Kabanata 39—Ang Pagsakop sa Basan
.
Nang makaraan sa timog ng Edom, ang mga Israelita ay pumihit sa hilaga, at muling humarap tungo sa Lupang Pangako. Ang kanilang dadaanan ngayon ay nasa isang malawak, at nasa itaas na parang, na dinadaanan ng malamig at sariwang hangin mula sa mga burol. Yaon ay isang tinatanggap na pagbabago mula sa tuyong lambak na kanilang dinaanan, at sila'y nagpatuloy, na masigla at may pag-asa. Nang kanilang matawid ang sapa ng Zered sila ay dumaan sa sila- ngan ng Moab; sapagkat ang utos ay ibinigay, “Huwag mong kakaa- litin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma: sapagkat hindi kita bibigyan sa kanilang lupain ng pinakaari; sapagkat Aking ibinigay na pinakaari ang Ar sa mga anak ni Lot.” At ang utos ding iyon ay inulit tungkol sa mga Amonita, na mga inanak din naman ni Lot.MPMP 510.1
Sa pagpapatuloy pa rin tungo sa hilaga, ang mga Israelita ay naka- rating sa lugar ng mga Amonita. Ang makapangyarihan at ang mapangdigmang ito ay dating sumasakop sa timog na bahagi ng lupain ng Canaan; subalit, sa pagdami ng kanilang bilang, sila ay tumawid sa Jordan, nakipagdigma sa mga Moabita, at sumakop sa isang bahagi ng kanilang teritoryo. Dito sila ay naninirahan, na may- roong hindi nalalabanang kapamahalaan sa buong lupain mula sa Arnon hanggang sa malayong hilaga na abot sa Jabbok. Ang daan tungo sa Jordan sa ninanais marating ng mga Israelita, ay narito sa teritoryong ito, at si Moises ay nagpadala ng isang nakikipagkai- bigang liham kay Sehon, ang hari nga mga Amorrheo, sa kanilang kapitolyo: “Paraanin mo ako sa iyong lupain: sa daan lamang ako lalakad, hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa. Pagbibilhan mo ako ng pagkain sa salapi, upang makakain ako; at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi, upang makainom ako: paraanin mo lamang ako ng aking mga paa.” Ang sagot ay isang matigas na pagtanggi, at ang lahat ng mga Amorrheo ay pinagsabihang hadlangan ang pagsu- long ng mga manloloob. Ang malaking sandatahang ito ay lumikha ng takot sa mga Israelita, na hindi gaanong handang makilaban sa isang mahusay na sandatahan at sanay na mga hukbo. Kaya't kung tungkol sa pakikipaglaban ang pag-uusapan, ang kanilang kalaban ay nakalalamang. Sa lahat ng paningin ng tao, ang Israel ay madaling matatalo.MPMP 510.2
Subalit pinanatili ni Moises ang kanyang paningin sa maulap na haligi, at pinasigla ang bayan sa pamamagitan ng kaisipan na ang tanda ng pakikisama ng Dios ay sumasakanila pa rin. At sa pag- kakataon ding iyon ay ipinag-utos niya sa kanila na gawin ang lahat ng maaaring gawin sa kakayanan ng tao sa paghahanda para sa paki- kipagdigma. Ang kanilang mga kalaban ay sabik na sabik ng maki- paglaban, at naniniwalang mapapawi nila sa lupain ang mga Israelitang hindi handa sa pakikipagdigma. Subalit mula sa May-ari ng lahat ng lupain ang utos ay pinarating sa pinuno ng Israel: “Mag- sitindig kayo, kayo'y maglakbay, at magdaan kayo sa libis ng Arnon: narito, Alang ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kanyang lupain: pasimulan mong ariin, at kalabanin mo siya sa digma. Sa araw na ito ay pasisimulan Kong ilagay sa mga bayang nangasa silong ng langit ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo, na maririnig nila ang iyong kabantugan, at magsisi- panginig, at mangahahapis dahil sa iyo.”MPMP 511.1
Ang mga bansang ito sa mga hangganan ng Canaan ay maaari sanang nakaligtas, kung hindi sana sila tumindig, sa paglaban sa salita ng Dios, upang hadlangan ang pagsulong ng Israel. Ipinakilala na ng Dios ang Kanyang sarili bilang may dakilang kabaitan at pagka- habag, maging sa mga taong ito na hindi kumikilala sa Dios. Nang si Abraham ay pagpakitaan sa pangitain na ang kanyang binhi, ang mga anak ni Israel, ay magiging dayuhan sa ibang lupain sa loob ng apat- naraang taon, ang Panginoon ay nagbigay sa kanya ng pangako na, “Sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisibalik rito: sapagkat hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga Amorrheo.” Genesis 15:16. Bagaman ang mga Amorrheo ay mga sumasamba sa diyus- diyusan, na ang buhay ay lubhang pinatigas ng kanilang malaking kasalanan, sila ay hindi ng Dios hinayaang mapuksa sa loob nga apat- naraang taon upang bigyan sila ng hindi mapagkakamaliang katiba- yan na siya lamang ang natatanging tunay na Dios, ang Manlalalang ng langit at ng lupa. Ang lahat ng kanyang kahanga-hangang ginawa sa paghahatid sa Israel mula sa Ehipto ay kanilang nalaman. Sapat na katibayan ay ibinigay; nalaman na sana nila ang katotohanan, kung sila lamang ay naging handa upang tumalikod mula sa kanilang pagsamba sa diyus-diyusan at kawalan ng pagpipigil. Subalit kanilang tinanggihan ang liwanag, at nanatili sa kanilang mga diyus-diyusan. Nang dalhin ng Panginoon sa ikalawang pagkakataon ang Kanyang bayan sa mga hangganan ng Canaan, ang mga bansang iyon na hindi kumikilala sa Dios ay binigyan pa ng karagdagang katibayan ng Kanyang kapangyarihan. Kanilang nakita na ang Dios ay kasama ng Israel sa pagtatagumpay laban sa Haring Arad at ng mga Canaanita, at sa kababalaghang ginawa upang iligtas yaong mga nangamamatay dahil sa mga kagat ng mga ahas. Gano'n pa man ang mga Israelita ay hindi pinahintulutang dumaan sa lupain ng Edom, kung kaya't napi- litang dumaan sa mahaba at mahirap na daan sa baybay ng Dagat na Pula, gano'n pa man sa lahat ng kanilang mga paglalakbay at mga pagkakampamento,. hanggang sa kanilang malampasan ang lupain ng Edom, ng Moab at ng Ammon, sila ay hindi nagpakita ng anumang kalupitan, at hindi gumawa ng pananakit sa mga tao ni sa kanilang mga ari-arian. Nang marating ang hangganan ng mga Amorrheo, ang mga Israelita ay humingi ng pahintulot na dadaan lamang sa lupain, nangangakong susundin ang mga patakaran na kanilang sinu- sunod sa kanilang pakikisalamuha sa ibang mga bansa. Nang ang hari ng mga Amorrheo ay tumanggi sa magalang na kahilingang ito, at galit na tinipon ang kanyang hukbo para sa pakikipagdigma, ang tasa ng kanilang kasamaan ay puno na, at ngayon ay gagamitin na ng Dios ang kapangyarihan upang sila ay puksain.MPMP 511.2
Ang mga Israelita ay tumawid sa ilog ng Arnon, at sumalakay sa mga kalaban. Nagkaroon ng pagsasagupaan, at ang mga Israelita ay naging matagumpay; at nang pasundan pa nila ang kanilang naging kalamangan, ay napunta sa kanilang pag-aari ang lupain ng mga Amorrheo. Ang Prinsipe ng hukbo ng Panginoon ang lulupig sa mga kalaban ng Kanyang bayan; at gano'n din sana ang ginawa Niya 38 taon na ang nakalilipas, kung ang Israel lamang ay nagtiwala sa Kanya.MPMP 512.1
Puspos ng pag-asa at katapangan, ang sandatahan ng Israel ay may kasabikang nagpatuloy, at, sa pagpapatuloy pa rin tungo sa timog, kaagad silang dumating sa isang lupain na maaaring lubos na maka- subok sa kanilang katapangan at sa kanilang pagtitiwala sa Dios. Nasa harap nila ang makapangyarihan at lubhang maraming tao sa kaharian ng Basan, puno ng mga lungsod na bato na sa ngayon ay nakapagpapamangha sa daigdig—“anim na pung bayan...nakukutaan ng matataas na kuta, na may mga pintuang bayan at mga halang; bukod pa ang napakaraming mga bayan na walang kuta.” Deuteronomio 3:1-11. Ang mga bahay ay yari sa malalaking itim na bato, na gano'n na lamang ang laki upang ang mga gusali ay hindi maaring nakilos ng anomang puwersa na noong mga panahong iyon ay maaaring maiharap laban sa kanila. Iyon ay isang bansa na puno ng mapanganib na mga kuweba, matataas na mga bangin, malalawak na mga look, at mga batong kuta. Ang mga naninirahan sa lupaing ito, na mga inanak mula sa isang lahi ng mga higante, ay may mga kagilagilalas na laki at lakas, kung kaya't kilala sa kanilang pananakit at kalupitan na sukat ikatakot ng lahat ng nakapalibot na mga bansa; samantalang si Og, ang hari ng bansa, ay may kapansin-pansing taas at lakas, maging sa isang bansa ng mga higante.MPMP 512.2
Subalit ang maulap na haligi ay tumulak pasulong, at sa pagsunod sa pagpatnubay noon ang hukbo ng mga Hebreo ay nagpatuloy tungo sa Edrei, kung saan ang higanteng hari at ang kanyang mga puwersa, ay naghihintay sa kanilang pagdating. Mahusay na pinili ni Og ang lugar ng labanan. Ang lungsod ng Edrei ay nasa hangganan ng isang malapad na dakong mataas ng bahagya sa kapatagan, at nakukublihan ng nakakalat na mga batong mula sa bulkan. Iyon ay mararating lamang sa pamamagitan ng makikipot na mga daan, ma- tarik, at mahirap panhikin. Kung sakaling madadaig, ang kanyang mga puwersa ay maaaring magkubli sa ilang mga bato kung saan magiging imposible para sa mga dayuhan ang sumunod sa kanila.MPMP 513.1
Nakasisiguro sa pagtatagumpay, ang hari ay lumabas kasama ang isang napakalaking sandatahan sa bukas na parang, samantalang ang mga sigaw ng pangungutya ay naririnig mula sa kapatagang bahagi sa itaas, kung saan maaaring makita ang mga sibat ng libu-libo, na sabik sa labanan. Nang makita ng mga Hebreo ang matipunong anyo ng mga higante na higit ang taas kaysa sa mga sundalo ng kanyang hukbo; nang kanilang makita ang hukbo na nakapalibot sa kanya, at makita ang tila hindi magigibang tanggulan, na sa likod noon ang hindi nakikitang libu-libo ay nakahanay, ang puso ng marami sa Israel ay nanginig sa takot. Subalit si Moises ay nanatiling tahimik at matatag; sinabi ng Panginoon tungkol sa hari ng Basan, “Huwag mong katakutan siya, at ang kanyang buong bayan, at ang kanyang lupain; at iyong gagawin sa kanya ang gaya ng inyong ginawa 33 - P&P TAG kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.”MPMP 513.2
Ang matahimik na pananampalataya ng kanilang lider ay nag- pasigla sa bayan sa pagtitiwala sa Dios. Ipinagkatiwala nila ang lahat sa Kanyang makapangyarihang mga bisig, at hindi Niya sila binigo. Walang makapangyarihang mga higante ni mga lungsod na may pader ang maaaring makatindig sa harap ng Prinsipe ng hukbo ng Panginoon. Pinangunahan ng Panginoon ang hukbo; nilito ng Panginoon ang mga kalaban; ang Panginoon ang nakipaglaban alang- alang sa Israel. Ang higanteng hari at ang kanyang hukbo ay napatay at pagdaka ay sinakop ng Israel ang buong bansa. Sa ganoong paraan ay napawi mula sa lupa ang kakaibang mga taong iyon na ibinigay ang kanilang mga sarili sa kasamaan at kasuklam-suklam na pagsam- ba sa diyus-diyusan.MPMP 514.1
Sa pagkakasakop sa Galaad at sa Basan marami ang makakaalaala sa pangyayari na apatnapung taon na ang nakalilipas, ay, sa Cades, nagpahamak sa Israel sa matagal na paglalagalag sa ilang. Kanilang nakita na ang ulat ng mga tiktik ay totoo sa maraming bahagi. Ang mga lungsod ay may pader at lubhang malalaki, at tinitirahan ng mga higante, na kung ihahambing doon ang mga Hebreo ay nagmu- mukhang mga pandak. Subalit kanila nang nakita ngayon ang nakamamatay na pagkakamali ng kanilang mga magulang sa hindi pagtitiwala sa kapangyarihan ng Dios. Ito lamang ang nakahadlang sa kanila upang kaagad mapasok ang mabuting lupain.MPMP 514.2
Nang unang pagkakataon na sila'y naghahandang pumasok sa Canaan, ang gawaing iyon ay may higit na kakaunting kahirapan kaysa ngayon. Nangako ang Dios sa Kanyang bayan na kung susun- din ang Kanyang tinig Siya ay pupunta sa harap nila at makikipagla- ban para sa kanila; at Siya rin ay magpapadala ng mga putakti upang palayasin ang mga naninirahan sa lupain. Ang takot ng mga bansa ay hindi pa nakikilos, at kaunti pang mga paghahanda ang nagagawa upang labanan ang kanilang pagsulong. Subalit nang ang Panginoon ay mag-utos na sumulong ang Israel, sila ay kinakailangang sumu- long laban sa mahusay at makapangyarihang mga kalaban, at kinakailangang lumaban sa malalaki at sanay na mga hukbo na nag- handa para sa kanilang paglapit.MPMP 514.3
Sa kanilang pakikipaglaban kay Og at kay Sihon ang bayan ay inihatid sa pagsubok na doon ang kanilang mga magulang ay nahu- log. Subalit ang pagsubok ngayon ay higit pang matindi kaysa noong nag-utos ang Dios sa Israel na sila ay magpatuloy. Ang mga kahirapan nila ay lubha nang dumami mula nang ang Israel ay sabihang magpatuloy sa ngalan ng Panginoon. Sa gano'ng paraan pa rin sinu- subok ng Dios ang Kanyang bayan. At kung hindi nila mapapa- nagumpayan ang pagsubok, ay Kanya muling dadalhin sila sa dakong iyon, at sa ikalawang pagkakataon ang pagsubok ay darating na malapit, at higit na matindi kaysa sa nauna. Ito ay ipinagpapatuloy hanggang sa kanilang malampasan ang pagsubok, o, kung sila ay mapanghimagsik pa rin, ay inaalis ng Dios ang Kanyang liwanag mula sa kanila, at sila'y iniiwan sa kadiliman.MPMP 514.4
Ngayon ay naalaala ng mga Hebreo na minsan noong una, nang ang kanilang mga puwersa ay nakipagdigma, sila ay natalo, at libu- libo ang napatay. Subalit sila noon ay lumabag sa ipinag-uutos ng Dios. Sila ay humayo na hindi kasama si Moises ang lider na itinala- ga ng Dios, wala ang haliging ulap, ang simbolo ng pakikiharap ng Dios, at wala ang kaban. Subalit ngayon si Moises ay kasama nila, pinalalakas ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng mga salita ng pag-asa at ng pananampalataya; ang Anak ng Dios na nakatahan sa haliging ulap, ang nangunguna sa daan; at ang banal na kaban ay kasama ng hukbo. Ang karanasang ito ay mayroong liksyon para sa atin. Ang makapangyarihang Dios ng Israel ang ating Dios. Sa kani- ya ay maaari tayong magtiwala, at kung susundin natin ang kanyang mga ipinag-uutos Siya ay gagawa para sa atin sa isang kapansin- pansing paraan tulad sa ginawa Niya sa Kanyang bayan noong una. Ang bawat isang nagsisikap sumunod sa landas ng tungkulin minsan ay darating sa pag-aalinlangan at hindi pananampalataya. Minsan sila ay lubhang mahahadlangan ng mga suliranin, na tila hindi na malu- lutas, na anupa't makasisira ng loob noong mga nagbibigay daan sa pagkasira ng loob; subalit sinasabi ng Dios sa mga gayon, “Magpatuloy.” Gawin mo ang iyong tungkulin ano man ang maging halaga noon. Ang mga kahirapan na tila hindi malulutas, na nagpupuno ng takot sa iyong kaluluwa, ay mawawala samantalang ikaw ay nagpapatuloy sa landas ng pagsunod na may pagpapakumbabang nagtitiwala sa Dios.MPMP 515.1