan upang hanapin at patayin ang mga walang kaya niyang mga biktima. “At iniutos ni Faraon sa kanyang buong bayan, na sinasabi, Itatapon ninyo sa ilog ang bawat lalaki na ipanganak, at bawat babae ay ililigtas ninyong buhay.”MPMP 286.1
Nang ang utos na ito ay ganap nang isinasakatuparan isang anak na lalaki ang isinilang kina Amram at Jochebed, mga tapat na Israelita ng lipi ni Levi. Ang sanggol ay “maganda;” at ang mga magulang, sa naniniwalang ang panahon ng pagliligtas ng Israel ay malapit na, at ang Panginoon ay magbabangon ng isang tagapagligtas para sa Kanyang bayan, ay nagpasya na ang kanilang anak ay hindi dapat mamatay. Ang pananampalataya sa Dios ang nagpalakas sa kanilang loob, “at hindi sila natakot sa utos ng hari.” Hebreo 11:23.MPMP 287.1
Ang ina ay nagtagumpay sa pagkukubli sa sanggol sa loob ng tatlong buwan. At, nang masumpungang hindi na niya siya maiinga- tan, siya ay naghanda ng isang takbang yantok, at upang huwag pasukin ng tubig ay nilagyan ng betun at ng sahing; at nang mailagay ang bata doon ay inilagay niya iyon sa may matataas na damo sa tabi ng ilog. Hindi niya pinangahasang manatili doon upang bantayan iyon, baka mapahamak ang buhay ng bata at ang sarili niyang buhay; subalit ang kanyang kapatid na si Miriam, ay nanatili sa malapit doon, kunwa'y walang kinalaman doon, subalit matamang nagma- masid upang makita kung ano ang mangyayari sa maliit niyang kapatid. At mayroon pang ibang tagapagbantay. Sa taimtim na dalangin ng ina ay itinalaga niya ang kanyang sanggol sa pangangalaga ng Dios; at ang mga anghel, na hindi nakikita, ay nagliliparan sa may lugar na kanyang kinaroroonan. Inakay ng mga anghel ang anak na babae ni Faraon upang lumapit doon. Natawag ang kanyang pansin ng maliit na takba, at samantalang tinitingnan niya ang maliit na sanggol na nasa loob niyon, ay nabasa niya ang kasaysayan sa isang tingin. Pinukaw ng iyak ng sanggol ang kanyang habag, at nagkaroon siya ng pakikiramay sa di kilalang ina na ganito ang ginawa upang iligtas ang buhay na mahalaga sa kanya. Ipinasya niyang ang sanggol ay kinakailangang mailigtas; kanyang aampunin ang sanggol.MPMP 287.2
Matamang minamasdan ni Miriam ang bawat kilos; nang makita niya na ang sanggol ay maingat na hinaharap, siya ay lumapit, at sa huli ay sinabi, “Yayaon ba ako at itatawag kita ng isang tagapag-alaga sa mga babaeng Hebreo, na makapag-alaga sa iyo ng batang ito?” At siya ay binigyan ng pahintulot.MPMP 287.3
Ang kapatid na babae ay nagmadaling pumunta sa kanyang ina na may magandang balita, at nagmadaling isinama siya sa harap ng anak na babae ni Faraon. “Dalhin mo ang batang ito, at alagaan mo para sa akin, at bibigyan kita ng iyong kaupahan,” wika ng princesa.MPMP 287.4
Dininig ng Dios ang mga dalangin ng ina; ang kanyang pananampalataya ay ginantimpalaan. Puspos ng pagpapasalamat niyang tinang- gap ang ngayon ay ligtas at masaya niyang tungkulin. Matapat niyang pinagbuti ang pagkakataon upang maturuan ang kanyang anak para sa Dios. Nakadama siya ng katiyakan na ang sanggol ay ininga- tan para sa isang dakilang gawain, at alam niya na di magtatagal ang bata ay ibibigay sa makahari niyang ina, at mapapaligiran ng mga impluwensya na maaring umakay sa kanya papalayo sa Dios. Ang mga ito ang naging dahilan upang siya ay maging higit na masikap at maingat sa pagtuturo sa kanya kaysa sa iba niyang mga anak. Sinikap niyang ikintal sa isip ng bata ang pagkatakot sa Dios at ang pag-ibig sa katotohanan at sa katarungan, at taimtim na idinalangin na siya ay maingatan mula sa lahat ng mga masamang impluwensya. Ipinakita niya sa bata ang kahangalan at kasalanan ng pagsamba sa diyus- diyusan, at maagang tinuruan siyang yumukod at manalangin sa buhay na Dios, na tanging makaririnig sa kanya at makatutulong sa kanya sa lahat ng pangangailangan.MPMP 288.1
Iningatan niya ang sanggol hangga't magagawa niya, subalit kinakailangang ibigay niya siya ng siya ay maglabing dalawang taong gulang na. Mula sa kanyang maliit na kubong tahanan siya ay dinala sa palasyo, sa anak ni Faraon, “at siya'y kanyang inaring anak.” Gano'n pa man maging sa kalagayang ito ay hindi niya kinalimutan ang mga natutunan niya sa kanyang pagkabata. Ang mga aral na kanyang natutunan sa piling ng kanyang ina ay hindi niya malilimot. Ang mga iyon ay pananggalang sa pagmamataas, at di pagtatapat, at bisyong laganap sa kalagitnaan ng karilagan ng palasyo.MPMP 288.2
Anong kabutihan ang ibinunga ng impluwensya ng isang babaeng Hebreo, at siya'y isang nangingibang bayan at isang alipin! Ang buong buhay ni Moises sa hinaharap, ang dakilang tungkuling kanyang ginampanan bilang pinuno ng Israel, ay nagpapatotoo sa kaha- lagahan ng gawain ng isang Kristianong ina. Wala ng iba pang ga- waing katumbas nito. Sa isang napakalaking bahagi hawak ng ina sa kanyang mga kamay ang kahihinatnan ng kanyang mga anak. Siya ay nakikitungo sa mga lumalagong pag-iisip at pagkatao, gumagawa hindi lamang para sa panahon, kundi para sa walang hanggan. Siya ay naghahasik ng binhing bubukal at magbubunga, ng mabuti o masama. Hindi siya nagpipinta upang bumuo ng kagandahan sa isang kambas ni umuukit sa isang marmol, kundi upang itatak sa kaluluwa ng isang tao ang larawan ng Dios. Lalong-lalo na sa kanilang kabataan ang kapanagutan ay nakasalalay sa ina sa paghubog ng likas ng kanyang mga anak. Ang mga impresyon na ngayon ay nagagawa sa kanilang lumalagong pag-iisip ay mananatili sa buong buhay nila. Kinakailangang pangunahan ng mga magulang ang pagsasanay sa kanilang mga anak samantalang sila ay bata pa, sa layuning sila ay maging mga Kristiano. Sila ay inilagay sa ating pa-ngangalaga upang sanayin, hindi upang maging tagapagmana ng trono sa isang makalupang kaharian, kundi bilang mga hari para sa Dios, upang maghari hanggang sa walang hanggang kapanahunan.MPMP 288.3
Mangyaring madama ng bawat ina na ang kanyang mga sandali ay walang katumbas; ang kanyang gawain ay masusubok sa banal na araw ng pagsusulit. Doon ay masusumpungan na marami sa mga kabiguan at krimen ng mga lalaki at babae ay nagmula sa kakulangan sa kaalaman at pagwawalang bahala noong ang mga tungkulin ay ang patnubayan ang kanyang musmos na mga paa sa tamang landas. Doon ay masusumpungan ang maraming naging pagpapala sa sanlibutan ng liwanag ng kagalingan at katotohanan at kabanalan, ay dahil sa mga prinsipyong dinaluyan ng impluwensya at ng isang na- nanalanging, Kristianong ina.MPMP 289.1
Sa palasyo ni Faraon, tumanggap si Moises ng pinakamataas na pagsasanay pang sibil at pang militar. Ipinasya ng hari na ang kanyang inampong apo ang kanyang magiging kahalili sa trono, at sina- nay para sa mataas na tungkuling ito. “At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Ehipcio, at siya ay makapangyarihan sa kanyang mga salita at gawa.” Gawa 7:22. Ang kanyang kakayanan bilang pinuno ng militar ay nagpaging kawili-wili sa kanya sa mga hukbo ng Ehipto, at sa pangkalahatan siya ay nakilala bilang isang mahusay na tao. Si Satanas ay natalo sa kanyang layunin. Ang utos na pagpatay sa mga batang Hebreo ay ginamit ng Dios para sa pagsasanay at edukasyon ng pinuno ng Kanyang bayan sa hinaharap.MPMP 289.2
Ang mga matanda sa Israel ay sinabihan ng mga anghel na ang panahon ng kanilang pagkaligtas ay malapit na, at si Moises ang lalaking gagamitin ng Dios upang ganapin ang gawaing ito. Sinabihan din ng mga anghel si Moises na siya ang pinili ni Jehova upang iligtas ang Kanyang bayan mula sa pagkaalipin. Siya naman, sa pag- akalang kanilang makakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng armas, ay inisip na kanyang pangungunahan ang hukbo ng mga Hebreo laban sa mga hukbo ng Ehipto, at sa pagkakaroon ng ganitong pananaw, ay iningatan niya ang kanyang mga pakikitungo, baka sa kanyang relasyon sa kanyang di-tunay na ina o kay Faraon siya ay mawalan ng kalayaan upang ganapin ang kalooban ng Dios.MPMP 289.3
Sa batas ng mga Ehipcio ang lahat ng luluklok sa trono ni Faraon ay kinakailangang maging kaanib ng grupo ng mga saserdote; at si Moises, bilang magiging tagapagmana, ay kinakailangang maipasok sa mga kahiwagaan ng relihiyon ng bansa. Ang gawaing ito ay iti- nagubilin sa mga pari. Subalit bagamat siya ay isang masugid at walang kapagurang mag-aaral, hindi siya maakit makilahok sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Siya ay binabalaan sa pagkawala ng karapatan sa trono, at binabalaang siya ay maaaring itakwil ng princesa kung siya ay mananatili sa pananampalataya ng mga Hebreo. Subalit matibay ang kanyang kapasyahang walang ibang sasambahin kundi ang Dios, ang Manlalalang ng langit at ng lupa. Siya ay nangatuwiran sa mga pari at mga sumasamba, ipinahahayag ang kahangalan ng kanilang mapamahiing pagsamba sa mga bagay na walang pakiramdam. Walang makasagot sa kanyang katuwiran o makapagbago ng kanyang layunin, gano'n pa man sa panahong iyon ay binaliwala ang kanyang pagmamatigas dahil sa kanyang mataas na posisyon at sa kalugod-lugod na pakikitungo sa kanya kapwa ng hari at ng mga tao.MPMP 290.1
“Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon; na pinili pa niya ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kaysa magta- mo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala; na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Kristo, kay sa mga kayamaman ng Ehipto: sapagkat ang kanyang tinitingnan ay ang gantimpalang kaba- yaran.” Hebreo 11:24-26. Si Moises ay handa upang makabilang sa mga dakilang tao sa lupa, upang magningning sa mga palasyo ng pinakamagandang kaharian, at upang hawakan ang setro ng kapangyarihan noon. Ang kanyang katalinuhan ay nagpaging tanyag sa kanya ng higit sa dakilang mga tao sa buong kapanahunan. Bilang isang istoryador, makata, pilosopo, heneral ng mga hukbo, at mambabatas, siya ay tumayong walang kapantay. Gano'n pa man sa harap ng sanlibutan, ay nagkaroon siya ng lakas ng loob upang tanggihan ang labis na inaasahang kayamanan at kadakilaan at katanyagan, “pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala.”MPMP 290.2
Si Moises ay tinuruan tungkol sa gantimpalang ibibigay sa mga mapagpakumbaba at masunuring mga lingkod ng Dios, at ang ma- kasanlibutang pakinabang ay nalubog sa katampatan niyang kawalan ng kabuluhan kung ihahambing doon. Ang magandang palasyo ni Faraon at ang trono ng hari ay ginamit na pang-akit kay Moises; subalit alam niya na ang mga makasalanang kasiyahan na nakapagpa- palimot sa Dios ay nasa marilag na mga palasyo noon. Tumingin siya sa ibayo pa ng palasyo, sa ibayo pa ng isang korona ng hari, tungo sa mataas na karangalang ibibigay sa mga banal ng Kataas- taasan sa Lahat sa isang kahariang hindi nadudungisan ng kasalalan. Nakita niya sa pamamagitan ng pananampalataya ang isang di nalu- lumang korona na ipuputong ng hari ng langit sa magtatagumpay. Ang pananampalatayang ito ang umakay sa kanya upang talikuran ang mabilang sa pinapanginoon sa lupa upang makasama ng mga aba, mahirap, at hinahamak na bansa na pinili ang sumunod sa Dios kaysa maglingkod sa kasalanan.MPMP 291.1
Si Moises ay nanatili sa palasyo hanggang sa siya ay maging apat na pung taong gulang. Ang kanyang isip ay malimit napapatuon sa hamak na kalagayan ng kanyang bayan, at dinalaw niya ang kanyang mga kababayan sa kanilang pagkaalipin, at pinasigla sila sa pamamagitan ng katiyakang ang Dios ay gagawa para sa kanilang kaligtasan. Malimit, natitilihan sa pagkakita ng kawalan ng katarungan at pang- aapi, siya ay nag-aapoy upang maghiganti sa kanilang kamalian. Isang araw, samantalang naglilibot, nang nakita ang isang Ehipciong sina- saktan ang isang Israelita, siya ay lumapit at pinatay ang Ehipcio. Liban sa Israelita, walang sino mang nakakita sa pangyayari, at ma- daling inilibing ni Moises ang bangkay sa buhangin. Naipakita na niya ngayong handa na siya upang ipagtanggol ang kanyang bayan, at inaasahan niya na makita silang bumabangon upang papanumba- likin ang kanilang kalayaan. “Ang isip niya'y napag-unawa ng kanyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya: datapuwat hindi nila napag-unawa.” Gawa 7:25. Sila'y hindi pa handa para sa kalayaan. Nang sumunod na araw si Moises ay nakakita ng dalawang Hebreo na nagbababag, at ang isa ang nakitang may kasalanan. Sinumbatan ni Moises ang may kasalanan, na kaagad ay sumagot sa nanunumbat, tinatanggihan ang kanyang karapatan upang mamagitan, at hayagang inakusahan siya sa krimen: “Sinong naglagay sa iyong pangulo at hukom sa amin?” wika niya, “Iniisip mo bang patayin ako, na gaya ng pagpatay mo sa Ehipcio?”MPMP 291.2
Ang buong pangyayari ay mabilis na nalaman ng mga Ehipcio, at, lubhang dinagdagan, at di nagtagal ay nakarating kay Faraon. Iyon ay inihayag sa hari na ang ginawang iyon ay makahulugan; na panukala ni Moises ang pangunahan ang kanyang bayan laban sa mga Ehipcio, upang ibagsak ang pamahalaan, at upang iluklok ang kanyang sarili sa trono; na walang kaligtasan para sa kaharian samantalang siya ay nabubuhay. Kaagad ipinasya ng hari na siya ay kinakailangang mamatay; subalit sa pagkabatid sa kanyang panganib, siya ay tumakas at nagtungo sa Arabia.MPMP 292.1
Siya ay pinangunahan ng Panginoon, at nakasumpong siya ng kanyang matatahanan kay Jethro, ang saserdote at prinsipe ng Median, na isa ring sumasamba sa Dios. Paglipas ng panahon ay napangasawa ni Moises ang isa sa mga anak na babae ni Jethro; at dito, sa paglilingkod sa kanyang biyanan, bilang taga alaga ng kanyang mga kawan, siya ay nanatili sa loob ng apat na pung taon.MPMP 292.2
Sa pagpatay sa Ehipcio, si Moises ay nahulog sa gano'n ding pagkakamali na kinahulugan ng kanyang mga ama, ang pagkuha sa pamamagitan ng kanilang mga kamay sa gawaing ipinangako ng Dios na Kanyang gagawin. Hindi kalooban ng Dios ang iligtas ang Kanyang bayan sa pamamagitan ng sarili niyang makapangyarihang lakas, gaya ng inakala ni Moises, ngunit sa pamamagitan ng Kanyang sariling kapangyarihan, upang ang kaluwalhatian ay maiukol lamang sa Kanya. Gano'n pa man maging ang padalos-dalos na ginawang ito ay ginamit na kasangkapan ng Dios upang ganapin ang Kanyang mga layunin. Si Moises ay hindi pa handa sa kanyang dakilang gawain. Kinakailangan pa niyang matutunan ang mga liksyon ng pananampalatayang itinuro kay Abraham at kay Jacob—ang hindi pagtitiwala sa lakas at kapangyarihan ng tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios sa pagsasakatuparan ng Kanyang mga pangako. At mayroon pang ibang mga liksyon na, sa kalagitnaan ng katahimikan ng kabundukan, ay tatanggapin ni Moises. Sa paaralan ng pagtanggi sa sarili at kahirapan ay matututo siyang maging mapagpigil, upang masupil ang kanyang kinahiligan. Bago siya makapangasiwa ng may katalinuhan, siya ay kinakailangang masanay sa pagsunod. Ang sarili niyang puso ay kinakailangang ganap na makasang-ayon ng kalooban ng Dios bago niya maituro ang kaalaman tungkol sa Kanyang kalooban sa Israel. Walang higit na pagsasanay ng tao o kultura, ang maaaring ipalit sa karanasang ito.MPMP 292.3
Si Moises ay maraming natutunan na kinakailangan niyang mali- mot. Ang mga impluwensyang nakapaligid sa kanya sa Ehipto—ang pag-ibig ng di niya tunay na ina, ang sarili niyang mataas na tungkulin bilang apo ng hari, ang pag-aaksaya sa bawat panig, ang kapinu- han, ang katusuhan, ang mga hiwaga ng isang huwad na relihiyon, ang karilagan ng pagsamba sa mga diyus-diyusan, ang solemneng kagandahan ng arketektura at pag-ukit—ang lahat ng ito ay nag- iwan ng malalim na marka sa kanyang lumalagong kaisipan at nabuo, at sa ibang banda, sa kanyang mga gawi at pagkatao. Ang panahon, kakaibang kapaligiran, at pakikipag-ugnay sa Dios ang makapag-aalis sa mga markang ito. Ito ay mangangailangan para sa bahagi ni Moises ng pakikipagpunyaging mabuhay upang talikuran ang kamalian at tanggapin ang katotohanan, subalit ang Dios ang magiging katulong niya kapag ang pakikipagpunyagi ay magiging napakatindi para sa lakas ng tao.MPMP 293.1
Sa lahat ng napipili upang gumawa ng gawain para sa Dios ang elemento ng pagkatao ay nakikita. Gano'n pa man sila ay hindi naging mga taong hindi nababago ang likas at uri, na nasisiyahan nang manatili sa gano'ng kalagayan. Taimtim nilang ninais ang magkaroon ng karunungan mula sa Dios at matutong gumawa para sa Kanya. Sabi ng apostol, “Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kanya.” Santiago 1:5. Subalit ang Dios ay hindi magbabahagi ng banal na liwanag samantalang siya ay nasisiyahang manatili sa kadiliman. Upang matanggap ang tulong ng Dios, kinakailangang madama ng tao ang kanyang kahinaan at pangangailangan, kinakailangang iukol niya ang kanyang pag-iisip sa malaking pagbabago na kinakailangang maganap sa kanya; kinakailangang siya ay mapukaw sa taimtim na pananalangin at paggawa. Ang mga maling kaugalian at kasanayan ay kinakailangang maalis; at sa pamamagitan lamang ng itinalagang paggawa upang baguhin ang mga kamalian at sumang-ayon sa wastong prinsipyo natatamo ang tagumpay. Marami ang hindi nakakaabot sa kalagayang kinakailangan nilang kalagyan, sapagkat sila'y naghihintay na gawin ng Dios para sa kanila yaong mga gawaing ang kapangyarihan ay ibinigay na sa kanila upang kanilang magawa. Ang lahat ng nagha- handang maging kapaki-pakinabang ay kinakailangang masanay sa pamamagitan ng pinakamahigpit na pagsasanay ng kaisipan at moralidad, at sila ay tutulungan ng Dios sa pamamagitan ng pakikisama ng kapangyarihan ng Dios sa pagsisikap ng tao.MPMP 293.2
Sa pagkakakulong sa kalagitnaan ng mga bundok, si Moises ay nag-isang kasama ng Dios. Ang maririlag na templo ng Ehipto ka- lakip ng kanilang mga pamahiin at kasinungalingan ay hindi na hina- ngaan ng kanyang isip. Sa solemneng kagadandahan ng walang hanggang mga burol ay nakita niya ang kamaharlikaan ng Kataas-taasan sa Lahat, at sa paghahambing doon ay nakita kung gaano kawalang kapangyarihan at walang kabuluhan ang mga diyus ng Ehipto. Sa bawat dako ang pangalan ng Manlalalang ay nakasulat. Si Moises ay tila nakatayo sa Kanyang harapan at nalulukuban ng Kanyang kapangyarihan. Dito ang kanyang pagmamalaki at pagkasiya sa sarili ay napawi. Sa higit na kapayakan ng kanyang buhay sa ilang, ang mga bunga ng kaluwagan at pagpapalabis ng Ehipto ay nawala. Si Moises ay naging mapagpasensya, magalang, at mapagpakumbaba, “totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa”, (Bilang 12:3), gano'n pa man ay malakas ang pananampalataya sa makapangyarihang Dios ni Jacob.MPMP 294.1
Samantalang ang mga taon ay lumilipas, at siya ay lumilibot kasama ng kanyang mga kawan sa matatahimik na mga lugar, at pinag- iisipan ang higit na kalagayan ng kanyang bayan, kanyang sinasariwa sa isipan ang mga ginawa ng Dios para sa kanyang mga magulang at ang mga pangakong minana ng piniling bayan, at ang kanyang mga dalangin para sa Israel ay pumapanhik araw at gabi. Ang makalangit na mga anghel ay nagpapasinag ng kanilang liwanag sa palibot niya. Dito, sa pagkasi ng Banal na Espiritu, ay isinulat niya ang aklat ng Genesis. Ang mahabang mga taon na ginugol sa kalagitnaan ng katahimikan ng ilang ay mayaman sa pagpapala, hindi lamang para kay Moises at sa kanyang bayan, kundi pati sa sanlibutan sa lahat ng sumunod na mga taon.MPMP 294.2
“At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Ehipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin. At dininig ng Dios ang kanilang hibik, at naalaala ng Dios ang kanilang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, at nilingap ng Dios ang mga anak ni Israel, at sila'y kinilala ng Dios.” Ang panahon ng pagliligtas sa Israel ay dumating na. Subalit ang layunin ng Dios ay isasakatuparan sa paraang ikahihiya ang pag- mamataas ng tao. Ang tagapagligtas ay hahayo bilang isang abang pastor, na mayroon lamang tungkod sa kanyang kamay; subalit gagawin ng Dios ang kanyang tungkod bilang simbolo ng Kanyang kapangyarihan. Sa pag-aakay sa kanyang kawan isang araw malapit sa Horeb, “ang bundok ng Dios,” si Moises ay nakakita ng isang mababang punong kahoy na nag-aapoy, ang mga sanga, dahon, at puno, lahat ay nag-aapoy, gano'n pa man ay mukhang di nasusunog. Siya ay lumapit upang masdan ang magandang anyo noon, nang isang tinig mula sa apoy ay narinig niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Nanginginig ang mga labi siya ay tumugon, “Narito ako.” Siya ay binabalaang huwag lalapit ng walang paggalang: “Hubarin mo ang panyapak ng iyong mga paa, sapagkat ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa.... Ako ang Dios ng iyong ama, ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob.” “Siya yaong, bilang Anghel ng Tipan, ay nagpahayag ng Kanyang Sarili sa mga ninuno” “At si Moises nga ay nagtakip ng kanyang mukha; sapagkat siya'y natatakot na tumingin sa Dios.”MPMP 294.3
Ang pagpapakumbaba at paggalang ay kinakailangang mahayag sa lahat ng lumalapit sa harapan ng Dios. Sa ngalan ni Jesus tayo ay maaaring lumapit sa Kanya na may kalakasan ng loob, subalit hindi tayo dapat lumapit sa Kanya na may kapangahasan, na waring Siya ay nasa katayuang tulad natin. Mayroong mga nakikipag-usap sa dakila at makapangyarihan sa lahat at banal na Dios, na ang tirahan ay nasa liwanag na di maaaring malapitan, na waring sila ay nagsasa- lita sa isang kapantas o maging sa isang nakabababa. Mayroong ang pagkilos sa kanyang templo ay hindi nila maaaring gawin sa silid tanggapan ng isang hari sa lupa kinakailangang tandaan ng mga ito na sila ay nasa harap ng sinasamba ng mga anghel, na sa harap Niya ang mga anghel ay magtatakip ng kanilang mga mukha. Ang Dios ay lubhang dapat igalang; ang lahat ng tunay na nakababatid ng Kanyang presensya ay yumuyuko na may pagpapakumbaba sa harap Niya, at, tulad ni Jacob sa pagkakaroon ng pangitain sa Dios, ay kanilang sasabihin, “Kakilakilabot na dako ito! ito'y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.”MPMP 297.1
Samantalang si Moises-ay naghihintay sa magalang na pagkaman- gha sa harapan ng Dios ang mga salita ay nagpatuloy: “Akin ngang nakita ang kadalamahatian ng Aking bayan na nasa Ehipto, at Aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapag-atang sa kanila; sapagkat talastas ko ang kanilang kapanglawan. At ako'y bumaba upang iligtas sila sa kamay ng mga Ehipcio at upang sila'y isampa sa isang mabuting lupain at malawak, mula sa lupaing yaon, sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot.... Halika nga ngayon, at ikaw ay Aking susuguin kay Faraon, upang iyong ilabas sa Ehipto ang Aking bayan na mga anak ni Israel.”MPMP 298.1
Labis ang pagtataka at natakot sa iniuutos, si Moises ay umatras, na nagsasabi, “Sino ako, upang pumaroon kay Faraon, at upang ilabas sa Ehipto ang mga anak ni Israel?” Ang tugon ay, “Tunay na Ako'y sasaiyo; at ito'y magiging tanda sa iyo, na ikaw ay Aking sinugo: Pagka iyong nailabas na sa Ehipto ang bayan ay magliling- kod kayo sa Dios sa bundok na ito.”MPMP 298.2
Inisip ni Moises ang mga kahirapang sasalungahin, ang pagkabu- lag, kawalan ng kaalaman, at ang di pagsampalataya ng kanyang bayan, na karamihan ay wala nang kaalaman tungkol sa Dios. “Narito,” wika niya, “pagdating Ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin Ko sa kanila, Sinugo ako sa iyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin, Ano ang kanyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?” Ang tugon ay—MPMP 298.3
“AKO YAONG AKO NGA.” Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni “AKO NGA.”MPMP 298.4
Si Moises ay inutusang tipunin muna ang mga matanda ng Israel, ang pinakamarangal at matuwid sa kanila, na matagal nang namigha- ti dahil sa kanilang pagkaalipin, at upang maghayag sa kanila ng isang balita mula sa Dios, na may pangako ng pagliligtas. At siya ay pupuntang kasama ng mga matanda sa harap ng hari, at sabihin sa kanya—MPMP 298.5
“Ang Panginoon, ang Dios ng mga Hebreo, ay nakipagtagpo sa amin: at ngayo'y pahintulutan mo kami na maglakbay, na tatlong araw sa ilang, upang kami ay makapaghain sa Panginoon naming Dios.”MPMP 298.6
Si Moises ay tinagubilinan na si Faraon ay tatanggi sa pakiusap na pahintulutang maglakbay ang Israel. Gano'n pa man ay hindi dapat mawalan ng lakas ng loob ang lingkod ng Dios; sapagkat gagamitin ng Panginoon ang pagkakataong ito upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan sa harap ng mga Ehipcio at sa harap ng Kanyang bayan. “At Aking iuunat ang Aking kamay, at sasaktan Ko ang Ehipto ng Aking buong kababalaghan na Aking gagawin sa gitna niyaon at pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niya kayong yumaon.”MPMP 299.1
Nagbigay din ng tagubilin tungkol sa baon na kanilang dadalhin para sa kanilang paglalakbay. Sabi ng Panginoon, “Mangyayari, na pagyaon ninyo, ay hindi kayo yayaong walang dala: kundi bawat babae ay hihingi sa kanyang kapwa, at sa tumatahan sa kanyang bahay, ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto at mga damit.” Ang mga Ehipcio ay yumaman dahil sa di makatarungang pagpapatrabaho sa mga Israelita, at sapagkat ang huli ay magsisimula ng kanilang paglalakbay tungo sa kanilang bagong tahanan, marapat lamang na kunin nila ang gantimpala ng mga taon ng kanilang pag- lilingkod. Sila ay hihingi ng mga kagamitang mahahalaga, na mada- ling madadala, at ang Dios ay magbibigay sa kanila ng kaluguran sa harap ng mga Ehipcio. Ang makapangyarihang mga kababalaghang isasagawa para sa kanilang ikaliligtas ay maghahatid ng takot sa mga nang-api sa kanila, kung kaya't ang kahilingan ng mga alipin ay ipagkakaloob.MPMP 299.2
Nakita ni Moises sa harap niya ang mga kahirapang tila di mala- lampasan. Anong katibayan ang ipapahayag niya sa kanyang bayan na ang Dios nga ang nagsugo sa kanya? “Narito,” wika niya, “hindi nila paniniwalaan ako, ni didinggin ang aking tinig: sapagkat kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay hindi napakita sa iyo.” Katibayang nangusap sa sarili niyang pakiramdam ang ibinigay ngayon. Siya ay inutusang ihagis ang kanyang tungkod sa lupa. Nang gawin niya iyon, “naging isang ahas; at si Moises ay tumakas sa harap ng ahas.” Siya ay inutusang damputin iyon, at sa kanyang kamay ay naging tungkod iyon. Siya ay sinabihang ipasok ang kanyang kamay sa kanyang sinapupunan. Siya ay sumunod, at “nang kanyang ilabas ay narito, ang kanyang kamay ay may ketong, na maputing parang niebe.” Nang sabihan na muli niya iyong ibalik sa kanyang sinapupunan, nakita niya na nang ilabas niya iyon ay naging tulad ng isa. Sa pamamagitan ng mga tandang ito ay tiniyak ng Panginoon kay Moises na ang sarili Niyang bayan, gano'n din si Faraon, ay maniniwala na Isang higit na makapangyarihan sa hari ng Ehipto ang hayag sa kanila.MPMP 299.3
Subalit ang lingkod ng Dios ay sinasapawan pa rin ng pag-iisip sa kakaiba at kahanga-hangang gawain sa harap niya. Sa kanyang pag- kalito at takot siya ngayon ay nagdahilan ng kakulangan sa pananali- ta: “Oh Panginoon, ako'y hindi marikit mangusap, kahit ng pana- hong nakaraan, kahit mula ng magsalita Ka sa iyong lingkod; sapagkat ako'y kimi sa pangungusap at umid sa dila.” Siya ay matagal nang nalayo sa mga Ehipcio na wala na siyang malinaw na pagkaalam at handang paggamit ng kanilang wika gaya noong siya ay kasama pa nila.MPMP 300.1
Ang sabi sa kanya ng Panginoon, “Sinong gumawa ng bibig ng tao? O sinong gumawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon?” Dito ay idinagdag ang isa pang katiyakan ng pagtulong ng Dios: “Ngayon nga'y yumaon ka, at Ako'y sasaiyong bibig, at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasalitain.” Subalit si Moises ay nakiusap pa rin na isang higit ang kakayanan ang mapili. Ang mga pagdadahilang ito sa simula ay mula sa pagpapakumbaba at pagkakimi; subalit matapos na makapangako ang Panginoon aalisin ang lahat ng kahirapan, at magbibigay sa kanya ng tagumpay, kung magkagano'n ang ano mang pagtanggi at pagdada- hilan tungkol sa pagiging di niya handa ay nagpapakita ng hindi pagtitiwala sa Dios. Naghahayag iyon ng isang pangambang hindi ng Dios magagawang ihanda siya para sa dakilang gawaing itinata- wag sa kanya, o na Siya ay nagkamali sa pagpili ng tao.MPMP 300.2
Si Moises ngayon ay itinuro kay Aaron, ang nakatatanda niyang kapatid, na, sa araw-araw na paggamit ng wika ng mga Ehipcio, ay mahusay sa pagsasalita noon. Siya ay sinabihan na si Aaron ay dara- ting upang siya ay salubungin. Ang sumunod na mga salita ay isang ganap na utos:MPMP 300.3
“At ikaw ay magsasalita sa kanya, at iyong isasa bibig niya ang mga salita: at Ako'y sasa iyong bibig at sasa kanyang bibig, at Aking ituturo sa inyo, kung ano ang iyong gagawin. At siya ang makikipag- usap sa lagay mo sa bayan: at mangyayari na siya'y magiging sa iyo'y bibig, at ikaw ay magiging sa kanya'y parang Dios. At tatangnan mo sa iyong kamay ang tungkod na ito, na iyong ipagagawa ng mga tanda.” Hindi na siya makatatanggi pa, sapagkat ang lahat ng batayan ng pagdadahilan ay inalis.MPMP 300.4
Ang banal na utos na ibinigay kay Moises ay nasumpungang siya'y di nagtitiwala sa sarili, hindi mahusay sa pagsasalita, at kimi. Siya ay inapawan ng pagkadama ng kanyang kakulangan upang maging taga- pagsalita ng Dios para sa Israel. Subalit minsang tinanggap ang ga- wain, ay pinasok niya iyon ang may buong puso, inilalagay ang buong pagtitiwala niya sa Panginoon. Ang kadakilaan ng kanyang tungkulin ay tumawag sa pinakamabuting paggamit ng kanyang isip. Pinagpala ng Panginoon ang pagiging handa niyang sumunod, at siya'y naging mahusay magsalita, puno ng pag-asa, mahinahon, at ganap na handa para sa pinakadakilang gawaing ipinagkaloob sa tao. Ito ang halim- bawa ng ginagawa ng Dios upang palakasin ang loob noong mga lubos na nagtitiwala sa Kanya at ibinibigay ang buong sarili sa Kanyang mga pag-uutos.MPMP 301.1
Ang tao ay nagkakaroon ng kapangyarihan at kahusayan samanta- lang tinatanggap niya ang mga tungkuling ibinibigay ng Dios sa kanya, at may pagsisikap ng buong kaluluwa niyang iniaangkop ang kanyang sarili upang magampanan ang mga iyon ng wasto. Gaano man kaaba ang kanyang kalagayan o gaano man kaunti ang kanyang kakayanan, ang taong iyon ay magkakaroon ng tunay na kadakilaan na, nagtitiwala, sa kapangyarihan ng Dios, at nagsisikap na gam- panan ang kanyang gawain na may pagtatapat. Kung si Moises ay nagtiwala sa sarili niyang lakas at karunungan, at tmanggap ng may pananabik ang dakilang utos, maaaring naihayag lamang ang kanyang pagiging di karapat-dapat sa gano'ng gawain. Ang katotohanan na nadadama ng isang tao ang kanyang kahinaan ay nagpapahayag ng ilang katibayan man lamang na nababatid niya ang kalawakan ng gawaing ipinagawa sa kanya, at kanyang gagawing tagapayo at kanyang kalakasan ang Dios.MPMP 301.2
Si Moises ay bumalik sa kanyang biyanang lalaki at inihayag ang kanyang pagnanais na madalaw ang kanyang mga kapatid sa Ehipto, ang pahintulot ni Jethro ay ipinagkaloob, kalakip ang kanyang bas- bas, “Yumaon kang payapa.” Kasama ang kanyang asawa at mga anak, si Moises ay nagsimula sa paglalakbay. Hindi niya pinanga- hasang ihayag ang layunin ng kanyang gagawin, baka hindi sila paya- gang sumama sa kanya. Bago nakarating sa Ehipto, gano'n pa man, ay inisip niyang higit na mabuti para sa kanilang kaligtasan ang pauwiin sila sa Madian.MPMP 301.3
Isang lihim na pagkatakot kay Faraon at sa mga Ehipcio, na galit ay napasa kanya apatnapung taon na ang nakalilipas, ay naging sanhi upang si Moises ay higit pang mag-atubiling bumalik sa Ehipto; subalit nang siya ay nagsimulang sumunod sa utos ng Dios, inihayag sa kanya ng Panginoon na ang kanyang mga kaaway ay patay na.MPMP 302.1
Sa daan mula sa Madian, si Moises ay tumanggap ng isang kakila- kilabot na babala tungkol sa galit ng Panginoon. Isang anghel ang napakita sa kanya sa isang paraang nangatatakot, na tila siya ay big- lang papatayin. Walang ano mang dahilang inihayag; subalit naala- ala ni Moises na mayroong isang utos ang Dios na kanyang binaliwa- la; dahil sa pagsunod sa pamimilit ng kanyang asawa, kinaligtaan niyang isakatuparan ang pagtutuli sa bunso nilang anak. Kinaligtaan niyang sumunod sa kundisyon upang ang kanyang anak ay makabi- lang sa pangako ng Dios sa Israel; at ang gano'ng pagsuway sa bahagi ng kanilang piniling pinuno ay makapagpahina sa puwersa ng utos ng Dios sa kanyang bayan, si Sephora naman sa pangambang baka mamatay ang kanyang asawa, ay isinagawa ang pagtutuli, at si Moises ay pinahintulutan ng anghel na magpatuloy sa kanyang paglalakbay. Sa layunin ng kanyang pagtungo kay Faraon, si Moises ay mapapala- gay sa isang napakamapanganib na kalagayan; ang kanyang buhay ay maaaring maligtas lamang sa pag-iingat ng mga banal na anghel. Subalit samantalang nabubuhay sa di pagsunod sa isang nalalamang tungkulin, siya ay hindi maaaring maging ligtas; sapagkat hindi siya maiingatan ng mga anghel ng Dios.MPMP 302.2
Sa panahon ng kapighatian bago dumating si Kristo, ang mga matuwid ay maiingatan dahil sa paglilingkod ng mga makalangit na mga anghel; subalit hindi maiingatan yaong nagwawalang halaga sa isa sa mga utos ng Dios.MPMP 302.3