Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Panimula

    Ang tomong ito ay tumatalakay sa mga paksa ng kasaysayan ng Biblia, mga paksang hindi bago sa kanilang sarili, subalit dito ay nailahad upang bigyan sila ng bagong kahulugan, naghahayag ng bukal ng pagkilos, nagpapakita ng mahahalagang kaugnayan ng ilang pagkilos, at nagdadala sa mas malakas na liwanag ng ilang maiikling tampok na nabanggit sa Biblia. Samakatuwid baga'y ang mga tagpo ay may mga kalinawan at kahalagahan na nauuwi sa paggawa ng bago at tumatagal na impresyon. Ang ganoong liwanag ay sumisinag sa talaan ng Kasulatan upang higit pang mahayag ang likas at layunin ng Dios; upang ihayag ang mga panlilinlang ni Satanas at ang mga paraang kung saan ang kanyang kapangyarihan ay malulupig sa kahuli-hulihan; upang maipakita ang kahinaan ng puso ng tao, at kung paanong ang biyaya ng Dios ay binibigyan ng kakayahan ang mga taong manlupig sa pakikipaglaban sa kasamaan. Lahat ng ito ay kasang-ayon ng layuning ipinakita ng Dios sa paglalantad sa mga tao ng mga katotohanan ng Kanyang salita. Ang ahensyang kung saan ang mga pagpapahayag na ito ay naibigay ay nakita—nang nasubok sa Kasulatan—upang maging isa sa mga paraan na ginagamit pa rin ng Dios upang turuan ang mga anak ng tao.MPMP 18.1

    Bagamat hindi na ngayon katulad noong sa pasimula, nang ang tao sa kanyang kabanalan at kawalang-sala ay mayroong personal na pag-aaral mula sa kanyang Manlalalang, hindi pa rin pinabayaan ang taong walang Banal na Tagapagturo na inilaan ng Dios na kakatawan sa Kanya, ang Espiritu Santo. Kaya nga ating narinig ang apostol Pablo na nagpapahayag na ang isang banal na “pagbibigay-liwanag” ay ang natatanging karapatan ng mga tagasunod ni Kristo; at nang sila ay “maliwanagan” sa pagiging “kabahagi ng Espiritu Santo.” Hebreo 10:32; 6:4. Sinasabi rin ni Juan, “Kayo'y may pahid ng Banal.” 1 Juan 2:20. At si Kristo ay pinangakuan ang mga alagad, nang Siya ay malapit na silang iwanan, na susuguin Niya sa kanila ang Espiritu Santo bilang Taga-aliw at Taga-akay na magtuturo sa kanila ng lahat ng katotohanan. Juan 14:16, 26.MPMP 18.2

    Upang maipakita kung paanong maisasakatuparan ang pangakong ito sa iglesia, si apostol Pablo, sa dalawa sa kanyang mga sulat, ay pormal na nagpapahayag na may ilang mga kaloob ng Espiritu ang napasa iglesia para sa pagtuturo dito hanggang sa katapusan ng panahon. 1 Corinto 12; Efeso 4:8-13; Mateo 28:20. Ni ang lahat ng ito: maraming maliwanag na maliwanag na mga hula ang nagpapahayag na sa mga huling araw ay magkakaroon ng natatanging pagbuhos ng Espiritu Santo, at ang iglesia sa panahon ng pagpa-pakita ni Kristo ay magkakaroon, sa pagsasara ng karanasan niyon, ng “patotoo ni Kristo,” ang espiritu ng hula. Gawa 2:17-20, 39; 1 Corinto 1:7; Apocalipsis 12:17; 19:10. Sa mga puntong ito nakikita natin ang katibayan ng pagpatnubay at pag-ibig ng Dios para sa Kanyang bayan; sapagkat ang presensya ng Espiritu Santo bilang Mang-aaliw, Tagapagturo, at Taga-akay, hindi lamang sa karaniwan kundi higit pa sa karaniwan nitong, mga paraan ng paggawa, ang talagang kinakailangan sa iglesia habang ito ay pumapasok sa mga panganib ng mga huling araw, higit pa sa kahit anong bahagi ng karanasan nito.MPMP 19.1

    Ang mga Kasulatan ay nagtuturo ng iba't ibang daluyang kung saan ang Espiritu Santo ay gagawa sa mga puso at isipan ng mga tao upang bigyang liwanag ang kanilang pang-unawa at patnubayan ang kanilang mga hakbang. Ang ilan sa mga ito ay mga pangitain at panaginip. Sa ganitong paraan ang Dios ay makikipag-ugnayan pa rin sa mga anak ng mga tao. Narito ang Kanyang pangako sa puntong ito: “Dinggin ninyo ngayon ang Aking mga salita: Kung mayroon sa gitna ninyo na iisang propeta, Akong Panginoon ay pakikilala sa kanya sa pangitain, na kakausapin Ko siya sa panaginip.” Bilang 12:6. Sa ganitong mga paraan ang kahima-himalang kaalaman ay naipahatid kay Balaam. Sa gayon ay Kanyang sinabi: “Nagsabi si Balaam na anak ni Beor, at ang lalaking napikit ang mata ay nagsabi; siya'y nag-sabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios, at nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan, na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, na nalulugmok at nakadilat ang Kanyang mga mata.” Bilang 24:15-16.MPMP 19.2

    Samakatuwid ito ay nagiging isang bagay na may malaking pagka- gustong suriin ang patotoo ng Kasulatan ukol sa kalawakang kung saan ang Panginoon ay pinanukalang ang Espiritu ay dapat ihayag ang Sarili nito sa iglesia sa loob ng panahon ng pagsubok sa tao.MPMP 19.3

    Matapos bumalangkas ng panukala ng kaligtasan, ang Dios, gaya ng nakita natin, sa pamamagitan ng ministeryo ng Kanyang Anak at ng mga banal na anghel, ay makikipagsalitaan pa sa mga tao sa kabila ng look na ginawa ng kasalanan. Minsan ay nakipag-usap Siya sa kanila ng mukhaan, gaya nang sa katayuan ni Moises, ngunit mas madalas ay sa panaginip at pangitain. Ang mga halimbawa ng ganoong palakipag-usap ay tanyag kahit saan sa banal na talaan, sakop ang lahat na kapamahalaan. Si Enoc na ikapito mula kay Adan ay tumanaw sa hinaharap sa pamamagitan ng espiritu ng hula sa ikalawang pagparito ni Kristo sa kapangyarihan at kaluwalhatian, at nagbulalas, “Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang Kanyang mga laksa-laksang banal.” Judas 14. “Ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.” 2 Pedro 1:21. Kung ang paggawa ng espiritu ng hula ay mayroong mga panahong tila halos mawala na, habang ang espirituwalidad ng tao ay humihina, gayunman natatakan nito ang lahat ng malalaking krisis sa karanasan ng iglesia, at ang mga panahong nakasaksi ng pagbabago mula sa isa hanggang sa isa na namang pamamahala. Nang ang panahong natatakan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ni Kristo ay naabot, ang ama ni Juan Bautista ay napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula. Lucas 1:67. Kay Simon ay naipahayag na hindi siya dapat mamatay hanggang sa maldta niya ang Panginoon; at nang ang mga magulang ni Jesus ay dinala Siya sa templo upang Siya ay maitalaga, si Simon ay dumating sa Espiritu sa templo, kinalong Siya sa kanyang mga bisig, at pinagpala Siya habang siya ay nanghuhula ukol sa Kanya. At si Ana, isang babaeng propeta, dumarating sa ganoon ding sandali, ay nagsalita tungkol sa Kanya sa lahat nilang tumanaw sa pagtubos sa Jerusalem. Lucas 2:26, 36.MPMP 20.1

    Ang pagbuhos ng Espiritu Santo na mag-aasikaso sa pagtuturo ng ebanghelyo ng mga tagasunod ni Kristo ay naipahayag ng propeta sa ganitong mga salita: “At mangyari pagkatapos, na ibubuhos Ko ang Aking Espiritu sa lahat ng laman: at ang inyong mga anak na lalaki at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain: at sa mga lingkod na lalaki at babae naman ay ibubuhos Ko sa mga araw na yaon ang Aking Espiritu.MPMP 20.2

    At Ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na ka- arawan ng Panginoon.” Joel 2:28-31.MPMP 21.1

    Si Pedro sa araw ng Pentecostes, ay sinipi ang hulang ito sa pag- papaliwanag ng kamangha-manghang tagpo na noon ay naganap. Ang mga apoy na kawangis ng dila ay dumapo sa bawat alagad; sila ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nagsalita sa iba't ibang wika. At nang ang mga mapangutya ay pinaratangan silang nakainom ng bagong alak, si Pedro ay sumagot, “Ang mga ito'y hindi lasing, na gaya ng inyong akala; yamang ngayo'y oras na ikatlo lamang ng araw; datapuwat ito'y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel.” At sinipi niya ang kabuuan ng hulang gaya ng makikita sa Joel (sinipi sa itaas), kaya lang ay inilalagay niya ang mga salitang, “sa mga huling araw,” sa lugar ng “pagkatapos,” na naging, “At mang- yayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, na ibubuhos Ko ang Aking Espiritu,” at iba pa.MPMP 21.2

    Malinaw na iyon ay bahagi lamang ng hula na nagsasaysay ng pagbuhos ng Espiritu, na nagsimulang maganap nang araw na yaon; sapagkat walang matanda doon na nananaginip ng mga panaginip, ni mga batang lalaki at babae na nakakakita ng mga pangitain at nang- huhula; at walang mga kababalaghan ng dugo at apoy at mga haligi ng usok na nakita; at ang araw ay hindi nagdilim at ang buwan ay hindi naging dugo sa panahong iyon; gayon pa man ang mga nasaksihan doon ay nasa kaganapan ng hula ni Joel. Parehong malinaw na ang bahagi ng hula tungkol sa pagbuhos ng Espiritu ay hindi naubos sa ganoong isang pagpapakita; sapagkat ang hula ay sinasakop ang lahat ng araw mula noong panahong iyon hanggang sa pagdating ng dakilang araw ng Panginoon.MPMP 21.3

    Subalit ang Araw ng Pentecostes ay nasa kaganapan ng iba pang mga hula bukod noong kay Joel. Ang mga salita ni Kristo ay naganap din noon. Sa Kanyang huling pakikipagpanayam sa Kanyang mga alagad bago pa Siya ipako, Siya ay nagsabi sa kanila: “Ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan Niya ng ibang Mang-aaliw, ... sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan.” Juan 14:16, 17. “Datapuwat ang Mang-aaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay.” Talatang 26. “Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan.” Kapitulo 16:13. At matapos na si Kristo ay bumangon mula sa mga patay, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad, “Narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako ng Aking Ama, datapuwat mag- sipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo'y masangkapan ng kapang- yarihang galing sa itaas.” Lucas 24:49.MPMP 21.4

    Sa Araw ng Pentecostes ang mga alagad kung gayon ay napag- kalooban ng kapangyarihang mula sa itaas. Subalit ang pangakong ito ni Kristo ay hindi, higit pa kaysa sa hula ni Joel, doon lang sa pagkakataong iyon. Sapagkat nagbigay din Siya sa kanila ng ganoong pangako sa ibang paraan sa pagbibigay ng kasiguruhan sa kanila na Siya ay sasa kanilang palagi, hanggang sa katapusan ng sanlibutan. Mateo 28:20. Si Marcos ay sinasabihan tayo kung sa paanong diwa at paraan ang Panginoon ay sasama sa kanila. Siya ay nagsasabing, “At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatotohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.” Marcos 16:20. At si Pedro, sa Araw ng Pentecostes, ay nagpatotoo ukol sa pagpapatuloy ng gawaing ito ng Espiritu na kanilang nasaksihan. Nang ang mga naniniwalang mga Hudyo ay sinabi sa mga apostol, “Anong gagawin namin?” Si Pedro ay sumagot, “Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Kristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. Sapagkat inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa Kanya.” Gawa 2:37-39. Ito ay talagang naglalaan para sa gawain ng Espiritu Santo sa iglesia, maging sa natatanging pagpa- pahayag nito, sa lahat ng panahong darating, hanggat ang kahabagan ay mag-aanyaya sa mga taong tanggapin ang mapagpatawad na pag-ibig ni Kristo.MPMP 22.1

    Paglipas ng dalawampu't walong taon sa kanyang sulat sa mga taga Corinto, nag-umpisa si Pablo sa iglesiang iyon ng isang por- mal na pagpapaliwanag sa tanong. Sinasabi niya (1 Corinto 12:1), “Ngayon tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam”—napaka halagang kanyang minabuti iyon nang ang paksang ito ay maintindihan sa Kristianong iglesia. Matapos mabanggit na bagaman ang Espiritu ay iisa iyon ay may iba-ibang paggawa, at sa pagpapaliwanag kung anu-ano ang pagkakaibang iyon, ipinakikilala niya ang katawan ng tao, kasama ang sari-saring mga kaanib nito, upang ipakita kung paanong nabuo ang iglesia sa iba't ibang mga katungkulan at handog nito. At samantalang ang katawan ay mayroong iba't ibang mga kaanib, bawat isa ay may kanya-kanyang katungkulan na gagampanan, at ang lahat ay gagawang sama-sama sa iisang pakay para bumuo ng isang nagkakasundong kabuuan, gayon din ang Espiritu ay gagawa sa iba't ibang paraan sa iglesia para makabuo ng sakdal na relihiyosong kapulungan. At si Pablo sa nagpatuloy sa mga salitang ito: “At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikado'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala at iba't ibang mga wika.”MPMP 22.2

    Ang pagpapahayag ng Dios na sinimulan sa ilan sa simbahan, at iba pa, ay nagpapahiwatig ng ilang mga bagay na mas higit pa na ang daan ay naiwang bukas para sa paglabas ng mga kaloob kung magkakataong sumang-ayon ang mga pangyayari. Ito ay nangangahulugang sila ay dapat maging permanenteng mga bahagi ng tunay na espirituwal na kabuuan ng iglesia, at nang kung ang mga ito ay hindi masigasig sa paggawa ang iglesia ay malalagay sa katayuan ng katawan ng tao, ang ilan kung saan ang mga kaanib, sa pamamagitan ng aksidente o sakit, ay nagiging lumpo at mahina. Naumpisahang minsan sa iglesia, doon ang mga handog na ito ay dapat na manatili hanggang sila ay ganap na maalis. Ngunit walang tala na sila ay naalis.MPMP 23.1

    Pagkalipas ng limang taon, siyang apostol din ay sumulat sa mga taga Efeso na nauugnay din sa ganoong mga handog, malinaw na binabanggit ang kanilang adhikain, at sa gayo'y hindi ipinakikitang tuwiran na dapat silang magpatuloy hanggang sa maganap ang kanilang nilalayon. Wika niya (Efeso 4:8, 11-13): “Kaya't sinasabi Niya, Nang umakyat Siya sa itaas ay dinala Niyang bihag ang pagkakabihag, at nagbigay ng kaloob sa mga tao... at pinagkalooban Niya ang iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y mga propeta; at ang mga iba'y ebanghelista; at ang iba'y mga pastor at mga guro; sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing pagliling- kod sa ikatitibay ng katawan ni Kristo: hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat na pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo.”MPMP 23.2

    Ang iglesia ay hindi umabot sa pagkakaisang binalak dito, sa panahon ng mga apostol; at hindi nagtagal pagkalipas ng panahong iyon, ang malaking espirituwal na pagtalikod sa Dios ay nagsimulang padilimin ang iglesia; at talagang nang panahong iyon ng paghina, ang kaganapang ito ni Kristo, at pagkakaisa sa pananampalataya, ay hindi naabot. Ni maaabot hanggang sa ang huling mensahe ng kahabagan ay matipon ang bawat kaanak at tao, katayuan sa lipunan, at samahan ng kamalian, isang bayang ganap sa lahat ng pagbabago sa ebanghelyo, na naghihintay sa pagdating ng Anak ng tao. At totoong, kung sa kanyang karanasan ang iglesia ay kakailanganing pakinabangan ang bawat ahensyang naatasan para sa kanyang kaaliwan at gabay, pampalakas-loob at pag-iingat, ito ay malalagay sa gitna ng panganib ng mga huling araw, kapag ang kapangyarihan ng kasamaan, bihasang naging ganap sa karanasan at pagsasanay para sa kanilang karumal-dumal na gawain, sa pamamagitan ng kanilang pinaka mahusay na pagpapanggap, ay makapanlilinlang kung posible maging ng hinirang. Kung magkagayon, tama lamang na lumapit sa mga natatanging hula ng pagbubuhos ng Espiritu para sa kapakinabangan ng iglesia sa mga huling araw.MPMP 24.1

    Gayon pa man, iyon ay madalas na naituturo, sa kasalukuyang panitikan ng Kristianong mundo, na ang mga kaloob ng Espiritu ay para lamang sa panahon ng mga apostol; na binigyan lamang sila para sa pagtatanim ng ebanghelyo; at nang ang ebanghelyong minsan ay itinatag, ang mga kaloob ay hindi na kinailangan, at ang bunga sa di katagalan ay pinagdusahan para mawala sa iglesia. Subalit ang apostol Pablo ay binabalaan ang mga Kristiano ng kanyang araw na ang “misteryo ng kasalanan” ay gumagawa na, at pagkaalis niya, ang mga ganid na lobo ay magsisipasok sa kanila, na hindi mangagpapatawad sa kawan, magsisilitaw sa mga kasamahan din nila, ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan. Gawa 20:29, 30. Kung gayon ang mga kaloob pala, na nailagay sa iglesia para magbantay laban sa napaka sasamang ito, ay hindi handa, nang dumating ang panahong iyon, para lumipas na tila natapos ang kanilang layunin; sapagkat ang kanilang presensya at tulong ay kakailanganin sa ilalim ng ganitong mga kalagayan higit kaysa nang ang mga apostol mismo ay nasa hakbang ng pagkilos.MPMP 24.2

    Makikita natin ang isa pang pahayag ni Pablo sa sulat niya sa iglesia ng Corinto, na nagpapakita na ang laganap na kuro-kuro ng pansamantalang pagpapatuloy ng mga kaloob ay maaaring hindi wasto. Iyon ang kanyang paghahambing ng pangkasalukuyang, di-sakdal na kalagayan, at ng maluwalhating, walang kamatayang kalagayang kung saan ang Kristiano sa kahuli-hulihan ay hahantong. 1 Corinto 13. Wika niya (mga talatang 9, 10), “Sapagkat nangakikilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya; Datapuwat kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos.” Inilalarawan pa niya itong kasalukuyang katayuan sa paghahambing niyon sa panahon ng kabataan sama ang kahinaan at pagkabata-bata ng pag-iisip at kilos niyon; at ang kalagayang sakdal, hanggang sa kahustuhang-gulang sama ang mas malinaw na pananaw, hustong pag-iisip, at kalakasan. At kanyang binubukod ang mga kaloob sa mga bagay na yaon na kailangan sa ganitong kasalukuyan, di-sakdal na kalagayan, subalit mawawalan tayo ng pagkakataon kapag ang katayuang sakdal ay dumating. “Ngayo'y,” sinabi niya (talatang 12), “malabo tayong nakakakita ng isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, ngunit pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakakilala sa akin.” Pagkatapos ay sinabi niya kung anong mga biyaya ang naangkop sa pangwalang hanggang kalagayan at doon ay magkakaroon ng, tinatawag na pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, “ang tatlong ito, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.”MPMP 25.1

    Ito ay ipinapaliwanag ang wika ng talatang 8: “Ang pag-ibig ay hindi nagkukulang kailan man;” iyon ay, pag-ibig, ang makalangit na biyaya ng pag-ibig, ay magtatagal magpakailan pa man; iyon ang nagpuputong na kaluwalhatiang hinaharap ng tao, kalagayang walang kamatayan; datapuwat “kahit maging mga hula, ay mangatatapos;” iyon ay, darating ang panahon na ang mga hula ay di na kakailanganin pa, at ang kaloob ng hula, na isa sa mga tulong sa iglesia, ay hindi na maisasagawa pa; “maging mga wika ay titigil;” iyon ay, ang mga kaloob ng mga wika ay hindi na magagamit pa; “maging kaalaman ay mawawala;” iyon ay, kaalaman, hindi pahalaw, kundi isa sa mga nata- tanging kaloob ng Espiritu, mabibigay na di kailangan ng kaalamang sakdal na ipagkakaloob sa atin sa walang hanggang mundo.MPMP 25.2

    Ngayon, kung tatanggapin natin ang paniniwalang ang mga kaloob ay tumigil sa panahon ng mga apostol, sapagkat hindi na kailangan pa, inilalagay natin ang ating mga sarili sa paniniwalang ang panahon ng mga apostol ay mahina at ang bata-batang panahon ng iglesia, nang ang lahat ay nakakitang malabo sa salamin; datapuwat ang panahong sumunod, nang ang mga ganid na lobo ay magsisipasok, na hindi mangagpapatawad sa kawan at magsisilitaw, maging sa iglesia, na mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan, ay isang panahon ng sakdal na liwanag at kaalaman, na kung saan ang di sakdal at pagkabata-bata at malabong kaalaman nang mga panahon ng mga apostol ay napawi na! Sapagkat, kung alalahanin iyon, ang mga kaloob ay humihinto lamang kapag ang kalagayang sakdal ay naabot na, at dahilan yaong kalagayan ay naabot na, na hindi na kakailanganing ibigay pa sa kanila. Ngunit wala ni isa, sa maliwanag na kaisipan, ang makapagsasaliksik sa isang sandali para panatilihin ang paniniwalang ang panahon ng mga apostol ay mas nakakababa sa espirituwalidad kaysa mga panahong sumunod doon. At kung ang mga kaloob ay Idnailangan noon, ang mga iyon ay tunay na kailangan ngayon.MPMP 26.1

    Sa mga ahensyang isa-isang binanggit ng mga apostol sa kanyang mga sulat sa mga taga Corinto at mga taga Efeso bilang “mga kaloob” na nalagay sa iglesia, makikita nating ang “mga pastor,” “mga guro,” “mga tulong,” at “mga pamamahala;” at ang lahat ng mga ito ay tinatanggap na nagpapatuloy pa rin sa iglesia. Bakit hindi, kung gayon, ang iba man, kasama ang pananampalataya, panggagamot, panghuhula, at iba pa? Sinong makakaguhit ng linya, at makapagsasabi kung anong mga kaloob ang “nagmula” sa iglesia, kung ang lahat, sa pasimula, ay pare-parehong “inilagay” doon?MPMP 26.2

    Ang Apocalipsis 12:17 ay nabanggit bilang isang hula na ang mga kaloob ay babalik sa mga huling araw. Ang pagsusulisit ng mga patotoo niyon ay patitibayin ang pananaw na ito. Ang talata ay nagsa- salita tungkol sa nalabi ng binhi ng babae. Ang babae ay kumakatawan sa iglesia, ang kanyang binhi ay ang magiging mga kaanib na bumubuo ng iglesia sa kahit isang panahon; at ang “labi” ng kanyang binhi ang magiging huling saling-lahi ng mga Kristiano, o yaong mga namu- muhay sa lupa sa ikalawang pagparito ni Kristo. Sa patuloy, ang talata ay naghahayag na ang mga ito ang “siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at may patotoo ni Jesus,” at ang “patotoo ni Jesus” ay ipinaliwanag sa kapitulo 19:10 na siyang “espiritu ng hula,” na dapat maunawaang siyang kasama sa mga kaloob ay tinatawag na “kaloob ng hula.” 1 Corinto 12:9, 10.MPMP 26.3

    Ang kinalalagyan ng mga kaloob sa iglesia ay hindi nagpapahiwatig na ang bawat isa ay dapat yaong gamitin. Sa puntong ito ang apostol (1 Corinto 12:29) ay nagsasabing, “Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro?” at iba pa. Ang pagpa- kahulugang tugon ay Hindi; hindi ang lahat; kundi ang mga kaloob ay binaha-bahagi sa mga kaanib sang-ayon sa ikalulugod ng Dios. 1 Corinto 12:7, 11. Gayon pa man ang mga kaloob na ito ay nasabing “nalagay sa iglesia,” at kung ang isang kaloob ay naipagkaloob sa bawat isang kaanib ng iglesia, maaaring masabing ang kaloob ay “nasa iglesia,” o ang iglesiang yaon ay pinaniniwalaang mayroon na ngayong patotoo ni Jesus, o kaloob ng hula.MPMP 27.1

    Ang isa pang bahagi ng Kasulatan na malinaw na nasulat na may pagtukoy sa mga huling araw, ay nagdadala ng ganoon ding kato- tohanang malinaw kung titingnan. 1 Tesalonica 5. Ang apostol ay binubuksan ang kapitulo ng ganitong mga salita: “Datapuwat tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anuman. Sapagkat kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi.” Sa talatang 4 ay nagdadagdag siya, “Ngunit kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw.” At siya ay binibigyan sila ng sari-saring mga babala sa pagtanaw sa pangyayaring yaon, ang ilan sa mga iyon ay ang mga ito (mga talatang 19-21): “Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu; Huwag ninyong hamakin ang panghuhula; subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti.” At sa talatang 23 ay dumadalangin siyang ang mga tao mismong ito na sa gayo'y magkakaroon ng kaug- nayan sa, “mga panghuhula” ay maaaring mapanatiling walang kasa- lanan hanggang sa pagdating ng Panginoon.MPMP 27.2

    Sa lakas ng mga kaisipang ito hindi baga tayo maaaring ganap sa paniniwala na ang kaloob ng hula ay maipapahayag sa iglesia sa mga huling araw, at nang sa pamamagitan niyon higit na liwanag at napa- panahong aral ang maibibigay?MPMP 27.3

    Lahat ng bagay ay marapat pakitunguhan sang-ayon sa pamumuno ng apostol: “Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;” at subukan sa pamantayan ng Manliligtas: “Sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila” Sa pagbatay sa pamantayang ito sa kapakanan ng mga salaysay na magiging isang pagpapahayag ng kaloob ng hula, inirerekomenda namin ang tomong ito alang-alang sa mga naniniwalang ang Biblia ay salita ng Dios, at ang iglesia ay ang katawan na ang ulo ay si Kristo.MPMP 27.4

    Uriah Smith

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents