Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 48—Ang Pagkakabahagi ng Canaan

    Ang kabanatang ito ay batay sa Josue 10:40-43; 11; 14 hanggang 22.

    Ang pagtatagumpay sa Bet-horon ay mabilis na sinundan ng pagsakop sa timog Canaan. “Sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang timugan, at ang mababang lupain;...at ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagkat ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal.”MPMP 601.1

    Ang mga tribo sa hilagang Palestina, sa takot sa mga pagtatagumpay ng mga hukbo ng Israel, ngayon ay pumasok sa isang samahan laban sa kanila. Namumuno sa samahang ito ay si Jabin, hari ng Hasor, isang teritoryo sa kanluran ng Lawa ng Merom. “At sila'y lumabas, sila at ang mga hukbo na kasama nila.” Ang sandatahang ito ay higit na malaki kaysa alin mang nakasagupa na ng Israel sa Canaan— “maraming tao, na gaya nga ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan, na may mga kabayo at mga karo na totoong marami. At ang lahat ng mga haring ito ay nagpipisan; at sila'y naparoon at humantong na magkakasama sa tubig ng Merom, upang makipaglaban sa Israel.” At muli ang isang mensaheng pampasigla ay ibinigay kay Josue: “Huwag kang matakot ng dahil sa kanila; sapagkat bukas sa ganitong oras ay ibibigay Ko silang lahat na patay sa harap ng Israel.”MPMP 601.2

    Malapit sa Lawa ng Merom siya ay sumugod sa kampamento ng mga bansang natipon, at lubos na pinuksa ang kanilang mga puwersa. “Ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila...hanggang sa wala silang iniwan sa kanila.” Ang mga karo at mga kabayo na siyang ikinararangal at ipinagmamalaki ng mga Canaanita, ay hindi kinakailangang gamitin ng Israel. Ayon sa ipinag-utos ng Dios ang mga karo ay sinunog at ang mga kabayo ay pinilay, kung kaya't hindi maaaring magamit sa digmaan. Hindi marapat na ilagay ng mga Israelita ang kanilang tiwala sa mga karo o mga kabayo kundi sa “pangalan ng Panginoon nilang Dios.”MPMP 601.3

    Ang mga bayan ay isa-isang sinakop, at ang Hasor, ang matibay na tanggulan ng nagsama-samang mga bansa ay sinunog. Ang digmaan ay nagpatuloy sa loob ng ilang mga taon, subalit ang wakas noon ay pagtatagumpay ni Josue sa Canaan. “At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma.”MPMP 602.1

    Subalit bagaman ang kapangyarihan ng mga Canaanita ay nawasak, sila ay hindi pa lubos na napupuksa. Sa kanlurang bahagi ng Palestina ay mayroon pang isang mayamang kapatagan sa tabing dagat, samantalang sa gawing hilaga nila ay ang mga taga Sidon. Ang Libano ay nasa kanila pa ring pag-aari; at sa timog, patungo sa Ehipto, ang lupain ay nasasakop pa rin ng mga kalaban ng Israel.MPMP 602.2

    Gano'n pa man ay hindi na kinakailangang ipagpatuloy ni Josue ang pakikipagdigmaan. Mayroon pang isang malaking gawain na kinakailangang gampanan ng dakilang pinuno bago niya bitiwan ang pamumuno sa Israel. Ang buong lupain, kapwa ang mga bahaging nalupig na at ang hindi pa nalulupig, ay kinakailangang ibahagi sa mga lipi. At tungkulin ng bawat lipi ang lupigin ang sarili nilang mana. Kung patotohanan ng mga tao ang magiging tapat sa Dios, ay kanyang palalayasin ang kanilang mga kaaway sa harap nila; at Kanyang ipinangako na bibigyan pa sila ng higit pang mga pag-aari kung sila lamang ay magiging tapat sa Kanyang tipan.MPMP 602.3

    Kay Josue, gano'n din kay Eleazar na punong saserdote, at sa mga pangulo ng mga lipi, ay itinagubilin ang pagbabahagi ng lupain, ang kalalagyan ng bawat lipi ay ipapagpasya sa pamamagitan ng pagbabahagi. Naitakda na ni Moises ang mga hangganan ng lupain kung paanong iyon ay babahagihin sa mga lipi kapag sila ay nakarating na sa lupain, at nagtalaga ng mga prinsipe mula sa bawat lipi upang humarap sa pamamahagi. Ang lipi ni Levi, sapagkat nakatalaga sa paglilingkod sa santuwaryo, ay hindi kabilang sa pamamahaging ito; sa halip ay apat napu't walong mga lungsod sa iba't-ibang bahagi ng lupain ang itinalaga sa mga Levita na pinaka mana.MPMP 602.4

    Bago isinagawa ang pamamahagi ng lupain, si Caleb, kasama ng mga pinuno ng kanyang lipi, ay humarap para sa isang natatanging kahilingan. Liban kay Josue, si Caleb ngayon ang pinakamatandang lalaki sa Israel. Si Caleb at si Josue lamang ang kasama sa mga tiktik na naghatid ng mabuting ulat tungkol sa lupang pangako at hinimok ang mga taong magpatuloy at sakupin iyon sa ngalan ng Panginoon. Ipinaalala ngayon ni Caleb kay Josue ang pangakong ibinigay noon bilang gantimpala sa kanilang katapatan: “Ang lupain na tinungtungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man, sapagkat sumunod kang lubos sa Panginoon.” Kaya't siya'y humiling na ang Hebron ang ibigay sa kanya upang maging isang pag-aari. Dito sa loob ng maraming mga taon ay naging tahanan nila Abraham, Isaac, at Jacob; at dito, sa yungib ng Macpela, sila ay inilibing. Ang Hebron ay lugar ng mga kinatakutang mga Anacro, na ang matipunong mga hitsura ay lubos na kinatakutan ng mga tiktik, at sa pamamagitan nila ay sinira ang katapangan ng buong Israel. Ito, higit sa lahat, ang lugar na pinili ni Caleb, sa pagtitiwala sa lakas ng Dios, upang maging kanyang mana.MPMP 602.5

    “Narito, iningatan akong buhay ng Panginoon,” wika niya, “gaya ng Kanyang sinalita, nitong apat na pu't limang taon, mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises:...at ngayon, narito, sa araw na ito ako'y may walong pu't limang taon na. Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglabas pumasok. Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagkat iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.” Ang kahilingang ito ay sinuportahan ng pinuno ng Juda. Si Caleb ay isa sa mga itinalaga na humarap sa pagbabahagi ng lupain na mula sa liping ito, at pinili niya ang mga lalaking ito upang sumama sa kanya sa paghaharap ng kanyang kahilingan, upang hindi magkaroon ng anyo ng paggamit ng kanyang kapangyarihan para sa sariling kapa- kinabangan.MPMP 603.1

    Ang kanyang kahilingan ay kaagad ipinagkaloob. Wala nang iba pang higit na ligtas na pagkatiwalaan ng paglupig sa higante at matibay na kutang ito. “Binasbasan siya ni Josue at kanyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya,” “sapagkat kanyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel.” Ang pananampalataya ni Caleb ngayon ay tulad rin noong ang kanyang ulat ay sumalungat sa masamang ulat ng mga tiktik. Pinaniwalaan niya ang pangako ng Dios, na Kanyang ilalagay ang Kanyang bayan sa pag-aari sa Canaan, at dito siya lubos na sumunod sa Panginoon.MPMP 603.2

    Nagtiis siyang kasama ng kanyang bayan sa matagal na paglalagalag sa ilang, kaya't nakibahagi sa mga kabiguan at mga pasanin ng mga nagkasala; gano'n pa man hindi niya ito inireklamo, sa halip ay itinaas ang kaawaan ng Dios na nag-ingat sa kanya sa ilang nang ang kanyang mga kapatid ay pinatay. Sa gitna ng lahat ng mga kahirapan, panganib, at mga salot sa paglalagalag sa ilang, at sa mga taon ng pakikipagdigma mula nang pumasok sa Canaan, siya ay iningatan ng Panginoon; at ngayon sa edad na higit na sa walungpung taon ang kanyang lakas ay hindi pa nababawasan. Hindi siya humingi para sa kanyang sarili ng isang lupain na hindi pa nalulupig, sa halip ay ang lupain na higit sa lahat ay inisip ng mga tiktik na imposibleng malupig. Sa tulong ng Dios ay kanyang kukunin ang matibay na tanggulang ito mula sa mga higanteng ang kapangyarihan ay nagpahina sa pananampalataya ng Israel. Hindi isang pagnanasa sa karangalan o pagkakatanyag ang nag-udyok kay Caleb sa kahilingang iyon. Ang matapang na ma- tandang mandirigma ay nagnanasang magbigay sa bayan ng isang halimbawa na magpaparangal sa Dios, at makahihimok sa mga lipi na lubos na lupigin ang lupain na inisip na kanilang mga ama na hindi malulupig.MPMP 604.1

    Nakamtan ni Caleb ang manang minithi ng kanyang puso sa loob ng apat napung taon, at nagtitiwalang ang Dios ay sasakanya, kanyang “pinalayas mula roon ang tatlong anak ni Anac.” At nang magkaroon ng pag-aari para sa kanyang sarili at sa kanyang sambahayan, ang kanyang kasigasigan ay hindi nabawasan; hindi siya nanatili upang masiyahan sa kanyang mana, sa halip ay nagpatuloy sa marami pang panlulupig alang-alang sa bansa at sa ikaluluwalhati ng Dios.MPMP 604.2

    Ang mga duwag at nangaghimagsik ay nangamatay sa ilang, subalit ang mga matuwid na tiktik ay kumain ng ubas ng Escol. Ang bawat isa ay pinagkalooban ayon sa kanyang pananampalataya. Nakita ng mga hindi sumampalataya na natupad ang kanilang mga pangamba. Sa kabila ng pangako ng Dios, kanilang ipinahayag na imposibleng masakop ang Canaan, at iyon ay hindi nila sinakop. Subalit yaong mga nagtiwala sa Dios, na hindi higit tumingin sa mga kahirapang makakaharap kaysa lakas ng kanilang makapangyarihan sa lahat na Tagatulong, ay pumasok sa mabuting lupain. Sa pamamagitan ng pananampalataya yaong mga naging karapat-dapat noong una “nag- silupig ng mga kaharian,...nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging makapangyarihan sa pakikipagbaka, nangag- paurong ng mga hukbong taga ibang lupa.” Hebreo 11:33, 34 “Ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.” 1 Juan 5:4.MPMP 604.3

    Isa pang kahilingan tungkol sa pagbabahagi ng lupain ang naghayag ng espiritung malaki ang kaibahan sa nahayag kay Caleb. Iyon ay iniharap ng mga anak ni Jose, ang lipi ni Ephraim at ng kalahati ng lipi ni Manases. Dahil sa kalakihan ng kanilang bilang, ang liping ito ay humihingi ng dalawang bahagi ng teritoryo. Ang lupang napili para sa kanila ay ang pinakamayaman sa lupain, kabilang ang ma- yamang kapatagan ng Saron; subalit marami sa mga pangunahing bayan sa lambak ay nasasakupan pa ng mga Cananeo, at ang mga lipi ay umuurong sa gawain at panganib sa paglupig sa kanilang ari- arian, at nagnasa ng karagdagang bahagi ng lupain na nalupig na. Ang lipi ni Ephraim ay isa sa pinaka malaking lipi sa Israel, at siya ring kinabibilangan ni Josue, kaya't ang mga kaanib nito ay likas na itinuturing ang kanilang mga sarili na karapat-dapat sa natatanging konsiderasyon. “Bakit ang ibinigay mo sa akin ay isang kapalaran at isang bahagi lamang na pinakamana,” wika nila, “dangang malaking bayan ako?” Subalit walang paghiwalay mula sa mahigpit na ka- tarungan ang maaaring makuha mula sa hindi pabago-bagong pinuno.MPMP 605.1

    Ang kanyang sagot ay, “Kung ikaw ay malaking bayan, sumampa ka sa gubat, at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga Rephaim; yamang ang lupaing maburol ng Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo.”MPMP 605.2

    Ang kanilang sagot ay nagpahayag ng tunay na sanhi ng reklamo. Kulang sila ng pananampalataya at tapang upang palayasin ang mga Cananeo. “Ang lupaing maburol ay hindi sukat sa amin; at ang lahat ng mga Cananeo na tumatahan sa lupain ng libis ay may mga karong bakal.”MPMP 605.3

    Ang kapangyarihan ng Dios ng Israel ay ipinangako sa Kanyang bayan, at kung ang mga Ephraimita ay mayroong tapang at pananam- palatayang tulad ng kay Caleb, wala sanang kaaway ang maaaring tumindig sa harap nila. Ang lumalabas na ninanais nila na umiwas sa kahirapan at sa panganib ay malakas na hinarap ni Josue. “Ikaw ay malaking bayan, at may dakilang kapangyarihan,” wika niya; “iyong palalayasin ang mga Cananeo, bagaman sila'y may mga karong bakal, at bagaman sila'y matibay.” Kaya't ang sariling idinadahilan ay ginamit laban sa kanila. Sa pagiging isang malaking bayan, gaya ng sinasabi nila, magagawa nila ang kanilang naisin, tulad ng kanilang mga kapatid. Sa tulong ng Dios, hindi nila kinakailangan katakutan ang mga karong bakal.MPMP 605.4

    Hanggang sa mga panahong ito ang Gilgal ang nagsisilbing punong himpilan ng bansa at kinaroroonan ng tabernakulo. Subalit ngayon ang tabernakulo ay kinakailangang ilipat sa napiling lugar upang maging permanenteng lugar. Iyon ay ang Silo, isang maliit na bayan sa mana ni Ephraim. Iyon ay malapit sa kalagitnaan ng lupain, at madaling mapuntahan ng lahat ng mga lipi. Dito ay may isang bahagi ng lupain na lubos nang nasakop, kung kaya't ang mga sumasamba ay hindi magagambala. “At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpulong sa Silo, at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon.” Ang mga lipi na naroon pa sa kampamento nang ang tabernakulo ay inalis mula sa Gilgal ay sumunod doon, at nagkampamento malapit sa Silo. Dito ang mga liping ito ay nanatili hanggang sa sila ay naghiwa-hiwalay tungo sa kanilang ari-ariang dako.MPMP 606.1

    Ang kaban ay nanatili sa Silo sa loob ng tatlong daang taon, hanggang sa, dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ni Eli, iyon ay nahulog sa kamay ng mga Filisteo, at ang Silo ay winasak. Ang kaban ay hindi na kailan man ibinalik pa sa tabernakulo dito, ang mga serbisyo ng santuwaryo sa kahulihan ay inilipat sa templo sa Jerusalem, at ang Silo ay nahulog sa kawalan ng halaga. Mayroon lamang mga guho na pinakatanda kung saan iyon ay dating nakatayo doon. Makalipas ang mahabang panahon ang nangyari doon ay ginamit na babala sa Jerusalem. “Magsiparoon kayo ngayon sa Aking dako na nasa Silo, na siyang Aking pinagtahanan ng Aking pangalan nang una, at inyong tingnan kung ano ang Aking ginawa dahil sa kasamaan ng Aking bayan Israel.... Kaya't gagawin Ko sa bahay na tinatawag sa Aking pangalan, na inyong tinitiwalaan, at sa dakong ibinigay Ko sa inyo at sa inyong mga magulang, ang gaya ng Aking ginawa sa Silo.” Jeremias 7:12,14.MPMP 606.2

    “Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain” at ang lahat ng lipi ay nabahagihan ng mana, at inihayag ni Josue ang kanyang kahilingan. Para sa kanya, tulad rin kay Caleb, isang natatanging pangako ang ipinagkaloob; gano'n pa man hindi siya humiling ng isang malawak na lalawigan, kundi isang bayan lamang. “Kanilang ibinigay sa kanya ang bayang kanyang hiningi,...at kanyang itinayo ang bayan at tumahan doon.” Ang pangalang ibinigay sa bayan ay Timnath-sera, “ang bahaging natira,” isang patotoo sa marangal na pagkatao at espiritung hindi makasarili ng manlulupig, na, sa halip na inuna ang sarili sa pagbabahagi ng samsam ng pagkapanalo, ay nagpahuli hanggang sa ang pinaka aba sa kanyang bayan ay napag- kalooban.MPMP 606.3

    Anim sa mga bayan na nakatalaga sa mga Levita, tatlo sa bawat kabilang panig ng Jordan ay itinalaga bilang mga bayang ampunan, kung saan ang nakapatay ng tao ay maaaring pumunta upang maligtas. Ang pagtatalaga sa mga bayang ito ay ipinag-utos ni Moises, “upang ang nakamatay ng tao na pumatay ng sinomang tao na hindi sinasadya, ay makatakas doon. At ang mga bayang yaon ay magiging sa inyo'y pinaka ampunan laban sa manghihiganti,” wika niya, “upang ang nakamatay ay huwag mamatay, hanggang sa maitayo sa kapisanan na hatulan.” Mga Bilang 35:11, 12. Ang may habag na kaloob na ito ay nakitang kailangan dahil sa kaugalian noon ng sarilinang paghihiganti, na sa pamamagitan noon ang pagpaparusa sa nakapatay ng tao ay nakasalalay sa pinakamalapit na kamag-anak o ng kasunod na taga- pagmana ng namatay. Sa mga pagkakataon na ang kaso ay malinaw, hindi na kailangang pang hintayin ang kapasyahan ng mga hukom. Maaaring habulin ng tagapaghiganti ang kriminal saan mang dako, at siya ay patayin saan man siya masumpungan. Nakita ng Panginoon na hindi pa angkop na alisin ang kaugaliang iyon noon, subalit naglaan Siya ng paraan upang matiyak ang kaligtasan noong maaaring ma- kakitil ng buhay na hindi sinasadya.MPMP 607.1

    Ang mga bayang ampunan ay ikinalat upang marating sa kalahating araw ng paglalakbay mula sa bawat bahagi ng lupain. Ang mga lan- sangang patungo sa mga iyon ay palaging iniingatang maayos; sa habang daan, ay kinakailangang may nakalagay na mga karatula na naghahayag na salitang “ampunan” sa malinaw at malalaking mga titik upang ang taong tumatakas ay huwag maantala kahit sa isang sandali. Ang sinumang tao—Hebreo, taga ibang bayan, o nakiki- pamayan—ay maaaring makinabang sa kaloob na ito. Subalit bagamat ang walang sala ay hindi kinakailangang mapatay kaagad-agad, hindi rin naman kinakailangang makatakas sa parusa ang sinumang may sala. Ang usapin tungkol sa taong tumatakas ay kinakailangang malitis na may katarungan ng may angkop na kapangyarihan, at kung masumpungan lamang na pagpatay na hindi sinasadya saka maiingatan ng bayang ampunan. Ang may sala ay isinusuko sa tagapaghiganti. At yaong may karapatang maingatan ay nagkakaroon lamang noon sa kondisyon na mananatili sa itinalagang ampunan. Kung siya ay lalabas sa itinalagang mga hangganan, at siya'y masumpungan ng tagapaghiganti ng dugo, babayaran ng kanyang buhay ang kaparusahan ng pagbaliwala niya sa inilaan ng Panginoon. Gano'n pa man sa pag- kamatay ng punong saserdote, ang lahat ng nangasa bayang ampunan ay maaari nang umuwi sa kani-kanilang mga pag-aari.MPMP 607.2

    Sa isang paglilitis sa nakapatay, ang inaakusahang may sala ay hindi kinakailangang parusahan dahil sa patotoo ng iisang saksi, bagaman ang mga pangyayari ay maaaring matibay na nagpapatotoo laban sa kanya. Ang tagubilin ng Panginoon ay, “Sinomang pumatay sa kaninoman, ay patayin ang pumatay sa patotoo ng mga saksi: ngunit ang isang saksi ay hindi makapagpapatotoo laban sa kaninomang tao upang patayin.” Mga Bilang 35:30. Si Kristo ang nagbigay ng mga tagubiling ito kay Moises para sa Israel; at nang siya ay kasama ng Kanyang mga alagad sa lupa, nang tinuruan Niya sila kung paanong pakikitunguhan ang nagkasala, inulit ng dakilang tagapagturo ang liksyon na ang patotoo ng isang tao ay hindi maaaring magpawalang- sala o magpahamak. Ang mga pananaw at kuro-kuro ng isang tao ay hindi maaaring magpasya sa pinagtatalunang mga katanungan. Sa lahat ng mga bagay na ito, ang dalawa o higit ay kinakailangang magkaisa, at magkasama silang magdadala ng responsibilidad, “upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawat salita.” Mateo 18:16.MPMP 608.1

    Kung ang nililitis sa pagpatay ay nasumpungang may sala, walang pangbayad o pangtubos ang maaaring makapagligtas sa kanya. “Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kanyang dugo.” Genesis 9:6 “Huwag kayong tatanggap ng suhol sa buhay ng pumatay na nagiging salarin sa pagpatay: kundi siya'y walang salang papatayin.” “Alisin mo siya sa Aking dambana upang patayin,” ang iniutos ng Dios; “walang paglilinis na magagawa sa lupa dahil sa dugo na nabubo.” Mga Bilang 35:31, 33; Exodo 21:14. Kinakailangan para sa kaligtasan at kadalisayan ng bansa na ang kasalanan ng pagpatay ay mahigpit na maparusahan. Ang buhay ng tao na ang Dios lamang ang siyang nakapagbibigay, ay kinakailangang banal na maingatan.MPMP 608.2

    Ang mga bayang ampunan na itinalaga para sa bayan ng Dios noong una ay mga larawan ng ampunang ipinagkaloob kay Kristo. Ang maawaing Tagapagligtas na nagtakda noong mga bayang ampunang pang dito sa lupa, sa pamamagitan ng pagbubuhos ng sarili niyang dugo ay nagbibigay sa nagkasala sa kautusan ng Dios ng isang tiyak na matatakbuhan, kung saan sila ay makakapunta upang maligtas mula sa ikalawang kamatayan. “Walang anomang hatol sa mga na kay Kristo Jesus.” “Sino ang hahatol? Si Kristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin;” “tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pag-asang nalalagay sa ating unahan.” Roma 8:1, 34; Hebreo 6:18.MPMP 608.3

    Siya na tumatakbo tungo sa bayang ampunan ay hindi maaaring magpaantala. Ang pamilya at ang trabaho ay iniiwan. Wala nang panahon upang magpaalam sa mga mahal sa buhay. Ang kanyang buhay ay nakataya at ang bawat ibang interes ay kinakailangang isakripisyo alang-alang sa iisang layunin—na marating ang dako ng kaligtasan. Ang kapaguran ay kinalimutan, ang kahirapan ay hindi pinapansin. Ang tumatakas para sa kanyang kaligtasan ay hindi maaaring maantala sa isang sandali hanggang sa siya ay hindi nakararating sa loob ng bayan.MPMP 609.1

    Ang taong nagkasala ay nakalantad sa walang hanggang kamatayan hanggang kanyang masumpungan ang dakong mapagkukublihan kay Kristo; at kung paanong ang paglalagalag at pagpapabaya ay maaaring maging sanhi upang ang tumatakas ay mawalan ng natatanging pagkakataon upang mailigtas ang buhay, gano'n din naman ang pag- kaantala at kakulangan ng pagpapahalaga ay maaaring maging sanhi ng pagkapahamak ng kaluluwa. Si Satanas, ang dakilang kaaway, ay nagbabantay sa bawat sumasalangsang sa kautusan ng Dios, at siya na hindi nakababatid ng kanyang panganib, at hindi masikap na hinahanap ang kanyang mapagkukublihan sa walang hanggang kub- lihan, ay mahuhulog na biktima ng mamumuksa.MPMP 609.2

    Ang nakakulong na lalabas sa bayang ampunan sa anumang sandali ay nahahayaan sa tagapaghiganti. Sa gano'ng paraan ang bayan ay tinuruang sumunod sa paraang itinalaga ng walang hanggang karunungan para sa kanilang kaligtasan. Gano'n din naman, hindi sapat sa isang nagkasala ang maniwala kay Kristo para sa kapatawaran ng kasalanan; kinakailangan niyang, sa pamamagitan ng pananampalataya at pagkamasunurin, ay manahan sa Kanya. “Sapagkat kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pag- kalalala sa katotohanan ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa pag- huhukom, at isang kabangisan na apoy na lalamon sa mga kaaway.” Hebreo 10:26, 27.MPMP 609.3

    Dalawa sa lipi ni Israel, ang kay Gad at kay Ruben, kasama ang kalahati ng lipi ni Manases, ay tumanggap sa kanilang mana bago pa tumawid sa Jordan. Para sa isang bayan ng mga pastol, ang malawak at mataas na kapatagan at mayamang kagubatan ng Galaad at Basan, na mayroong malawak na mapagpapastulan ng kanilang mga alagang tupa at mga baka, ay may pang-akit na hindi masusumpungan sa Canaan, at ang dalawa at kalahating lipi, sa pagnanasang manirahan dito, ay nangakong magpapadala ng kanilang bahagi sa hukbong sandatahan upang sumama sa kanilang mga kapatid sa kabila ng Jordan, at makibahagi sa kanilang mga pakikipagdigma hanggang sa sila'y makapasok sa kanilang mana. Ang tungkulin ay matapat na ipinagkaloob. Nang ang sampung lipi ay pumasok sa Canaan, apat na pung libo sa “mga anak ni Ruben, at mga anak ni Gad, at ang kalahati ni Manases,...handa sa pakikipagdigma ang dumaan sa harap ng Panginoon na patungo sa pakikibaka, sa mga kapatagan ng Jerico.” Josue 4:12, 13. Sa loob ng ilang mga taon sila ay may tapang na nakipaglaban sa piling ng kanilang mga kapatid. Ngayon ay dumating na ang panahon upang sila ay umuwi sa lupaing kanilang aariin. Kung paanong sila ay nakisama sa kanilang mga kapatid sa pakikibaka, sila din naman ay nakibahagi sa mga samsam; at sila'y umuwi “na may maraming kayamanan,...may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan,” ang lahat ng iyon ay ibabahagi doon sa mga naiwang kasama ng kanilang mga sambahayan at mga kawan.MPMP 610.1

    Sila ngayon ay mananahang malayo sa santuwaryo ng Panginoon, at may pangambang minasdan ni Josue ang kanilang paglisan na batid kung gaano katindi ang magiging mga tukso sa kanilang nakahiwalay at naglalagalag na buhay, upang mahulog sa kaugalian ng mga tribong hindi kumikilala sa Dios na naninirahan sa kanilang dako ng hangganan.MPMP 610.2

    Samantalang ang pag-iisip ni Josue at ng ibang mga pinuno ay pagod na sa maraming mga alalahanin, isang kakaibang balita ang nakarating sa kanila. Sa tabi ng Jordan, malapit sa lugar na ma- hiwagang tinawiran ng Israel ang dalawa at kalahating lipi ay nagtayo ng isang malaking dambana, na katulad sa dambana ng handog na susunugin sa Silo. Ipinagbabawal ng kautusan ng Dios, na may parusang kamatayan, ang pagtatag ng ibang pagsamba liban sa nasa santuwaryo. Kung gano'n ang layunin ng dambanang iyon, iyon ay, kung pahihintulutang manatili, aakay sa bayan upang malayo sa tunay na pananampalataya.MPMP 610.3

    Ang mga kinatawan ng bayan ay natipon sa Silo, at sa kainitan ng kanilang pagkakagulo at galit, ay nagmungkahing makipagdigmaan kaagad sa mga mananalansang. Sa pamamagitan ng impluwensya ng mga higit na maingat gayon pa man, ipinagpasyang magpadala muna ng isang delegasyon upang kumuha ng paliwanag mula sa dalawa at kalahating lipi. Sampung mga prinsipe, isa mula sa bawat lipi, ang pinili. Ang namumuno sa kanila ay si Phinees, na nakilala dahil sa kanyang kasigasigan sa nangyari sa Peor.MPMP 611.1

    Ang dalawa at kalahating lipi ay nagkamali sa pagpasok, na walang paliwanag, sa isang gawain na bukas sa gano'n katinding paghihinala. Ang mga kinatawan, na may kaisipan na ang kanilang mga kapatid ay nagkamali, ay humarap sa kanila na may mabibigat na mga sumbat. Inakusahan nila sila ng paglaban sa Panginoon, at ipinaalala sa kanila kung paanong ang mga kahatulan ay dumating sa Israel dahil sa kanilang pakikilakip kay Baal-Peor. Sa ngalan ng buong Israel, ipinahayag ni Phinees sa mga anak ni Gad at ni Ruben na kung sila ay hindi handang manirahan sa lupain na wala yaong dambana para sa mga hain, sila ay tatanggapin na kabahagi sa mga pag-aari at mga karapatan ng kanilang mga kapatid sa kabilang panig.MPMP 611.2

    Bilang katugunan, ang inaakusahan ay nagpaliwanag na ang kanilang dambana ay hindi inihanda para sa paghahain, kundi isa lamang paalaala na, bagaman nakabukod dahil sa ilog, ang kanilang pananampalataya ay tulad rin ng sa kanilang mga kapatid sa Canaan. Kinilang ipinangamba na sa darating na mga taon sa hinaharap ay maaaring mawalay ang kanilang mga anak mula sa santuwaryo, at walang bahagi sa Israel. Kung magkagayon ang dambanang ito, na itinayo ayon sa dambana ng Panginoon sa Silo, ay magiging isang patotoo na ang mga gumawa noon ay sumasamba rin sa buhay na Dios.MPMP 611.3

    May malaking kagalakan na tinanggap ng mga kinatawan ang paliwanag na ito, at madaling pinarating ang balita doon sa mga nagsugo sa kanila. Inalis ang lahat ng kaisipan tungkol sa pagkakaroon ng digmaan, at ang bayan ay nagkaisa sa kagalakan at pagpuri sa Dios.MPMP 611.4

    Ang mga anak ni Gad at ni Ruben nga ay naglagay sa kanilang dambana ng pahayag na nagsasabi ng layunin na pagkakatayo noon; at kanilang sinabi, “Saksi sa pagitan natin na ang Panginoon ay Dios.” Sa gayon ay kanilang sinikap na maiwasan ang hindi pagka- kaunawaan sa hinaharap, at inalis ang maaaring maging isang sanhi ng tukso.MPMP 612.1

    Malimit malaking kahirapan ang bumabangon mula sa maliit na hindi pagkakaunawaan, maging doon sa kinikilos ng pinakamarangal na layunin; at sa kawalan ng paggalang at pag-uunawaan, anong seryoso at kahit nakamamatay na resulta ay maaaring sumusunod. Naalala ng sampung lipi kung paanong, sa karanasan ni Achan, ay sinumbatan ng Dios ang kakulangan ng pagsisikap na malaman ang kasalanan sa kanilang kalagitnaan. Ngayon sila ay nagpasya sa mabilis na paraan at may kataimtiman; subalit sa pagsisikap na maiwasan ang una nilang pagkakamali, sila ay napunta sa kalabisan sa kabilang panig. Sa halip na magsagawa ng magalang na pag-uusisa upang malaman ang katotohanan sa pangyayari, hinarap nila ang kanilang mga kapatid na may pamimintas at paggawad ng hatol. Kung ang mga lalaki ng Gad at ng Ruben ay tumugon sa gano'n ding espiritu, ay maaaring nagkaroon ng digmaan bunga noon. Bagamat mahalagang iwasan sa pakikitungo sa kasalanan ang pagiging malambot, gano'n din kahalaga sa isang banda ang iwasan ang malupit na paghatol at walang batayang paghihinala.MPMP 612.2

    Samantalang labis ang pagkasensitibo sa pinakamaliit na pagsisisi sa sarili nilang gawain, marami ang mahigpit ang pakikitungo doon sa inaakala nilang nasa kamalian. Walang sinomang naibalik sa mabuting kalagayan mula sa isang kamalian sa pamamagitan ng pamimintas at paninisi; subalit marami ang sa pamamagitan noon ay lubos pang nailalayo mula sa tamang landas, at naaakay upang lubos pang patigasin ang kanilang puso laban sa pagtanggap ng pagkakamali. Ang espiritu ng kabaitan, pagiging magalang, kahinahunan, ay maaaring magligtas sa may sala, at maaaring magtakip sa maraming kasalanan.MPMP 612.3

    Ang karunungang inihayag ng mga Rubenita at ng kanilang mga kasama ay magandang tularan. Samantalang matapat na nagsisikap itanyag ang layunin ng tunay na relihiyon, sila ay pinagbintangan ng walang katotohanan at mahigpit na pinintasan; gano'n pa man sila ay hindi nagpahayag ng paghihinanakit. Nakinig sila ng may paggalang at may pagpapaumanhin sa mga bintang ng kanilang mga kapatid, bago nagsikap gumawa ng kanilang pagtatanggol, ganap na ipina- liwanag ang kanilang layunin at ipinahayag ang kanilang kawalan ng kasalanan. Sa gano'ng paraan ang mga kahirapang nagbabanta sa gano'n kaseryosong mga hakbang ay mapayapang naisaayos.MPMP 612.4

    Maging sa ilalim ng maling pagbibintang, yaong nasa tama ay maaaring maging mahinahon at maunawain. Batid ng Dios, ang lahat ng hindi nauunawaan at binibigyan ng maling pakahulugan ng mga tao, at maaari nating ligtas na ilagak sa Kanyang mga kamay ang ating kalagayan. Tiyak Niyang patototohanan ang lahat ng nag- lalagak ng kanilang tiwala sa Kanya kung paanong inihayag Niya ang kasalanan ni Achan. Yaong mga kinikilos ng espiritu ni Kristo ay maaaring magkaroon ng pag-ibig na matiisin at mahinahon.MPMP 613.1

    Kalooban ng Dios na ang pagkakaisa at ang pag-iibigan ng mag- kakapatid ay masumpungan sa Kanyang bayan. Ang dalangin ni Kristo bago siya ipako sa krus ay magkaisa ang Kanyang mga alagad kung paanong siya at ang Ama ay iisa, upang ang sanlibutan ay suma- mpalataya na Siya ay sinugo ng Dios. Ang lubhang nakakikilos at kahanga-hangang dalanging ito ay umaabot sa lahat ng kapanahunan mula noon, maging hanggang sa kasalukuyan; sapagkat ang Kanyang sinabi ay, “Hindi lamang sila ang idinadalangin Ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa Akin sa pamamagitan ng kanilang salita.” Juan 17:20. Samantalang hindi natin kinakailangang isakripisyo ang isang prinsipyo ng katotohanan, kinakailangang maging isang nagpapatuloy na mithiin natin ang ganitong kalagayan ng pagkakaisa. Ito ang katibayan ng ating pagiging mga alagad. Wika ni Jesus, “Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay Aking mga alagad, kung kayo'y may pag-ibig sa isa't-isa.” Juan 13:35. Pinangaralan ni apostol Pedro ang iglesia, “Kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangag-ibigang tulad sa mga magkakapatid, mga ma- habagin, mga mapagpakumbabang pag-iisip: na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pag-alipusta; kundi ng pagpapala; sapagkat dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.” 1 Pedro 3:8, 9.MPMP 613.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents