Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 36—Sa Ilang

    Sa halos apatnapung taon ang mga Israelita ay napatago sa ilang. “At ang mga araw,” wika ni Moises, “na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnes hanggang sa tayo'y makarating sa batis ng Zered, ay tatlumpu't walong taon; hanggang sa mga buong lahi ng mga lalaking mandidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isi- numpa sa kanila ng Panginoon. Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.” Deuteronomio 2:14, 15.MPMP 479.1

    Sa loob ng mga taong yaon ang mga tao ay patuloy na pinaalala- hanang sila ay nasa ilalim ng galit ng Dios. Sa panghihimagsik sa Cades ay kanilang inayawan ang Dios, at ang Dios, sa panahong iyon, ay inayawan sila. Sapagkat sila ay naging hindi tapat sa Kanyang tipan, hindi sila maaaring tumanggap ng tanda ng tipan, ang tanda ng pagtutuli. Ang kanilang pagnanasang bumalik sa lupain ng pagkaalipin ay nagpakitang sila ay hindi karapat-dapat magkaroon ng kalayaan, at ang seremonya ng Paskua, na itinatag upang alala- hanin ang pagkaligtas mula sa pagkaalipin, ay hindi kinakailangang isagawa.MPMP 479.2

    Gano'n pa man ang pagpapatuloy ng serbisyo sa tabernakulo ay nagpapatotoo na sila ay hindi pa lubos na itinatakwil ng Dios ang Kanyang bayan. Ang Kanyang mga kaloob ay patuloy pa ring tumu- tugon sa kanilang mga pangangailangan. “Pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay,” wika ni Moises, nang banggitin ang kasaysayan ng kanilang paglalagalag. “Kanyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apatnapung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.” At ang awit ng lipi ni Levi, na itinala ni Nehemias, ay malinaw na naglalarawan sa pangangalaga ng Dios sa Israel, maging sa mga taon na ito ng di pagtanggap at pagkalipol: “Gayon ma'y Ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi Mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humihiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran. Iyo rin namang ibinigay ang Iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi Mo inaalis ang Iyong mana sa kanilang bibig, at binigyan Mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw. Oo apatnapung taon na Iyong kinandili sila sa ilang;...ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.” Nehemias 9:19-21.MPMP 479.3

    Ang paglalagalag sa ilang ay hindi lamang itinalaga bilang isang hatol sa mga nanghimagsik at mga mapagreklamo, kundi upang iyon ay magsilbing isang disiplina para sa bumabangong henerasyon, bilang paghahanda sa kanilang pagpasok sa Lupang Pangako. Pahayag ni Moises sa kanila, “Kung paanong pinarurusahan ng tao ang Kanyang anak, ay gayon pinarurusahan ka ng Panginoon mong Dios.” “Upang Kanyang mapangumbaba ka, at subukin ka, na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang Kanyang mga utos o hindi. At...pinapagdamdam ka Niya ng gutom, at pinakain ka Niya ng mana, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang Kanyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.” Deuteronomio 8:5, 2, 3.MPMP 480.1

    “Kanyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, at sa kapangla- wan ng isang umuungal na ilang; Kanyang kinanlungan sa palibot, Kanyang nilingap, Kanyang iningatang parang salamin ng Kanyang mata.” “Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdalamhati Siya, at ini- ligtas sila ng Anghel na nasa Kanyang harapan: sa Kanyang pag-ibig at sa Kanyang pagkaawa ay tinubos Niya sila; at Kanyang kinilik sila at kinalong silang lahat noong araw.” Deuteronomio 32:10; Isaias 63:9.MPMP 480.2

    Gayon pa man ang tanging mga tala ng kanilang buhay sa ilang ay mga pangyayari ng panghihimagsik laban sa Panginoon. Ang panghihimagsik ni Core ay humantong sa pagkamatay ng labing-apat na libo sa Israel. At mayroong magkakahiwalay na pangyayari na nag- hayag ng gano'n ding espiritu ng paghamak sa kapangyarihan ng Dios.MPMP 480.3

    Sa isang pangyayari isang anak ng babaeng Israelita at ng isang Ehipcio, isa sa mga sama-samang karamihan na sumama sa Israel mula sa Ehipto, ang umalis sa kanyang lugar sa kampo, at pumasok sa lugar ng mga Israelita, at nag-angkin ng karapatan na magtayo ng kanyang tolda doon. Iyon ay ipinagbabawal sa kanya ng kautusan ng Dios, dahil ang anak ng mga Ehipcio ay di kabilang sa kapulungan hanggang sa ikatlong salin ng lahi. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan niya at ng isang Israelita, at ng ang bagay na iyon ay iharap sa mga hukom ay pinagpasyahan ng laban sa may sala.MPMP 480.4

    Sa galit sa kapasyahang ito ay kanyang sinumpa ang hukom, at sa tindi ng galit ay nilapastangan ang pangalan ng Dios. Kaagad siyang dinala sa harap ni Moises. May utos na ibinigay na, “Ang lumapit sa kanyang ama, o sa kanyang ina, ay papataying walang pagsala” (Exodo 21:17); subalit walang pahayag kung paano haharapin ang kasong ito. Gano'n na lamang katindi ang krimen ano pa't nadama ang pangangailangan para sa espesyal na pahayag mula sa Dios. Ang lalaki ay ikinulong hanggang sa ang kalooban ng Dios ay natiyak. Ang Dios ang nagsabi kung ano ang parusa; ipinag-utos ng Dios na ang nagkasala ay ilabas mula sa kampamento, at batuhin hanggang mamatay. Yaong mga naging saksi sa pagkakasala ay nagpatong ng kanilang mga kamay sa kanyang ulo, kaya't sa ganoong paraan ay solemneng nagpatotoo sa katotohanan ng paratang sa kanya. At sila ang bumato ng unang mga bato, at pagdaka ang mga taong nakatayo sa malapit ay nakiisa rin sa pagsasakatuparan ng hatol.MPMP 481.1

    Ito ay sinundan ng pagpapahayag ng batas sa pagharap sa gano'n ding mga pagkakasala: “At sasalitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Sinomang mapanungayaw sa kanyang Dios ay mag- papasan ng kanyang sala. At ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay papataying walang pagsala; walang pagsalang pagba- batuhin siya ng buong kapisanan: maging taga ibang lupa o maging tubo sa lupain, ay papatayin pagka lumapastangan sa Pangalan ng Panginoon.” Levitico 24:15, 16.MPMP 481.2

    Mayroong magtatanong tungkol sa pag-ibig ng Dios at sa Kanyang pagkamakatarungan sa pagbibigay ng gano'n kalupit na parusa para sa mga salitang nabigkas dala ng pagkagalit. Subalit kapwa ang pag-ibig at ang kahatulan ay naghahayag na ang mga salitang laban sa Dios ay malaking kasalanan. Ang parusang ipinataw sa unang nagkasala ay magsisilbing babala para sa iba, upang ang pangalan ng Dios ay taglayin na may paggalang. Subalit kung ang kasalanan ng lalaking ito ay pinahintulutang lumipas na hindi napaparusahan, ang iba ay maaapektuhan; at bunga noon, maraming buhay ang pagdakay kakailanganing maisakripisyo.MPMP 481.3

    Ang sama-samang karamihan na sumama sa Israel mula sa Ehipto ay pinagmumulan ng nagpapatuloy na tukso at kaguluhan. Nag- aangkin silang iniwan na nila ang pagsamba sa diyus-diyusan, upang sumamba sa tunay na Dios; subalit ang kanilang naunang edukasyon at pagsasanay ay nakaukit sa kanilang likas at pagkatao, at sila ay humigit kumulang na may karamihan ng pagsamba sa diyus-diyusan at may kawalan ng paggalang sa Dios. Sila ang pinakamalimit na nagsisimula ng gulo, at mga una sa pagreklamo, at kanilang hinaha- wahan ang kampo ng kanilang libadura ng pagsamba sa mga diyus- diyusan at mga pagreklamo laban sa Dios.MPMP 482.1

    Kaagad nang sila'y bumalik sa ilang, ay nagkaroon ng isang pangyayari tungkol sa paglabag sa Sabbath, sa ilalim ng kalagayang nagpa- tindi sa kasalanang iyon. Ang pahayag ng Panginoon na kanyang itatakwil ang Israel, ay nagbangon ng isang espiritu ng panghihimagsik. Isa sa mga tao, na galit dahil sa hindi pagpasok sa Canaan, ay nagkaroon ng layunin na ipakita ang kanyang paglabag sa kautusan ng Dios, ay nangahas na hayagang labagin ang ikaapat na utos, sa pamamagitan ng paglabas upang mamulot ng kahoy sa araw ng Sabbath. Sa panahon ng paninirahan sa ilang ang pagsisindi ng apoy sa ikapitong araw ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang pagbabawal na iyon ay hindi umabot sa Canaan, kung saan ang katindihan ng klima ay malimit nagiging sanhi upang mangailangan ng apoy; subalit sa ilang, ang apoy ay hindi kailangan ng pangpainit. Ang ginawa ng lalaking ito ay isang pinanukala at hayag na paglabag sa ikaapat na utos—isang kasalanan, hindi dahil sa hindi sinasadya o dahil sa hindi pagkaalam, kundi isang kapangahasan.MPMP 482.2

    Siya ay kinuha sa akto, at dinala sa harap ni Moises. Naipahayag na ang paglabag sa Sabbath ay parurusahan ng kamatayan, subalit hindi pa nahahayag kung paanong ang parusa ay ipapataw. Ang kaso ay dinala ni Moises sa harap ng Panginoon, at ang pahayag ay du- mating. “Ang lalaki ay walang pagsalang papatayin: babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento.” Mga Bilang 15:35. Ang mga kasalanang kapusungan at sinasadyang paglabag sa ikaapat na utos ay tumanggap ng parehong kaparasahan, dahil parehong nagpapahayag ng hindi pagkalugod sa kapangyarihan ng Dios.MPMP 482.3

    Sa ating kapanahunan marami ang tumatanggi sa Sabbath ng pagla- lang bilang isang institusyon ng mga Hudyo, at ipinagpipilitan na kung iyon ay kinakailangang tuparin, ang kaparusahang kamatayan ay kinakailangang ipataw sa paglabag doon; subalit nakikita natin na ang kapusungan ay tumanggap din ng gano'ng kaparusahan gaya ng sa paglabag sa Sabbath. Kailangan bang isipin din natin dahil doon na ang ikatlong utos ay nararapat lamang sa mga Hudyo? Gano'n pa man ang kaisipang kinuha mula sa pagpaparusa ng kamatayan ay inilalapat din sa ikatlo, sa ikalima, at maging sa halos lahat ng sampung utos, tulad rin ng sa ika-apat. Bagaman hindi pa ngayon pina- parusahan ng Dios ang mga sumasalangsang sa Kanyang kautusan ng parusang pangkasalukuyan, ganoon pa man ang Kanyang salita ay nagpapahayag na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; at sa huling pagpapataw ng kahatulan ay masusumpungan na ang kamatayan ang bahagi noong mga lumalabag sa Kanyang banal na mga utos.MPMP 482.4

    Sa loob ng buong apatnapung taon sa ilang, ang mga tao linggo- linggo ay pinaaalalahanan ng tungkol sa banal na tungkulin sa Sabbath, sa pamamagitan ng himala ng mana. Gano'n pa man maging iyon ay hindi nakaakay sa kanila tungo sa pagiging masunurin. Bagaman hindi sila nangahas ng ganoong bukas at hayag na pag- salangsang gaya ng tumanggap ng kapansin-pansing kaparusahan, gano'n pa man ay nagkaroon ng panlamig sa pagsunod sa ikaapat na utos. Ipinahayag ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang propeta, “Ang Aking mga Sabbath ay kanilang nilapastangang mainam.” Ezekiel 20:13-24. At ito ay kabilang sa mga dahilan kung bakit ang naunang lahi ay hindi nakapasok sa Lupang Pangako. Gano'n pa man ay hindi natutunan ng kanilang mga anak ang liksyon. Gano'n na lamang ang kanilang pagkalimot sa Sabbath sa loob ng apatnapung taon ng pagla- lagalag, na bagaman hindi hinadlangan ng Dios ang kanilang pagpa- sok sa Canaan, Kanyang ipinahayag na sila ay mangangalat sa mga hindi kumikilala sa Dios kapag kanilang napasok ang Lupang Pangako.MPMP 483.1

    Mula sa Cades ang mga anak ni Israel ay bumalik sa ilang; at nang ang panahon ng kanilang pansamantalang paninirahan ay natapos, sila ay dumating, “ang buong kapisanan ay nagsipasok sa ilang ng Zin nang unang buwan: at ang bayan ay tumahan sa Cades.” Mga Bilang 20:1.MPMP 483.2

    Dito namatay si Miriam at inilibing. Mula sa tagpong iyon ng pagsasaya sa mga pampang ng Dagat na Pula, nang ang Israel ay lumabas na may pag-awit at pagsasayaw upang ipagdiwang ang pag- tatagumpay ni Jehova, hanggang sa libingan sa ilang na naging wakas ng isang habang-buhay na paglalagalag—gano'n ang kinahantungan ng milyun-milyong may mataas na pag-asa na lumabas mula sa Ehipto. Inagaw ng kasalanan mula sa kanilang mga labi ang saro ng pagpapa- la. Matututunan ba ng sunod na henerasyon ang liksyon?MPMP 483.3

    “Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa sila, at hindi naniwala sa Kanyang kagila-gilalas na gawa.... Nang Kanyang patayin sila, sila'y nangag-usisa sa Kanya: at sila'y nangagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios. At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking Bato, at ang kataas-taasang Dios ay kanilang Manunubos.” Mga Awit 78:32- 35. Gano'n pa man sila ay hindi nanumbalik na may tapat na layunin sa Dios. Bagaman kapag sila ay sinasaktan ng kanilang mga kaaway sila ay humihingi ng tulong mula sa Kanya na Siya lamang ang nakapagliligtas, gano'n pa man “ang kanilang puso ay hindi matuwid sa Kanya, ni tapat man sila sa Kanyang tipan. Ngunit Siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang Kanyang galit...at naalaala Niyang sila'y laman lamang; hanging dumadaan, at hindi bumaba- lik.” Mga Awit 78:37MPMP 484.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents