Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 44—Pagtawid sa Jordan

    Ang kabanatang ito ay batay sa Josue 1 hanggang 5:12.

    Lubos na ipinagdalamhati ng mga Israelita ang pinuno nilang umalis, at tatlumpung araw ang itinalaga para sa mga natatanging serbisyo alang-alang sa pag-alaala sa kanya. Hindi pa kailan man hanggang sa siya ay kinuha mula sa kanila, lubos na kanilang nabatid ang kahalagahan ng kanyang mahuhusay na mga payo, pagkagiliw ng isang magulang at pananampalatayang hindi nanlulupaypay. May bago at higit na pagpapahalaga, kanilang inalala ang mahahalagang mga liksyon na kanyang ibinigay sa kanila nang siya ay kasama pa nila.MPMP 567.1

    Si Moises ay patay na, subalit ang kanyang impluwensya ay hindi namatay na kasama niya. Iyon ay mabubuhay at kusang dadami sa puso ng kanyang bayan. Ang alaala ng banal at hindi makasariling buhay na iyon ay matagal pakamamahalin, na may tahimik, at mapanghikayat na kapangyarihang humuhubog sa mga buhay maging noong nakalimot sa kanyang mga buhay na salita. Kung paanong ang liwanag ng bumababang araw ay nagpapaliwanag sa tuktok ng mga bundok matagal nang nakalubog ang araw sa likod ng mga burol, gano'n din naman ang mga gawa ng dalisay, banal, at mabuti, ay nagbibigay liwanag sa sanlibutan matagal nang lumipas ang mga gumanap doon. Ang kanilang mga gawa, mga salita, at halimbawa ay mabubuhay magpakailan pa man. “Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.” Mga Awit 112:6.MPMP 567.2

    Samantalang sila ay lubos na nalulungkot sa malaking nawala sa kanila, alam ng bayan na sila ay hindi pinabayaan. Ang haliging ulap ay tumatapat sa tabernakulo kung araw, at ang haliging apoy kung gabi, na isang katiyakan na ang Dios pa rin ang kanilang gabay at katulong samantalang sila ay lumalakad ayon sa kanyang mga utos.MPMP 567.3

    Si Josue na ang kinikilalang pinuno ng Israel. Bukod tangi siyang nakilala bilang isang mandirigma, at ang kanyang mga kaloob at mga katangian ay bukod tanging mahalaga sa yugtong ito ng kasaysayan ng kanyang bayan. Matapang, may matibay na pasya, mapagpunyagi, maliksi, tapat, walang makasariling iniisip sa pangangalaga doon sa itinalaga upang kanyang pangasiwaan, at, higit sa lahat, ay pinasisigla ng isang buhay na pananampalataya sa Dios, iyon ang pagkatao ng lalaking pinili ng Dios upang pangunahan ang mga hukbo ng Israel sa kanilang pagpasok sa Lupang Pangako. Sa panahon ng kanilang paninirahan sa ilang siya ay gumanap bilang punong ministro kay Moises, at sa pamamagitan ng kanyang matahimik, at walang pag- kukunwaring katapatan, katatagan nang ang lahat ay nanlulupaypay, katibayan sa panghahawak sa katotohanan sa gitna ng panganib, siya ay nagbigay ng katibayan ng kanyang pagiging handa upang humalili kay Moises, bago pa man siya tawagin sa tungkulin sa pamamagitan ng tinig ng Dios.MPMP 567.4

    May malaking kabalisahan at hindi pagtitiwala sa sarili na si Josue ay tumingin sa gawain na nasa kanyang harapan; subalit ang kanyang mga pangamba ay napawi sa pamamagitan ng paniniyak ng Dios, “Kung paanong Ako'y suma kay Moises, ay gayon Ako sasa iyo: hindi kita iiwan ni pababayaan kita.... Iyong ipamamana sa bayang ito ang lupain na Aking isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila.” “Bawat dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa, ay naibigay Ko na sa inyo, gaya ng sinalita Ko kay Moises.” Hanggang sa mga bundok ng Libano sa malayong dako, hanggang sa mga baybay ng Malaking Dagat, at hanggang sa mga pampang ng Eufrates sa silangan—lahat ay magiging kanila.MPMP 568.1

    Sa pangakong ito ay idinagdag ang tagubiling, “Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, na isagawa mo ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na Aking lingkod.” Ang bilin ng Dios ay, “Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi;” “huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa;” “sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.”MPMP 568.2

    Ang mga Israelita ay nagkakampamento pa rin sa silangang bahagi ng Jordan, na naghayag ng unang hadlang sa pagsakop sa Canaan. “Tumindig ka,” ang unang mensahe ng Dios kay Josue, “tumawid ka sa Jordang ito, ikaw, at ang buong bayang ito, hanggang sa lupain na Aking ibinibigay sa kanila.” Walang tagubiling ibinigay kung paano sila tatawid. Alam ni Josue, gano'n pa man, na kung ano man ang ipag-utos ng Dios, Siya ay gagawa ng daan para sa Kanyang bayan upang iyon ay maisakatuparan, at sa pananampalatayang ito ang matapang na pinuno ay kaagad nagsimula ng kanyang pagsasaayos para sa pagsulong.MPMP 568.3

    May ilang milya ang layo mula sa kabila ng ilog, sa kabila mismo ng pinagkampuhan ng mga Israelita, ay ang malaki at matibay na nababakurang lungsod ng Jerico. Ang lungsod na ito ang nasa lugar na pinakasusi sa buong bansa, at iyon ay naghahayag ng isang na- kakatakot na hadlang sa pagtatagumpay ng Israel. Kung kaya't si Josue ay nagsugo ng dalawang kabataan bilang mga tiktik upang dumalaw sa lungsod na ito, at tiyalan ang ilang mga bagay tulad ng bilang ng mga naninirahan doon, mga kayamanan, at lakas ng kuta. Ang mga naninirahan sa lungsod, takot at naghihinala, ay patuloy na nagmamanman, at ang mga sugo ay nasa isang malaking panganib. Sila, gano'n pa man, ay iningatan sa pamamagitan ni Rahab, isang babae na taga Jerico, na naglagay sa panganib ng sariling buhay. Bilang ganti sa kanyang kabutihan, siya ay pinangakuan nilang ililigtas kapag ang lungsod ay kinuha.MPMP 569.1

    Ang mga tiktik ay ligtas na nagbalik dala ang balitang, “Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin.” Binanggit sa kanila sa Jerico, “Aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Pula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Ehipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa. At pagkabalita namin ay nanglumo ang aming puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; sapagkat ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.”MPMP 569.2

    Ipinag-uutos na ngayon na maghanda sa pagsulong. Ang bayan ay kinakailangang maghanda ng pagkaing sasapat sa tatlong araw, at ang sandatahan ay kinakailangang nagagayakan sa pakikipagdigma. Ang lahat ay buong pusong sumangayon sa mga panukala ng kanilang pinuno, at tiniyak sa kanya ang kanilang pagtitiwala at pagtulong: “Lahat ng iyong iniutos sa amin ay aming gagawin, at saan mo man kami suguin ay paroroon kami. Kung paanong aming dininig si Moises sa lahat ng mga bagay, ay gayon ka namin didinggin: sumaiyo lamang ang Panginoon mong Dios, na gaya kay Moises.”MPMP 569.3

    Iniwan ang kanilang pinagkampohan sa mga lilim ng acacia sa Shittim, ang hukbo ay bumaba tungo sa pampang ng Jordan. Alam ng lahat, gano'n pa man, na kung wala ang pagtulong ng Dios ay hindi sila makaaasang makatatawid. Sa panahong ito ng taon—na tagsibol—ang mga natutunaw na niyebe sa mga bundok ay lubhang nagpataas ng tubig ng Jordan kung kaya't iyon ay umaapaw sa mga pangpang, kung kaya't impossibleng makatawid sa mga pangkarani- wang tawiran noon. Niloob ng Dios na ang pagtawid ng Israel sa Jordan ay maging isang himala. Si Josue, ayon sa utos ng Dios, ay nag-utos sa bayan na magpakabanal; kinakailangang ialis nila ang kanilang mga kasalanan, at maging malaya sa lahat ng panglabas na karumihan; “sapagka't bukas,” wika niya, “ay gagawa ng mga kaba- balaghan ang Panginoon sa inyo.” Ang “kaban ng tipan” ay kinakailangang umuna sa daan sa harap ng hukbo. Kapag nakita nila ang tanda ng presensya ni Jehova, na dala ng mga saserdote, ay inalis sa gitna ng kampamento, at nagtungo sa ilog, sila ay kinakailangang “kumilos sa kanilang dako at sumunod.” Ang mga magaganap sa pagtawid ay masusing ipinahayag; at sinabi ni Josue, “Sa ganito ay inyong makikilala na ang buhay na Dios ay nasa gitna ninyo, at walang pagsalang Kanyang itataboy sa harap ninyo ang Cananeo.... Narito, ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong lupa ay nagpa- pauna sa inyo sa Jordan.”MPMP 569.4

    Sa panahong itinakda ay nagpasimula ang pasulong na pagkilos, ang kaban, na dala ng mga saserdote sa kanilang mga balikat, ang nangunguna sa lahat. Ang bayan ay inutusang maiwan sa huli, upang magkaroon ng bakanteng dako na mahigit sa kalahating milya ang layo mula sa kaban. Ang lahat ay nagmasid na may malalim na kasabikan samantalang ang mga saserdote ay nagpapatuloy tungo sa mga pangpang ng Jordan. Nakita nila ang mga iyon nang ang banal na kaban ay tumuloy na walang tigil tungo sa galit, at malakas na agos, hanggang ang mga paa ng mga nagdadala noon ay nailusong sa mga tubig. At ang tubig na nagmumula sa itaas ay biglang nahawi paurong, samantalang ang agos paibaba ay nagpatuloy, at ang ka- ilaliman ng ilog ay nalantad.MPMP 570.1

    Ayon sa ipinag-utos ng Dios, ang mga saserdote ay nagtungo sa gitna ng dadaanan, at doon ay tumindig, at ang buong hukbo naman ay bumaba at tumawid tungo sa pampang na nasa malayo. Sa gano'ng paraan ay napatanim sa isip ng buong Israel ang katotohanan na ang kapangyarihang pumigil sa mga tubig ng Jordan ay siya ring nagbukas sa Dagat na Pula sa kanilang mga magulang apat na pung taon na ang nakalilipas. Nang ang buong bayan ay nakatawid na, ang kaban ay dinala na rin sa kanlurang baybay. Pagkarating noon sa dakong ligtas, at “nang matuntong sa tuyong lupa ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote,” ang tubig na napigil, nang makawala, ay mabilis na umagos pababa, na isang bahang hindi mapipigilan, sa likas na inaagusan ng ilog.MPMP 570.2

    Ang mga sumusunod na lahi hindi nawalan ng patotoo sa dakilang himalang ito. Nang ang mga saserdote na may dala sa kaban ay naroon pa sa gitna ng Jordan, labing dalawang lalaki na dati nang pinili, na isa mula sa bawat lipi, ang kumuha ng bato mula sa naigahang bahagi ng ilog na kinatatayuan ng mga saserdote, at dinala ang mga iyon sa kanlurang bahagi. Ang mga batong iyon ay itinayo na isang bantayog sa unang lugar na kanilang pinagkampohan sa kabila ng ilog. Ipinag-utos sa bayan na kanilang isasaysay sa kanilang mga anak at mga inanak ang pagliligtas na ginawa ng Dios para sa kanila, kagaya ng pagkakasabi ni Josue, “Upang makilala ng lahat na mga bayan sa lupa ang kamay ng Panginoon, na makapangyarihan; upang sila'y matakot sa Panginoon ninyong Dios magpakailan man.”MPMP 571.1

    Ang impluwensya ng himalang ito, kapwa sa mga Hebreo at sa kanilang mga kaaway, ay may malaking kahalagahan. Iyon ay isang paniniyak sa Israel sa nagpapatuloy na pakikiharap at pag-iingat ng Dios—isang katibayan na Siya ay gagawa para sa kanila sa pamamagitan ni Josue tulad sa Kanyang ginawa sa pamamagitan ni Moises. Ang gano'ng paniniyak ay kailangan upang palakasin ang kanilang mga puso samantalang sila'y pumapasok sa pagsakop sa lupain—ang malaking tungkulin na nagpalupaypay sa pananampalataya ng kanilang mga magulang apat na pung taon na ang nakalili- pas. Ang Panginoon ay nagpahayag kay Josue bago sila tumawid, “Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel, upang kanilang makilala, na kung paanong Ako'y suma kay Moises ay gayon Ako sasaiyo.” At ang nangyari ay tumupad sa pangako. “Nang araw na yaon ay pinadakila ng Panginoon si Josue sa paningin ng buong Israel; at sila'y natakot sa kanya, gaya ng kanilang pagkatakot kay Moises, sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay.” Ang pagkilos na ito ng kapangyarihan ng Dios ay inihanda rin upang dagdagan ang takot na ikinatakot sa kanila ng mga kalapit na mga bansa, nang sa gayon ay mahanda ang daan para sa mas madali at ganap na pagtatagumpay. Nang ang balita na pinigilan ng Dios ang tubig ng Jordan sa harap ng Israel, ay nakarating sa mga hari ng mga Amorrheo at mga Canaanita, ang kanilang mga puso ay nanga- tunaw sa takot. Napatay na ng mga Hebreo ang limang mga hari ng Madian, ang makapangyarihang si Sihon, na hari ng mga Amorrheo, at si Og ng Basan, at ngayon ang pagtawid sa bumababa at malakas ang agos na Jordan ay naghatid ng takot sa lahat ng mga kalapit na mga bansa. Sa mga Canaanita, sa buong Israel, at gano'n din kay Josue, isang malinaw na katibayan ang ibinigay na ang buhay na Dios, ang Hari ng langit at ng lupa, ay kasama ng Kanyang bayan, na hindi Niya sila “iiwan ni pababayaan.”MPMP 571.2

    Sa isang dako na malapit sa Jordan ang mga Hebreo ay gumawa ng una nilang kampamento. Dito ni Josue “tinuli ang mga anak ni Israel;” “at ang mga anak ni Israel ay humantong sa Gilgal, at kanilang ipinagdiwang ang Pascua.” Ang pagtigil sa pagtutuli buhat nang maghimagsik sa Kades ay naging isang nagpapatuloy na patotoo sa Israel na ang kanilang pakikipagtipan sa Dios, na sinisimbuluhan noon ay nasira. At ang hindi pagpapatuloy sa Pascua, ang alaala ng kanilang pagkaligtas mula sa Ehipto, ay naging isang katibayan ng hindi pagkalugod ng Panginoon sa kanilang pagnanasang bumalik sa lupain ng pagkaalipin. Ngayon, gano'n pa man, ang mga taon ng pagtatakwil ay natapos na. Minsan pa ay kinilala ng Dios ang Israel bilang Kanyang bayan, at ang simbolo ng tipanan ay ibinalik. Ang pagtutuli ay isinagawa sa buong Israel na ipinanganak sa ilang. At ipinahayag ng Dios kay Josue, “Sa araw na ito ay inalis Ko sa inyo ang pagdusta ng Ehipto,” at dahil dito ang dako na kanilang pinagkampohan ay tinawag na Gilgal, “isang pag-aalis” o “pagpawi”.MPMP 572.1

    Hinihiya ng mga hindi kumikilala sa Dios ang Panginoon at ang Kanyang bayan dahil hindi nasakop ng mga Hebreo ang Canaan, gaya ng kanilang inaasahan, nang sila ay umalis sa Ehipto. Ang kanilang mga kaaway ay nagalak sa pagtatagumpay sapagkat ang Israel ay matagal nang naglagalag sa ilang, at may pagkutya nilang ipinahayag na hindi magawa ng Dios ng mga Hebreo na sila ay ipasok sa Lupang Pangako. Ngayon ay malinaw nang ipinahayag ng Dios ang Kanyang kapangyarihan at pagkalugod sa pagbubukas ng Jordan para sa Kanyang bayan, at hindi na sila maaaring hiyain ng kanilang mga kaaway.MPMP 572.2

    “Nang ika-labing apat na araw ng buwan sa kinahapunan,” ang Pascua ay ipinagdiwang sa mga kapatagan ng Jerico. “At sila'y ku- main ng imbak na trigo ng lupain sa kinabukasan pagkatapos ng Pascua, ng mga tinapay na walang lebadura, at ng sinangag na trigo, sa araw ding yaon. At ang mana ay naglikat nang lanabukasan, pagkatapos na sila'y makakain ng imbak na trigo ng lupain; at hindi naman nagkaroon pa ng mana ang mga anak ni Israel; kundi sila'y kumain ng bunga ng lupain ng Canaan.” Tapos na ang mahabang mga taon ng kanilang paglalagalag sa ilang. Sa wakas ang mga paa ng Israel ay tumatahak sa Lupang Pangako.MPMP 572.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents