Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 4—Ang Panukala ng Pagtubos

    Ang pagkahulog ng tao sa kasalanan ay pumuno sa buong langit ng kalungkutan. Ang daigdig na ginawa ng Dios ay nadungisan ng sumpa ng kasalanan at pinanirahan ng mga hinatulan ng kahirapan at kamatayan. Doon ay walang tatakbuhan ng mga lumabag sa kautusan. Ang mga anghel ay tumigil sa kanilang pag-awit ng papuri. Sa buong kalangitan ay nagkaroon ng pagdalamhati sa paninirang ginawa ng kasalanan.MPMP 69.1

    Ang Anak ng Dios, ang maluwalhating pinuno ng kalangitan, ay nahabag sa nahulog na lahi. Ang Kanyang puso ay nakilos ng di masukat na habag samantalang ang kaguluhan sa nawaglit na sanlibutan ay dumami sa Kanyang harapan. Subalit ang banal na pag-ibig ay may nakalaang panukala na sa pamamagitan noon ang tao ay maaaring matubos. Hinihiling ng nasuway na kautusan ng Dios ang buhay ng nagkasala. Sa buong sansinukob ay may isa lamang, sa lugar ng tao, ay maaaring makatugon sa hinihiling noon. Sapagkat ang banal na kautusan ay kasing banal ng Dios, isang kasing banal lamang ng Dios ang maaaring makatubos sa pagkakalabag noon. Walang iba kundi si Kristo ang maaaring makatubos sa nahulog na tao mula sa sumpa ng kautusan at magdala sa kanya muli sa pakikipagkasundo sa Langit. Aangkinin ni Kristo ang kasamaan at kahihiyan ng kasalanan—kasalanang lubhang nakasasakit sa Dios na isang banal na kinakailangang papaghiwalayin nito ang Ama at ang Kanyang Anak. Aabutin ni Kristo ang kalaliman ng paghihirap upang iligtas ang nasirang lahi.MPMP 69.2

    Siya ay nakikiusap sa harapan ng Ana para sa mga makasalanan, samantalang ang hukbo ng langit ay nagmamasid ng gano'n na lamang kung ano ang magiging resulta. Matagal na ipinagpatuloy ang mahiwagang mga pag-uusap—“ang payo ng kapayapaan” (Zacarias 6:13) para sa mga nahulog na mga anak ng tao. Ang panukala ng paglalang ay inihanda bago pa lalangin ang lupa; sapagkat si Kristo ang “Kordero na pinatay buhat ng itatag ang sanlibutan” (Apocalipsis 13:8); gano'n pa man iyon ay isang pakikipagpunyagi, maging para sa Hari ng sansinukob, ang ibigay ang Kanyang Anak upang mamatay para sa nagkasalang lahi. Subalit “gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16. O, ang hiwaga ng pagtubos! ang pagmamahal ng Dios para sa isang sanlibutan na hindi nagmahal sa Kanya! Sino ang makasusukat ng lalim ng gano'ng pag-ibig na “nakahihigit sa kaalaman”? Sa walang hanggang mga panahon ang pag-iisip ng mga walang kamatayan, sa pagsisikap na maunawaan ang pag-ibig na iyon na hindi masayod, ay magtataka at hahanga.MPMP 69.3

    Ang Dios ay kinakailangang makita kay Kristo, na “pinapagkasundo ang sanlibutan sa Kanya rin.” 2 Corinto 5:19. Ang tao ay lubhang pinababa ng kasalanan anupa't naging imposible para sa kanya, sa sarili niya, ang makipagkasundo sa Kanya na ang likas ay kadalisayan at kabutihan. Subalit si Kristo, matapos na matubos ang tao mula sa hatol ng kautusan, ay makapagbibigay ng kapangyarihan upang maisama sa pagsisikap ng tao. Kung kaya sa pagsisisi sa Dios at pananampalataya kay Kristo ang nahulog na mga anak ni Adan minsan pang muli ay maaaring maging “mga anak ng Dios.” 1 Juan 3:2.MPMP 70.1

    Ang panukala na sa pamamagitan noon lamang ang tao ay maaaring magkaroon ng kaligtasan, ay kinasasangkutan ng buong langit sa walang hanggang sakripisyo nito. Hindi magawa ng mga anghel ang magsaya samantalang ang panukala ng pagtubos ay inihahayag ni Kristo sa kanila, sapagkat nakita nila na ang kaligtasan ng tao ay kasasangkutan ng di mabigkas na pagka-aba ng minamahal nilang Pinuno. Sa kalungkutan at paghanga ay nakinig sila sa Kanyang mga salita samantalang sinasabi Niya sa kanila kung paanong Siya ay bababa mula sa kadalisayan at kapayapaan ng langit, mula sa kagalakan at kaluwalhatian at walang hanggang buhay na naroroon, at ma- kihalubilo sa hamak na kalagayan ng lupa, upang tiisin ang naroroong kalungkutan, kahihiyan, at kamatayan. Siya ay kinakailangang tumayo sa pagitan ng nagkasala at ng kaparusahan; gano'n pa man kakaunti ang catanggap sa Kanya bilang Anak ng Dios. Iiwan Niya ang Kanyang mataas na kalagayan bilang Hari ng langit, mahayag sa lupa at mag- pakumbaba bilang tao, at sa pamamagitan ng sarili Niyang karanasan ay madama Niya ang mga kinakailangang tiisin ng tao. Ang lahat ng ito ay kailangan upang matulungan Niya yaong mga tinutukso. Hebreo 2:18. Kung matapos na ang Kanyang gawain bilang guro, siya ay mapapasa kamay ng mga masamang tao at paiilalim sa lahat ng pang-iinsulto at pagpapahirap ni Satanas sa kanila. Mamamatay Siya sa pinakamalupit na pagkamatay, nakataas sa pagitan ng langit at ng lupa bilang isang makasalanan. Siya ay daranas ng maraming oras ng paghihirap na gano'n na lamang katindi anupa't ang mga anghel ay hindi makakatingin, kundi takpan ang kanilang mukha sa anyo noon. Kinakailangang tiisin Niya ang pagdalamhati ng kaluluwa, ang pagtatago ng mukha ng Kanyang Ama, samantalang ang kasamaan ng pagsalangsang—ang bigat ng kasalanan ng buong mundo—ay mapapasa Kanya.MPMP 70.2

    Ang mga anghel ay nagpatirapa sa paanan ng kanilang Pinuno upang sila ang maging sakripisyo para sa tao. Subalit ang buhay ng anghel ay hindi sasapat upang ipambayad sa utang; Siya lamang na lumikha sa tao ang may kapangyarihan upang siya ay tubusin. Gano'n pa man ang mga anghel ay may bahagi ring gagainpanan sa panukala ng pagtubos. Si Kristo ay gagawing “mababa ng kaunti sa mga anghel dahil sa pagbata ng kamatayan.” Hebreo 2:9. Sa Kanyang papapakatao, ang Kanyang lakas ay hindi magiging katulad ng kanilang lakas, at Siya ay paglilingkuran ng mga anghel upang Siya ay palakasin at aliwin sa Kanyang paghihirap. Sila rin ay magiging mga espiritung naglilingkod, sinugo upang paglingkuran sila na magiging tagapagmana ng kaligtasan. Hebreo 1:14. Iingatan nila ang mga nasasakupan ng biyaya mula sa kapangyarihan ng masasamang anghel at mula sa kadiliman na walang tigil na inihahagis ni Satanas sa paligid nila.MPMP 71.1

    Kung makikita ng mga anghel ang pagpapahirap at panunuya sa kanilang Panginoon, sila ay mapupuno ng kalungkutan at galit at iisiping Siya ay iligtas mula sa mga pumapaslang sa Kanya; subalit sila ay hindi dapat mamagitan upang huwag mapigilan ang anumang dapat na makita nila. Bahagi ng panukala ng pagtubos ang si Kristo ay dumanas ng panunuya at pang-aabuso ng masasamang tao, at Siya ay sumang-ayon sa lahat ng ito noong Siya ay naging Manunubos ng tao.MPMP 71.2

    Tiniyak ni Kristo sa mga anghel na sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay matutubos Niya ang marami, at mapupuksa siya na may kapangyarihan ng kamatayan. Kanyang maisasauli ang kahariang naiwala ng tao sa pamamagitan ng pagsalangsang, at iyon ay mamanahin ng mga tinubos kasama Niya, at maninirahan doon magpakailan pa man. Ang kasalanan at ang mga makasalanan ay maaalis, kailanman ay hindi-na gagambala sa kapayapaan ng langit at ng lupa. Tinukoy Niyang ang lahat ng mga anghel sa langit na sumang-ayon sa panukalang tinanggap ng Kanyang Ama, at magsaya sapagkat, sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, ang taong nahulog sa kasalanan ay maaaring mapanumbalik sa Dios.MPMP 71.3

    Kagalakan, isang hindi mabigkas na kagalakan, ang pumuno sa langit. Ang kaluwalhatian at pagka-mapalad ng isang sanlibutang tinubos, higit pa sa paghihirap at sakripisyo ng Prinsipe ng buhay. Narinig sa kalangitan sa kauna-unahang pagkakataon ang himig na inawit sa Bethlehem—“Luwalhati sa Dios sa kataas-taasan at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya” Lucas 2:14. May isang higit na kagalakan ngayon kaysa noong ang bagong nilalang ay nawala, “Nagsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga, at ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghiyawan sa kagalakan.” Job 38:7.MPMP 72.1

    Para sa tao ang unang pahiwatig tungkol sa pagtubos ay inihahayag sa hatol na ipinataw kay Satanas sa halamanan. Sinabi ng Panginoon, “At pag-aalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kanyang binhi; ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong.” Genesis 3:15. Ang hatol na ito, sa pandinig ng una nating mga magulang ay isang pangako. Samantalang ito ay naghahayag ng alitan sa pagitan ng tao at ni Satanas, inihahayag nito na ang kapangyarihan ng dakilang katunggali ay matatalo rin sa wakas. Si Adan at si Eva ay nakatayo sa harapan ng matuwid na hukom bilang mga kriminal, hinihintay ang hatol na ipapataw bunga ng kanilang pagsuway; subalit bago nila narinig ang tungkol sa mahirap na buhay at ang kalungkutan na magiging bahagi nila, o ang hatol na sila ay kinakailangang mauwi sa alabok, ay nakinig sila sa mga salitang tiyak na makapagbibigay sa kanila ng pag-asa. Bagaman sila ay kinakailangang maghirap sa ilalim ng kapangyarihan ng malakas nilang kalaban, sila ay maaaring tumingin sa hinaharap na pangwakas na pagtatagumpay.MPMP 72.2

    Nang marinig ni Satanas na ang pag-aalit ay mamamagitan sa kanya at sa babae, at sa pagitan ng kanilang mga binhi, batid niya na ang pagpapababa niya sa likas ng tao ay magkakaroon ng hangganan; na sa ilang paraan ang tao ay mabibigyan ng kapangyarihan upang tanggihan ang kanyang kapangyarihan. Gano'n pa man samantalang ang panukala ng pagtubos ay higit pang inihahayag, si Satanas ay nagalak kasama ng kanyang mga anghel, na sa pagkakahulog sa tao, ay maibababa niya ang Anak ng Dios mula sa mataas Niyang kalagayan. Inihayag niya na hanggang sa mga panahong iyon ang kanyang mga panukala ay nagtatagumpay sa lupa, at kapag si Kristo ay nagka- tawang tao, Siya rin ay maaaring madaig, sa ganoong paraan ang pagtubos sa tao ay maaaring mahadlangan.MPMP 72.3

    Inihayag ng lubos ng mga anghel sa una nating mga magulang ang panukala para sa kanilang kaligtasan. Si Adan at ang kanyang asawa ay pinasiguruhan na sa kabila ng kanilang malaking kasalanan, sila ay hindi iiwan sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ang Anak ng Dios ay nag-alok na tutubos sa pamamagitan ng sarili Niyang buhay, para sa kanilang pagsalangsang. Isang panahon ng pagsubok ang ipagka- kaloob sa kanila, at sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya kay Kristo sila ay maaaring muling maging mga anak ng Dios.MPMP 73.1

    Ang sakripisyong pambayad sa kanilang kasalanan ay nagpahayag kay Adan at Eva ng banal na likas ng kautusan ng Dios; at kanilang nakita, sa paraang hindi pa nila nakita noong una, ang kasamaan ng kasalanan at ang kakila-kilabot na bunga nito. Sa kanilang pagsisisi at pagdalamhati sila ay nakiusap na ang parusa ay huwag mapasa Kanya na ang pag-ibig ay pinagmulan ng kanilang kaligayahan; sa halip ay mapasa kanila ito at sa kanilang mga anak.MPMP 73.2

    Sila ay pinagpaunahan na sapagkat ang kautusan ni Jehova ang patibayan ng Kanyang pamahalaan sa langit gano'n din sa lupa, maging ang buhay ng isang anghel ay hindi maaaring tanggapin bilang kabayaran para sa pagsalangsang. Wala ni isang bahagi noon ang maaaring walaing saysay o baguhin upang maabot ang nahulog ng kalagayan ng tao; ang Anak lamang ng Dios, na siyang lumalang sa kanya, ang maaaring tumubos. Kung paanong ang kasalanan ni Adan ay naghatid ng pagkasira at kamatayan, ang sakripisyo ni Kristo ay maghahatid ng buhay at pagkawala ng kamatayan.MPMP 73.3

    Hindi lamang ang tao kundi pati ang sanlibutan sa pamamagitan ng kasalanan ay napailalim sa masama, at kinakailangang maisauli sa pamamagitan ng pagtubos. Noong siya ay lalangin si Adan ay binigyan ng kapamahalaan sa buong lupa. Subalit sa pamamagitan ng pagsang- ayon sa tukso, siya ay napasa ilalim ni Satanas. “Ang nadaig ninoman ay naging alipin din narnan niyaon.” 2 Pedro 2:19. Noong ang tao ay nabihag ni Satanas, ang kanyang pinamamahalaan ay napasa ilalim ng nakagapi sa kanya. Kaya si Satanas ang naging “diyus ng sanlibutang ito.” 2 Corinto 4:4. Kanyang naagaw ang pamamahala sa buong lupa na sa simula ay ibinigay kay Adan. Subalit si Kristo, sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyong pambayad sa kaparusahan ng kasalanan, ay hindi lamang tutubos sa tao, Kanyang isasauli pati ang pamamahalang naiwala ng tao. Ang lahat ng naiwala ng unang Adan ay isasauli ng ikalawa. Sabi ng propeta, “Oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo'y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating.” Mikas 4:8. At si apostol Pablo ay bumanggit tungkol sa hinaharap na “ikatutubos ng sariling pag-aari.” Efeso 1:14. Nilikha ng Dios ang lupa upang maging tahanan ng banal at masasayang nilalang. Ang Panginoon ang “nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na Kanyang itinatag, at hindi Niya nilikha na sira, na Kanyang inanyuan upang tahanan.” Isaias 45:18. Ang layuning iyon ay matutupad, kapag, nabago sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at napalaya mula sa kasalanan at kalungkutan, iyon ay maging tirahan pang walang hanggan ng mga tinubos. “Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailanman.” “At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroron: at Siya'y paglilingkuran ng Kanyang mga alipin.” Awit 37:29; Apocalipsis 22:3.MPMP 73.4

    Si Adan, sa kanyang kawalan ng kasalanan, ay nasiyahang mukhaan sa pakildpag-ugnay sa Lumalang sa kanya; subalit ang kasalanan ang naghiwalay sa Dios at sa tao, at ang pagtubos lamang ni Kristo ang maaaring bumagtas sa di matarok na kalaliman at gawin ang ugnayan tungkol sa biyaya, o kaligtasan mula sa langit tungo sa lupa. Ang tao ay hiwalay pa rin sa isang mukhaang pakikipag-ugnay sa lumalang sa kanya, subalit ang Dios ay maldkipag-ugnay sa kanya sa pamamagitan ni Kristo at ng mga anghel.MPMP 74.1

    Sa gano'ng paraan ay nahayag kay Adan ang mahahalagang yugto ng kasaysayan ng sangkatauhan, mula sa panahong bigkasin ang hatol sa Eden, hanggang sa Baha, at patuloy hanggang sa unang pagdating ng Anak ng Dios. Ipinakita sa kanya na samantalang ang sakripisyo ni Kristo ay makasasapat ang halaga upang iligtas ang buong sanlibutan, marami ang pipili sa buhay na makasalanan kaysa pagsisisi at pagsunod. Ang krimen ay lalago sa mga sumusunod na lahi, at ang sumpa ng kasalanan ay higit pang lalala sa lahi ng tao, sa mga hayop, at sa lupa. Ang mga araw ng tao ay mapaiikli ng sarili niyang paggawa ng kasalanan; manghihina ang kanyang pangangatawan at katatagan at ang moralidad at kapangyarihan ng pag-iisip, hanggang sa ang sanlibutan ay mapuno ng lahat ng uri ng kahirapan. Sa pamamagitan ng pagpapalayaw sa panlasa at pagnanasa ang tao ay mawawalan ng kakayanan upang maunawaan ang dakilang katotohanan tungkol sa panukala ng pagtubos. Gano'n pa man si Kristo, sa pagtatapat sa layunin ng Kanyang pag-alis sa langit, ay ipagpapatuloy ang Kanyang gawain para sa tao, at patuloy pa rin silang aanyayahan upang ikubli ang kanilang kahinaan at mga pagkukulang sa Kanya. Tutustusan Niya ang mga pangangailangan ng lahat na lalapit sa Kanya sa pana- nampalataya. At palaging magkakaroon ng ilan na mag-iingat ng karunungan ng Dios at mananatiling matatag sa kabila ng luma- laganap na kasamaan.MPMP 74.2

    Ang mga haing handog ay iniutos ng Dios upang maging nag- papatuloy na paalala sa tao at isang nagsisising pagkilala sa kanyang kasalanan at pagpapahayag ng kanyang pananampalataya sa ipinanga- kong Tagapagligtas. Ang layunin noon ay upang ikintal sa nagkasalang lahi na ang kasalanan ang sanhi ng kamatayan. Para kay Adan, ang pag-aalay ng unang hain ay isang napakasakit na seremonya. Ang kanyang kamay ay kinakailangang itaas upang kumitil ng buhay, na ang Dios lamang ang tanging nakapagkakaloob. Iyon ang kauna- unahan niyang pagsaksi sa kamatayan, at alam niya na kung siya lamang ay naging masunurin sa Dios, ay hindi magkakaroon ng kamatayan ang tao ni ang hayop man. Samantalang pinapaslang niya ang walang salang biktima, siya ay nanginig sa kaisipan na ang kanyang kasalanan ay magpapadanak sa dugo ng walang dungis na Kordero ng Dios. Ang karanasang ito ay magbibigay sa kanya ng isang malalim at malinaw na pagkadama sa kadakilaan ng kanyang pagsalangsang, na walang iba kundi ang pagkamatay ng pinakamamahal na Anak ng Dios ang maaaring makapawi. Siya ay namangha sa di-masukat na kabutihan na magkaloob ng gano'ng pantubos upang iligtas ang nagkasala. Isang bituin ng pag-asa ang nagliwanag sa madilim at kakila- kilabot na hinaharap at ipinalit sa lubhang kasiraan noon.MPMP 75.1

    Subalit ang panukala ng pagtubos ay mayroon pang higit na malawak at malalim na layunin kaysa kaligtasan ngtao. Hindi lamang para doon naparito si Kristo sa lupa; hindi lamang upang ang mga naninirahan sa maliit na sanlibutang ito ay kumilala sa kautusan ng Dios kung paanong 'yon ay dapat kilalanin; kundi upang ipawalang sala ang Dios sa harap ng sansinukob. Sa ibubungang ito ng Kanyang dakilang hain—ang impluwensya nito sa kaisipang iba pang mga daigdig, gano'n din ng tao—ang Tagapagligtas ay tumingin sa hinaharap noong bago Siya ipako sa krus nang Kanyang sabihin: “Ngayon ang paghatol sa sanlibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanlibutang ito ay palalayasin. At Ako, kung Ako'y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin Ko sa Akin din.” Juan 12:31, 32. Ang ginawa ni Kristo sa pagkamatay para sa kaligtasan ng tao ay hindi lamang upang ang langit ay maging bukas para sa tao, kundi upang sa buong sansinukob ay pawawalang sala nito ang Dios at ang Kanyang Anak sa kanilang pakikitungo sa panghihimagsik ni Satanas. Itatatag nito ang pagkawalang hanggan ng kautusan ng Dios at ihahayag ang likas at mga bunga ng kasalanan.MPMP 75.2

    Sapul sa simula ang malaking tunggalian ay naging tungkol na sa kautusan ng Dios. Sinisikap ni Satanas na patunayan na ang Dios ay hindi matuwid, at ang Kanyang kautusan ay mali, at sa ikabubuti ng sansinukob iyon ay kinakailangang baguhin. Sa kanyang pagtuligsa sa kautusan layunin niyang sirain ang kapangyarihan ng May-akda noon. Sa tunggalian kinakailangang mahayag kung ang banal na kautusan ay may kamalian at kinakailangang baguhin, o kung ito ay sakdal at hindi maaaring palitan.MPMP 76.1

    Noong si Satanas ay palayasin mula sa langit, kanyang ipinasyang ang lupa ay gawing kanyang kaharian. Noong kanyang matukso si Adan at si Eva, inisip niya na ang sanlibutang ito ay kanya na; “sapagkat,” ayon sa kanya, “pinili nila ako bilang kanilang hari.” Inihahayag niyang mahirap para sa isang nagkasala ang mabigyan ng kapatawaran, kung kaya ang nagkasalang lahi ay kanyang mga kampon, at ang sanlibutan ay kanya. Subalit ibinigay ng Dios ang Kanyang sariling pinakamamahal na Anak—isang kapantay Niya—upang dala- hin ang kabayaran ng kasalanan, kung kaya't Siya ay nakapagkaloob ng paraan na sa pamamagitan noon sila ay muling maging kalugod- lugod sa Kanya at muling maibalik sa kanilang tahanang Eden. Pinasan ni Kristo ang pagtubos sa tao at ang pagliligtas sa sanlibutan mula sa mga kamay ni Satanas. Ang malaking tunggalian na sinimulan sa langit ay pagpapasyahan rin sa sanlibutan, sa lupaing inaangkin ni Satanas bilang kanya.MPMP 76.2

    Ikinamangha ng buong sansinukob ang si Kristo ay magpakababa upang iligtas ang nahulog na tao. Na Siya na nagdaan sa mga bituin, at sa mga daigdig, nangangasiwa sa lahat, na sa pamamagitan ng Kanyang mga pagkakaloob ay tumustos sa lahat ng uri ng Kanyang malawak na nilikha—na Siya'y sasang-ayong iiwan ang Kanyang kaluwalhatian at magkakatawang-tao, ay isang hiwaga na ninais maunawaan ng mga daigdig na hindi nagkasala. Noong si Kristo ay naparito sa sanlibutan sa anyong tao, lahat ay matamang sumusunod sa Kanya samantalang siya ay naglalakbay, bawat hakbang, sa mga duguang landas mula sa sabsaban hanggang sa kalbaryo. Tinandaan ng langit ang mga pag-insulto at pagkutya na Kanyang tinanggap, at kanilang nabatid na iyon ay ayon sa ibinubulong ni Satanas. Kanilang tinandaan ang pagsulong ng mga ahensya ng kalaban; Si Satanas na patuloy na nagpapalala sa kadiliman, kalungkutan, at paghihirap ng lahi, at si Kristo na nilalabanan iyon. Kanilang minasdan ang labanan ng liwanag at kadiliman samantalang iyon ay tumitindi. At samantalang si Kristo sa Kanyang nanlalatang kalagayan sa krus ay sumigaw, “Naganap na” (Juan 19:30), isang sigaw ng pagtatagumpay ang umalingawngaw sa bawat daigdig at maging sa langit din. Ang dakilang labanan na matagal nang nagpapatuloy sa sanlibutang ito ngayon ay napag- pasyahan na, at si Kristo ang nagtagumpay. Ang Kanyang pagkamatay ay tumugon sa katanungang kung ang Ama at ang Anak ay may sapat na pag-ibig para sa tao upang makapagsagawa ng pagtanggi sa sarili at ng isang espiritu ng pagsasakripisyo. Naihayag na ni Satanas ang kanyang tunay na likas bilang isang sinungaling at mamamatay-tao. Nahayag na yaong espiritung iyon sa pakikitungo niya sa mga anak ng tao na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan, kanya ring inihayag kung siya ay pinahintulutang magkaroon ng kapamahalaan sa langit. Sa nagkakaisang tinig ang sansinukob na tapat ay sama-samang pumuri sa banal na kapamahalaan.MPMP 76.3

    Kung ang kautusan ay maaaring mapalitan, ang tao sana ay maaaring nailigtas na wala ang sakripisyo ni Kristo; subalit ang katunayan na kailangang ibigay ni Kristo ang Kanyang buhay para sa nagkasalang lahi, ay nagpapatunay na hindi binibitiwan ng kautusan ng Dios ang pagkakasala. Inihayag na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Noong si Kristo ay namatay, ang pagpuksa kay Satanas ay natiyak. Subalit kung ang kautusan ay napawalang saysay sa krus, gaya ng sinasabi ng iba, kung magkagano'n ang paghihirap at pagkamatay ng pinakamamahal na Anak ng Dios ay tiniis upang maipagkaloob lamang kay Satanas kung ano ang kanyang hinihingi; at kung gano'n ay nagtagumpay ang prinsipe ng kasamaan, ang kanyang mga hatol sa banal na kapamahalaan ay napagtibay. Ang katotohanan na dinala ni Kristo ang kabayaran ng pagkakasala ng tao ay isang matibay na patotoo sa lahat ng nilikha na ang kautusan ay hindi maaaring palitan; na ang Dios ay matuwid, mahabagin, at mapagtanggi sa sarili; na ang walang hanggang kahatulan at kahabagan ay magkaugnay sa pagpapatakbo ng Kanyang pamahalaan.MPMP 77.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents