Kabanata 31—Ang Kasalanan ni Nadab at ni Abihu
.
Matapos maitalaga ang tabernakulo, ang mga saserdote ay itinala- ga sa kanilang banal na gawain. Ang mga paglilingkod na ito ay gumugol ng pitong araw, na ang bawat araw ay may natatanging seremonya. Nang ika-walong araw sila ay pumasok sa kanilang pangangasiwa. Tinulungan ng kanyang mga anak, si Aaron ay nag- handog ng hain na ipinag-utos ng Panginoon, at kanyang itinaas ang kanyang mga kamay at binasbasan ang bayan. Ang lahat ay isinagawa ayon sa ipinag-utos ng Panginoon, at Kanyang tinanggap ang hain, at ipinahayag ang Kanyang kaluwalhatian sa isang kapansin-pansing paraan; ang apoy ay dumating mula sa Panginoon at tinupok ang hain sa dambana. Minasdan ng bayan ang kahanga-hangang pagpapahayag na ito ng kapangyarihan ng Dios na may pagkamangha at matamang pagmamasid. Nakita nila doon ang isang tanda ng kaluwalhatian at kaluguran ng Dios, at sila'y nagtaas ng isang pang- sangsinukob na sigaw ng pagpuri at paghanga at isinubsob ang kanilang mga mukha na tila malapit sila sa presensya ni Jehova.MPMP 423.1
Subalit di nagtagal, matapos iyon isang bigla at kakilakilabot na sakuna ang naganap sa pamilya ng punong saserdote. Sa panahon ng pagsamba, samantalang ang mga dalangin at papuri ng bayan ay umaakyat sa Dios, dalawa sa mga anak ni Aaron ang kapwa kinuha ang kanilang suuban at nagsunog ng mabangong kamangyan doon, upang umakyat bilang mabangong samyo sa harap ng Panginoon. Subalit sinuway nila ang Kanyang utos sa pamamagitan ng paggamit ng “ibang apoy.” Sa pagsusunog ng kamangyan ay kumuha sila ng pangkaraniwan sa halip na banal na apoy na ang Dios mismo ang nagsindi, na Kanyang iniutos na gamitin sa layuning ito. Para sa kasalanang ito isang apoy ang lumabas mula sa Panginoon at tinupok sila sa paningin ng bayan.MPMP 423.2
Sunod kay Moises at Aaron, si Nadab at si Abihu ay tumindig na pinakamataas sa Israel. Sila'y bukod tanging pinarangalan ng Panginoon, na pinahintulutan kasama ng pitumpung matatanda upang makita ang Kanyang kaluwalhatian sa bundok. Subalit ang kanilang kasalanan ay hindi dapat palampasin at maliitin. Ang lahat ng ito ang nagpaging malala sa kanilang kasalanan. Sapagkat ang tao ay tumang- gap ng malaking liwanag, sapagkat, tulad sa mga prinsipe ng Israel, sila ay pumanhik sa bundok, at naging mapalad upang makipag- ugnayan sa Dios, at tumahan sa liwanag ng Kanyang kaluwalhatian, hindi nila dapat linlangin ang kanilang mga sarili na matapos iyon ay maaari silang magkasala na hindi pinarurusahan, na sapagkat sila'y pinarangalan ng gano'n na lamang, na ang Dios ay hindi magiging mahigpit sa pagpaparusa sa kanilang kasalanan. Ito ay isang naka- mamatay na pagkalinlang. Ang dakilang liwanag o ang mga karapa- tan na ipinagkaloob ay kinakailangang magsauli ng kabutihan at kabanalan ayon sa liwanag na ipinagkaloob. Ang ano mang kulang dito, ay hindi maaaring tanggapin ng Dios. Ang malaking mga pag- papala at mga karapatan ay di kailanman kailangang umindayog sa kapanatagan o pagka walang bahala. Di iyon kailanman kinakailangang maging lisensya upang gumawa ng kasalanan o maging sanhi upang ang tumanggap nito ay makadama na ang Dios ay magiging maluwag sa kanila. Ang lahat ng kahigitang ipinagkaloob ng Dios ay Kanyang mga kaparaanan upang maghatid ng kasiglahan sa espiritu, kasigasigan sa paggawa, at lakas sa pagsasakatuparan ng Kanyang banal na kalooban.MPMP 423.3
Si Nadab at si Abihu sa kanilang kabataan ay di nasanay sa mga kaugalian ng pagiging mapagpigil sa sarili. Ang disposisyon ng ama na madaling sumang-ayon, ang kanyang kakulangan ng paninindi- gan sa tama, ay umakay sa kanya upang kaligtaan ang pagdidisiplina sa kanyang mga anak. Ang kanyang mga anak ay pinahintulutan upang sundin ang layaw. Ang mga kaugalian ng pagpapasasa sa sarili, na matagal na ltinawilihan, ay nagkaroon ng kontrol sa kanila na maging ang responsibilidad ng pinakamahalang tungkulin ay di nagkaroon ng kapangyarihan upang supilin. Sila ay di naturuang igalang ang pamamahala ng kanilang ama, at di sila nakadama ng panganga- ilangang sundin ng lubos ang mga utos ng Dios. Ang nagkamaling pagbibigay laya ni Aaron sa kanyang mga anak ang naghanda sa kanila upang mapag-ukulan ng mga hatol ng Dios.MPMP 424.1
Layunin ng Dios na turuan ang Kanyang bayan na kinakailangang lapitan Siya na may paggalang at pagkamangha, at sa sarili Niyang itinakdang paraan. Hindi Niya maaaring tanggapin ang kapirasong pagsunod. Hindi sapat na sa banal na panahong ito ng pagsamba na halos ang lahat ay ginawa ayon sa Kanyang ipinag-utos. Ang Dios ay nagbitiw ng sumpa para doon sa mga humihiwalay sa Kanyang kautusan, at di naglalagay ng pagkakaiba sa pangkaraniwan at sa banal na mga bagay. Kanyang ipinahayag sa pamamagitan ng propeta: “Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim!...Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata, at mabait sa kanilang sariling paningin!...Na nagsisiaring ganap sa masama dahil sa suhol, at inaalis ang katuwiran ng matuwid!...Kanilang itinakwil ang kautusan ng Panginoon ng mga hukbo, at hinamak ang salita ng Banal na Israel.” Isaias 5:20-24. “Huwag dayain ninoman ang kanyang sarili sa paniniwala na ang isang bahagi ng kautusan ng Dios ay di mahalaga, o Siya ay tatanggap ng pangpalit sa Kanyang iniutos. Wika ng pro- petang Jeremias, Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?” Panaghoy 3:37. Ang Dios ay di naglagay sa Kanyang utos na maaaring sundin o suwayin ng tao ayon sa kagustu- han at di pagdusahan ang ibubunga noon. Kung ang tao ay pipili ng ibang landas sa mahigpit na pagsunod, kanilang masusumpungan na “ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.” Kawikaan 14:12.MPMP 424.2
“At sinabi ni Moises kay Aaron, at kay Eleazar at kay Itamar na kanyang mga anak, Huwag ninyong ilugay ang buhok ng inyong ulo, o hapakin man ninyo ng inyong bihisan; upang huwag kayong mamatay,...sapagkat ang langis na pangpahid ng Panginoon ay nasa ulo ninyo.” Ipinaalaala ng dakilang pinuno sa kanyang kapatid ang sinabi ng Dios, “Ako'y babanalin ng mga lumalapit sa Akin, at sa harap ng buong bayan ay luluwalhatiin Ako.” Si Aaron ay tumahimik. Ang pagkamatay ng kanyang mga anak, namatay ng walang babala, sa isang kilabot na kasalanan—isang kasalanan na kanya ngayong nakita na bunga ng sarili niyang pagpapabaya sa kanyang tungku- lin—pumiga ng pamimighati sa puso ng ama, subalit hindi niya binigyan ng pagpapahayag ang kanyang mga nadadama. Di dapat mahayag sa anumang pagpapahayag ng kalungkutan na tila siya ay nakikibahagi sa kasalanan. Ang kapisanan ay di dapat maakay sa pagmumukmok laban sa Dios.MPMP 425.1
Nais ng Panginoong turuan ang Kanyang bayan upang kilalanin ang katarungan ng Kanyang pagtutuwid, upang ang iba ay magka- roon ng takot. Mayroon noon sa Israel na ang babala ng kilabot na kahatulang ito ay makapagliligtas sa kanila mula sa pagsasamantala sa pagkamapagpasensyya ng Dios hanggang sa sila, rin, ay makapagta- tak sa sarili nilang kahahantungan.Ang sumbat ng Dios ay nasa huwad na pakikiramay sa nagkasala na nagsisikap baliwalain ang kanyang kasalanan. Epekto ng kasalanan ang patayin ang moralidad, hanggang sa di na madama ng guma-gawa ng kasalanan ang kasamaan ng kanyang pagsalangsang, at kung wala ang nangungusap na kapang- yarihan ng Banal na Espiritu siya ay mananatili sa isang antas ng pagkabulag sa kanyang kasalanan. Tungkulin ng mga lingkod ni Kristo ang ipakita sa mga nagkakasalang ito ang kanilang kapaha- makan. Yaong mga sumisira sa bisa ng babala sa pamamagitan ng pagbulag sa mga mata ng nagkakasala ay malimit na dinadaya ang kanilang sarili na sa pamamagitan noon sila ay gumagawa ng mabuti; subalit sila ay sumasalungat at humahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu ng Dios; kanilang iniindayog ang nagkakasala upang maka- tulog sa bingit ng kapahamakan; ginagawa nilang kabahagi ang kanilang mga sarili sa kanyang kasalanan at humahawak sa isang nakakatakot na responsibilidad sa di niya pagsisisi. Maraming-marami ang nahulog sa kapahamakan bunga ng mali at nakakalinlang na pakikiramay na ito.MPMP 425.2
Si Nadab at si Abihu ay hindi sana nakagawa ng ganoong na- kakamatay na kasalanan kung hindi sila nalasing sa pag-inom ng alak. Alam nila na ang pinakamaingat at solemneng paghahanda ay kailangan bago ihayag ang kanilang sarili sa santuwario, kung saan ang pakikiharap ng Dios ay nahahayag; subalit dahil sa kawalan ng pagtitimpi sila ay naging di karapat-dapat sa kanilang banal na tungkulin. Ang kanilang mga kaisipan ay nalito at ang kanilang moralidad ay pinapurol upang di nila makita ang pagkakaiba ng banal at ng pangkaraniwan. Kay Aaron at sa kanyang naiwang mga anak ay ibini- gay ang babala: “Huwag iinom ng alak o ng matapang na inumin man, ikaw o ang iyong mga anak man, pagka kayo'y papasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang kayo'y huwag mamatay: magiging palatuntunang walang hanggan sa buong panahon ng inyong mga lahi: at upang inyong malagyan ng pagkakaiba ang banal at ang karaniwan, at ang karumaldumal at ang malinis; at upang inyong maituro sa mga anak ni Israel ang lahat ng palatuntunang sa kanila'y sinalita ng Panginoon.” Ang pag-inom ng alak ay may epektong nakapagpapahina ng katawan, nakapagpapalito sa kaisipan, at naka- pagpapababa ng moralidad. Inilalayo nito ang tao mula sa pagkakila- la ng kabanalan ng mga banal na bagay o sa bisa ng mga utos ng Dios. Ang lahat ng mayroong banal na tungkulin ay kinakailangang maging mahigpit sa pagtitimpi, upang ang kanilang kaisipan ay maging malinaw sa pagbubukod ng mabuti sa masama, at upang sila ay magkaroon ng katatagan sa prinsipyo, at karunungan upang maka- paglapat ng katarungan at makapagpakita ng kaawaan.MPMP 426.1
Ang gano'n ding obligasyon ay taglay ng bawat tagasunod ni Kristo. Pahayag ni apostol Pedro, “Kayo'y isang lahing hirang, isang maka- haring pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios.” 1 Pedro 2:9. Tayo ay inuutusan ng Dios na ingatan ang bawat kapangyarihan upang mapasa pinakamabuting kalagayan, upang tayo ay makapagkaloob ng isang katanggap-tanggap na paglilingkod sa ating Manlalalang. Kapag ang nakalalasing ay ininom, ang gano'n ding bunga ay nangyayari gaya ng nangyari sa mga saserdote ng Israel. Ang konsensya ay nawawalan ng pagkadama ng kasalanan, at nagkakaroon ng pagkamatigas sa kasalanan na tiyak na nangyayari, hanggang sa ang pangkaraniwan at ang banal ay nawawalan ng lahat ng pagkakaiba. Kaya't paano natin maaabot ang pamantayan ng mga utos ng Dios? “O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili; sapagkat kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.” 1 Corinto 6:19, 20. “Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man, o ano man ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.” 1 Corinto 10:31. Sa iglesia ni Kristo sa lahat ng kapa- nahunan ay pinararating ang solemne at kilabot na babala, “Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagkat ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.” 1 Corinto 3:17.MPMP 427.1